Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

T.A.M.B.A.Y: Tay, Ako’y Mag-aabroad Baka Ako’y Yayaman


Istambay by Keith Bacongco on FlickrNakakatuwa dahil ako’y basurero ngunit ang pinagtutuonanko ngayon ng pansin ay mga tambay. Sila kasi yung mga lagi kong nakikita tuwing nagtutulak ako ng kariton. (Liwanaginko lang ha, kariton).

Ngunit, hindi iyan ang ihahainko ngayon.

Habang ako’y nagtutulak, masaya naman akong nakikinig ng mga myusik sa ibinenta sa akin na parang walkman. Siyempre, kasama na doon ang erpon. So, nakikinig nga ako sa isang FM na palaging bumabanggit ng kanilang sponsors (kainis!). Ililipatko na sana e nang marinigko ang patalastas tungkol sa nursing review center.

Hanep sa marketing sabi nga ni Bob Ong. Imbes na ang value ng pag-aaruga ang sabihin e, halina’t magrevyu dito sa ___________ at sigurado ang trabaho nyo sa abroad. ‘yan ang punch line. ‘di ba nakakatuwa at nakakainis!

Pero ano pa nga ba ang asahanko. Lahat na ata ng ambisyon ay makapunta sa abroad.

Sabi nga ng kinder kong anak: Paglakiko, mag-aabroad din ako! Kitam…

Hayan…kaya ang nakikitang solusyon na lang sa mga tambay ay itapon sa mga lisensyadong agency at makapunta na nga sa abroad.

Tay, Ako’y Mag-aabroad Baka Ako’y Yayaman!

‘yan na lang kaya ang solusyon?

Dagdag Gawain:

1. Marami ka bang kakilala na nasa abroad?

2. Ano ang alam mong dahilan ba’t sila nag-abroad?

3. Ilista sa papel ang mga gawain ng mga tambay. Idikit sa waiting shed.

10 responses to “T.A.M.B.A.Y: Tay, Ako’y Mag-aabroad Baka Ako’y Yayaman

  1. Sphere September 8, 2010 at 1:38 pm

    Oist, matanong nga kita tambay kabang tunay? parang minamarket mo ang pagiging tambay ah ahahahaha joke lng🙂 dahilan ko kung bakit nasa abroad ako dumugo ng bonggang bongga ang puso ko yon lng ang dahilan ko, yung mga dabarkads ko naman dahilan na 30/70 – 300 per day lng ang sweldo nila sa pilipinas abunado pa sila at 700 per day naman ang sweldo nila sa Abroad at malayo pa sila sa talak ng mga asawa nila ahahaha

    • Ka Loren September 8, 2010 at 2:16 pm

      aha!? dumanak pala ang dugo sa himpapawid noong lumipadka..(biro).

      oo nga e…sobrang layo ng agwat ng pasahod dito sa pinas keysa sa abrod…swerte kayo (inggit).

      At ang pinaka-oki sa lahat, yang paglayo sa talak ng asawa o nanay…

      bumisita pala ako sa carperter’s rule, nahiya nga lang po akong nag-iwan ng kahit HAY! limang araw na bakasyon…buti pa kayo…may bakasyon…bakasyon na lang lagi ang mga tambay.

      Kung tambay ako o hindi…uhuuuummm…sekret muna po a he he😀

      • Sphere September 9, 2010 at 7:42 am

        hindi ka man lng nagiwan kahit kapatak na bakuna sa bahay ko bisitahin mo din iba kong dabarkads na nandon ipapakilala kita sa kanila di pa yata nila natatagpuan ang bahay mo pakilala ka at makipag kulitan ahahahha

        cge secret na lng muna maya ibulong mo sakin ah!

    • Ka Loren September 9, 2010 at 7:52 am

      Salamat, salamat…kung kilala niyo si busyok…matagal ko nang katoto at kauto yon e…

      introvert kasi ako (awts! aray)…mahirap palang magsinungaling😀 sa susunod na puntako doon…magpapadrum roll pa po ako ng dyarannnn…! toink!

      sige po…subukan ko pong makipagkilala sa mga dabarkads ninyo…mahirap kasing biglain…baka mawalan ako ng tym sa pagbabasura sa kasasagut ng koments he he he…isa-isahin ko sila…huwag ninyong biglain ang pagkain ha, pagkatapos ng ramadan (paalala lang…)

  2. busyokology September 9, 2010 at 8:46 am

    ka loren, may i-share akong acronym hehe.
    I-kaw
    S-iya
    T-ayo
    A-ng
    M-ga
    B-atang
    A-yaw
    Y-umaman🙂

    ayos, naaaliw ako masyado sa mga nababasa ko dito.

  3. Pong September 14, 2010 at 1:11 pm

    nasa abroad ako kasama lahat sa pangrap ko ang yumaman, walang masam dun ehehehe

    • Ka Loren September 14, 2010 at 1:40 pm

      sensya na po Kasamang Pong kung may negatibong dating ang kathang isip na ito…banat ko lang kasi sa mga lantarang marketing na mas gaganda ang buhay kung mag-aabrod.

      Ala nga po talagang masama sa pangingibang bansa para kumita at mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang pamilya.

      Ang masama lang po dito ay ang pagiging ‘anestesiya’ na ang pag-aabrod, na animoy ang pamumuhay sa diaspora ay isang napakagandang buhay…naisin ko lang na ipahiwatig na sana kung sisipatin sa ibang anggulo na ang pag-aabrod ay parang ampalayang mapait din…na kung sana, na kung sana’y kinamumuhian ang buhay diaspora, mapipilitang hikayatin ang gobyerno na mag-isip ng mga ibang paraan na dihins sana’y i-export ang mga magagaling na pinoy…

      na sa ibang banda, imbes na magtambay sana at umasa sa padala ng mga nasa abrod, e, dapat mag-abrod na rin upang sa gayo’y maranasan din namin ang lamig sa disyerto, makita din namin ang usok ng niebe, na dapat makita din namin kung paano maging singkit ang mga tsaynis…marami at maraming dahilan…

      harinaway pagpalain kayo lahat ng maykapal, kayo na Bagong Bayani ng Filipinas!

  4. Ka Loren September 14, 2010 at 2:08 pm

    Salamat po ng marami…

    aasahan ninyo po na paminsan-minsan tatahak ako sa daang matuwid😀

    kanina ang dasal namin: the Lord is my Shepherd and there’s nothing i shall want…

    napakagandang antiphon at yan po ang alay ko sa inyong lahat…

    Ang kapayapaan ng Panginoon ay sumasainyo po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: