Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Nay, Pabilan ng Laptop


Sinaunang Laptop

Ancient Laptop

O, hayan, kung isa ka nang Nanay o Tatay o Naytay, huwag kang magalit sa anak mong tambay. Kung hindi mo pa sila naiintindihan, balikan mo ang napulot kung ipinoste kahapon. Tinanongko: Madali bang maging TAMBAY?

Nasa saiyo lang kung paano maging productivo ang anakmo. Bilhanmo ng laptop!

Isama mo na rin ang smartbro o kaya, globe tattoo.

Samahan mo pa kaya ng konting abuloy sa simbahan at magdasal na gawing hacker ang anakmo at nang hindi na manghingi ng pangload dahil kaya na niyang i-reconfigure ang broadband na walang gastos.

Sasaya ka pa dahil alam kong adik ka rin sa net!

Kung ikaw naman yung anak, pagawa mo sa Nanaymo o Tataymo ang kababasa mo lang. Sabihin mo:

Gusto kong maging hacker!

Kung magagalit dahil hinusgahan ka na niya bago ka pa nakagalaw, sabihinmo:

Magda-download ka lang ng torrent files ng mga e-books ni Dan Brown at ni Kafka.

Kung kulang pa rin ang sales talks mo, sabihin mo:

Gusto kong matuto ng Nippongo.

Siguro, papayag na niyan. Tapos, i-downloadmo ang torrent file ng pelikulang Letters from Iwo Jima. Di ba astig?

Kung kulang pa rin ang powers mo, siguro may DVD player naman kayo? Kalimutan mo nalang yang laptop. Pabili ka ng pekeng DVD rip ng pelikulang Letters from Iwo Jima. Yayahin mo nalang na manood ang mga parents mo.

Hayan, may family bonding time na kayo.

I-slow motion mo ngayon ang movie at palutangin ang sub-title na ingles. At, sabay-sabay ninyong basahin ito na may kalakasan.

Ayos ba?

Dagdag Gawain:

1. Ilistamo lahat na pinabilimo sa mga magulangmo na hindi binili.

2. Pag natapos mo na, puntahan sila at tanungin kung bakit?

3. Ilista mo lahat na sagot nila at ipaskil sa pintuan ng kuwarto mo.

3 responses to “Nay, Pabilan ng Laptop

  1. Sphere September 8, 2010 at 1:19 pm

    ahahahaha ikaw na ikaw na ang nangprepreasure ng mga magulang!

    • Sphere September 8, 2010 at 1:21 pm

      Parekoy, hug nga pala kita sa blogroll ko ha!

    • Ka Loren September 8, 2010 at 2:06 pm

      di naman po…kunting tip lang sa mga di pa nakagagawa nyan…😀 Nasubukanko na kasi, ipinakita ko ba naman ang listahanko…oy, pinansin sabay tanong: o, gusto mo pa ang trak-trakan?! Ngeaaaay!

      Pwera biro, may tatlo talagang binili na di binili noon…salamat.

      Salamat din sa paghug sa blogroll nyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: