Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tama Na! Sobra Na!


Opps! Hindi ito anti-Marcos slogan. Kulang e. Wala yung mga katagang: Palitan Na!

Balik-tanaw.

tama na slogan
Tama Na! Sobra Na!

Sa mga wala pa noon at sa mga bata pa noon na tuladko, pilitin kong sariwain sa abot ng kakayahan ng aking memorya kung ano itong Tama Na! Sobra Na! Palitan Na!. Opo naman, bata pa ako noon at huwag kayong magkunot noo d’yan na magbilang kung ano na ang edadko. Sayang lang ang oras n’yo.

Well, (he he, ingles) ito ay ang slogan na talamak na nakasulat sa mga plakard ng mga raliyista noon na napapanoodko sa TV. Opo, may TV na kami noon na black and white na para bagang kabinet. Ito rin ang gasgas nang isinisigaw ng mga nag-aalsa balutan sa mga kalsada mula noon magpahanggang ngayon.

Hoy, baguhin n’yo naman ang istayl n’yo para maiwasan ang trapik d’yan sa Maynila. Gumamit na lang kayo ng twitter, facebook, at mga blog sa mga reklamo n’yo. O, kaya magpatianod nalang kayo sa Pasig at sumadsad sa tabi ng Malakanyang at magpahuli sa Pesting Guard, ehe Presidential Guards. At least personal pa na makausap kayo ng Presidente at mangitian pa kayo ng pabalang.

Mabaliktayo sa slogan.

Hindiko maintindihan noon kung bakit sobra na at palitan na. Ngunit, unti-unti kong natanto nang i-eksplika ng aking anti dahil matanong ako e. Tinatanong ko pa nga kung bakit may mga piktyur ng bata na malaki ang tiyan sa magasin. Mr. & Ms. ata noon ang titulo ng magasin. Ang dyaryo noon na paminsan minsan maiuwi ng mga tiyahinko at tiyuhinko ay Malaya. Simple lang sagot nila: matagal na kasi si Marcos na namumuno at sobra na ang pasakit na dulot ng kanyang kakorapan sa mga mamamayan. Naghihikaos na ang mga Pilipino lalo na ang mga bata: wala ng makain.

Dahil makulit ako, tinanongko pa: e, yung Marcos, Tuta ng Kano!

O, hayan ha. May eksplinasion na. Basta ito ang mga isinusulat noon sa mga pader ng iskul. Sa iskul namin walang nakasulat na ganoon. Pasalamat nga ako dahil walang pader ang iskul namin. Sa mas liblib na baryo wala rin nagsusulat ng ganoon kasi wala silang iskul. Gets mo?

E, ano naman ang gusto kong kalkalin sa basura na ito?

Tama na ang usapin patungkol sa hosteds kraysis na iyan! Marami ng basura na papel kasi ito na lang ang laman ng dyaryo. Nagiging basura na rin ang orasko sa pakikinig ng balita sa radyo o sa panonood sa TV, sa pakikisawsawko sa re-tweet ng mga kaibiganko o sa mga tred sa facebook. Lalo pang mangangamoy ang basurahan natin, este, bayan natin dahil sa walang humpay na teleserye na ito. (Mahilig pa naman ang mga Pinoy sa mga teleseryeng ang mga bida ay singkit.) Basura na nga ang tingin sa kapulpolan, opps, kapulisan natin lalo pa nating pasingawin. Pagtakpan kaya natin ang alingasaw ng basura natin at huwag nang ikalat sa buong mundo ang umaatikabong pagdami ng bangaw sa bakuran natin.

E, ano kung may namatay na walong intsik. May naligtas naman a. Tsaka, ilan kaya ang mga namatay na mga Pilipino dahil sa kasakiman ng mga nag-iintsik-intsikang nga Pinoy o talagang mga intsik na nagkakalat ng shabu o pekeng mga kagamitan? Sabagay, buti pa ang mga intsik at mayroon silang nagagawang gamit na ibinabagsak dito sa ‘pinas.

Tama Na! Sobra Na! Tigilan Na!

Naku, yari na! Isa rin pala ako sa walang bagong istayl dahil gamitko rin ang gasgas ng mga kataga. Pero, iba pa rin ako. Sa blog ko ginamit at hindi sa karton. Kung tatanungin ninyo kung magpapatianod ako sa Pasig river kung magawi ako doon, HINDI! Maraming mga nagkalat na basura sa tabi (at loob) ng Malakanyang. Natatakot din ako sa mga buwaya. Ang buwaya kasi ay namumugad sa pampang ng ilog. Sayang lang ang bayagko. Bilib pa naman ako sa kasabihan ng mga sinaunang tao: humayo kayo at magpakarami!

Sige, diyan muna kayo at mamumulot muna ako ng basura at maiponko dito.

P.S.

Plis, segregeyt.

Dagdag Gawain:

1. Kumuha ng papel at bolpen.

2. Isulat ng maliwanag ang mga reklamo mo sa mga magulangmo.

3. Ipakitamo sa kanila. Huwag kalimutang sagutin kung bakit?

2. Anong istaylmo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: