Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Kumpul-kumpol na Basura


Marami ang mga nagkalat d’yan. Pansinin ninyo.

Basura sa tabi ng kalan

Karamihan ay mga nagkakalat na tuladko.

Kayo, ‘di ba kayo nagtatapon ng kung anu-ano? Sa tabi ba ng upuanmo noong ‘lementarika, malinis? Kunwarika pa? Alamko, hindi. Ganyan kasi ako noon. Kitam?!

Karamihan kasi sa atin, ang sarili ang basehan ng panghuhusga–dahil ginagawako, alamko, ginagawamo rin. O, kaya karamihan may aydol at ikukumpara ang sarili sa aydol n’ya. Tuloy, walang magawa kasi palagi na lang may kumparahan. Ang resulta: basura ang mga nagawa. Nagkalat na basura. Sayang.

Parang naghalu-halong papel, bote’t dyaryo ang laman nitong sitio na ito. Kaya’t magtiiska at matutong masegregeyt ng alin sa gusto mong tama. Basta ako, maghain ng maghain ng halu-halong balat at tinalupan. Kunwari’y may mga malinis na bote na pwedeng pag-aksayahan ng tingin at ang mga iba, wala lang talaga kundi nasama lang sa walang kwentang katha.

Kapakapakinabang o Walang Pakinabang

Upang ‘di tayo malito at maiwasan ng hindi pagkakaunawaan, gagawa tayo ng segregasion.

Ang Bakal

Lahat na usapin tungkol at patungkol sa pulitika, pamumulitika, politiko at lahat na usapin patungkol sa politiks ay ilagay natin sa katergoryang bakal. Isama na rin natin dito ang lahat na usapin tungkol at patungkol sa relihion, pananampalataya sa Diyos o lahat na metapisikal na ideya. Ibasura na rin natin dito ang lahat na usapin na patungkol sa pilosopiya kung mayroon man.

Ang Bote

Lahat na usapin at pag-uusap tungkol at patungkol sa pinansial, ekonomiya, pangangalakal at pamamahala sa negosyo ay isilid natin sa katergoryang bote.

Ang Dyaryo

Mga bagay-bagay na patungkol at tungkol naman sa mga literatura, arte, at kaartehan, syobiz, isports, tsismis, fityur at mga tao at pagkatao ay ilagay natin sa katergoryang dyaryo.

At Iba Pa

At lahat na kathang isip– totoo o hindi totoo, kababalaghan, kahibangan–ay isupot natin sa ibaba ng katergoryang at iba pa.

Hayan. May kaayusan na! ‘di ba masaya kung maayos ang paligid?

Mga walang kwentang mga tao, bagay, lugal, pangyayari ay ilagay na lang natin sa nabubulok (sige tawa!) na basurahan at hayaan na lang nating mabulok sila doon tulad ng mga bulok na pulitiko at bulok na sistema. Kung kailangang pagtuonan sila ng pansin, e, di ilagay natin sa kanilang kinalalagyang katergoya.

Maligayang pangangalkal sa inyong lahat!

Pagsasanay:

1. Bumili ng di-mamahaling notbuk at gawin itong listahan ng mga aral na napupulotmo araw-araw. I-segregeyt ang mga ito sa maayos na kategorya.

2. Subukanmo, walang mawawala sa iyo.

4 responses to “Kumpul-kumpol na Basura

  1. patrick santos September 21, 2010 at 12:51 am

    magandang ideya yan tinot……………. ung mga nagkakalat at nagpapakabanal na mga nakasotana pano mo isegregate… marerecycle pa ba???? nagtatanong lang po o ililipat lang ng ibang parokya??? a recycle pala so mapapakinabangan pa rin ba ganitong pagkakalat o lalong magkakalat…………………….. basura nga naman……….sge tinot bilisan mong magtulak ng iyong kariton at marami kang mapupulot na basura isegregate mo mga mapapakinabangan haaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!11

  2. patrick santos September 21, 2010 at 12:53 am

    bakit tinot may mode moderation pa pag ako nag cocomment anu ba?????????????? naglagay lagay ka pa ng post comment tapos imomoderate mo pa…….. ang aking ideya imomoderate pa!!!!

    • Ka Loren September 21, 2010 at 2:04 am

      sowi iwas spam lang na tuladmo… ha ha ha ha…. magtiiska! kanya-kanyang trip lang… trip mo, tripko e, kasi dapat kung tignan kung basura nga ang itinataponmo dito bwa ha ha ha….kaawaan ka sana ni yangzimi…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: