Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Major, Major I Am Sick!


Waaaa! Sumasakit na ang uloko!

Lumang Dyaryo

Dyaryo Kayo D'yan!

Ano ba naman ang mga laman ng mga napupulot kong dyaryo?

Bonggang-Bongga! Lalaki Nagbati sa Mall, Kalabuso.

Mga sampol ng mga headliners ng tabloyd ‘yan. Hay, naku. Mga ganitong klase pa naman ng mga dyaryo ang karamihan at kadalasang nasasama sa mga basurang napupulotko. Bakit kaya?

Bakit nga kaya? Subukan nga nating sagutin.

Ako na ang mauna: Dahil kaya sa karamihan ay sa Tagalog nasulat at marami ang nakakaintindi ng Tagalog.

Hayan ha may sagot na ako.

Teka, teka hindi iyan ang gusto kong tumbukin sa poste na ito. Pasadahan muna natin ang laman ng gutay-gutay nang libro na minsan napulotko rin. Nagkadikit-dikit na nga ang mga pahina, kulang-kulang pa!

Lahat na problema, gusot, suliranin at mga ded ends na kinalulugmokan ng ating buhay ay para bagang wala ng solusyon sa isang kahon ng pagtingin o pananaw. Subukang palakihin ang kahon, gumawa ng panibagong pagtingin at tanawin sa ibang anggulo, at lahat na suliranin ay mawawala, habang may mga bagong oportunidad o pagkakataon na bubulagta.

May dagdag pa ‘yan sa ibang pahina nga lang.

Kunsabagay, lahat ay gawa-gawa lamang ang mga iyan (kuwentong basurero), gawa na rin tayo ng kuwento o frameworks ng mga kahulugan upang maging makulay ang ating buhay at ng mga buhay sa paligid natin.

Hayan. Isinalinko lang ‘yan sa pinakamalapit na pagkaunawako (he he). Ingles, e. Ang ganda pala ng aklat na ito na sinulat nina Ben at Roz Zanders, The Art of Possibility. Bilib ako sa nagmamay-ari nito noon. Siguro, kuha na niya lahat ng mga aral na napapaloob. Kaya’t itinapon na lang. Sayang…

Major, major! Sikat pala ito ngayon, a? Oo naman, pinagtiyagahan kong binasa ang bonggang-bongga ngunit di ko na pinansin ang balita sa lalaking nagbati.

Bilib ako kay Venus Raj. Sayang nga lang kasi biktima siya ng basurang sistema na pa-ingles-ingles, ang basura na noon pa man din ay ipinagsisiksikan na sa ating kukuti na ang bigkas sa “A” ay “ey” kaya’t ito ay “eypol”. Kaya’t ang gusto nating kantahin ay “May Wey” at nakalimutan na natin ang “Ang Bayan Ko”.

Subukan kaya nating bigyan ng  bagong pagtanaw ang eksampol na ito. Bakit ‘di natin paglinangin ang sariling lengguwahe natin? Kung Taga-ilog, magtagalog ka. No ilokana ka, agiluko ka. No pangasinan ka, man pangasinan ka. Kun Bikolano ka, magbikol ka. Kung bisaya ka, magbisayaka.

May nakikita ba kayong problema kung gawin natin ang suhestyonko? Kung mayroon, ilahad lahat ito sa mga komento nyo.

Opps, bago ko makalimutan, may tanong pa ako sa unahan…he he he.

Isang karagdagang pahiwatig kung paano sagutin ang mga tanongko. Basahin ang Langweds is Aydentiti sa Inquirer.

Naku! Kaya pala sumasakit ang ulo sobrang seryoso itong naiposte ko. (arayyy!)

Dagdag Gawain:

1. Ano ang paborito mong libro? Nabasamo na ba ito?

2. Bisitahin ang mga ikinarton mong libro, gumawa ng talaan kung kailan mo ito babasahin?

3. Kaya mo bang sagutin ang tanong kay Venus Raj sa loob ng isang minuto? Walang dayaan. Ngayon na!

12 responses to “Major, Major I Am Sick!

  1. busyokology September 9, 2010 at 3:11 am

    haha. ayos ang title mo kadwa🙂

  2. juanlazzzy September 9, 2010 at 6:52 am

    ayus!

    bibisita lang si juan tamand kay basurerong Pinoy!

    how are yah? u know? ansagwa! pareho lang tayong Pilipino nag-iingles pa ‘ko!

    Paborito kong libro- A Time to Kill, Oo nabasa ko na! =)

    Padaan lang tol, pakape na din, pwede? =)

    Add kita sa blogroll ko ha? salamat!

    • Ka Loren September 9, 2010 at 7:15 am

      sige, barako nga lang…at pulang asukal he he he….fil fri (yayks!)

      Maganda siguro ‘yang- A Time to Kill- sa totoo ‘di ko pa nabasa ‘yan ha. =)

      bukas naman lagi ang kariton ko kasamang juan…salamat sa pagdaan…

      Add na rin kita…salamat ulit sa suporta.

  3. juanlazzzy September 9, 2010 at 8:29 am

    oo kapatid! tayo na nga lng magkauri di pa tayo magsusuportahan?
    basta ako suporta lang ako, tamad ako, Pilipino ako

    ikaw, basurero ka, pero masipag ka, isa ka sa mga naghihirap ngayon dahil sa dulot ng katamaran ko..

    turuan mo din akong maging masipag! magsuportahan tayo!

    Mgandang araw sa’ting lahat!

    • Ka Loren September 9, 2010 at 8:44 am

      pag wala na akong makalkal, gutom na ako…salamat ulit….

      siyanga pala, bakasyon muna ako ng ilang araw…babawi na lang ako sa koments sa susunod…magdedeliver kasi ako ng mga bakal e…😀

      may nakahain na…kalkalin niyo na lang…painit na rin kayo ng kape sa tabi…isegregeyt niyo lang mga basura…

      Dalawang kilo na bakal sa bawat isang orasko sa Net yayyy!

  4. busyokology September 9, 2010 at 8:57 am

    ka loren, tama ka, biktima nga lang siya..at pati ako ng sistemang basura.

    sa totoo lang bakit nga naman hindi magkakaganun na trying hard tayo e unang pagtungtong palang natin sa eskwela yun na ang isinisiksik sa utak natin. A sa in epol…pwde naman sanang A as in atis.

    • Ka Loren September 13, 2010 at 3:03 am

      busyok, yan ang isang basura na sistema na ating iniikutan…ang umaalingasaw na walang pakundangang ala-foreigner…na paingles-ingles…kaya ayawko na atang magblog sa ingles he he he…sarap palang magFilipino…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: