Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Quits Lang, Wala Rin Siyang Tinapay!


Kuwentong basurero muna tayo ngayon.

****

tinapay

tinapay

Kumakaripas ng takbo si Arko Angelo. Parang si rodraner nga na umaalikabok pa ang madaanan. Takang-taka ang tatay niyang si Mang Tonyo. Hangos na lumapit sa namanghang ama. Sabay yakap sa ama at humagulgol.

Bakit, anak? Hinaplos ng ama ang likod ng kaniyang paboritong anak. Tatlong taon pa lang ngunit nangangapit bahay na ito.

Si toneyt kasi, tay. Ayaw akong bigyan ng tinapay.

Para tinapay lang, umiiyak ka na. Dinukot ng ama ang kayang bulsa at ambang magbibigay siya ng piso. Wala siyang nadukot at umatungal si Arko Angelo.

Hayaanmo anak. Makakabawi ka rin sa kanya.

Tumango ang anak at biglang sumaya ulit ang kanyang mukha. Ipinunas ang nanlalagkit na niyang t-shirt sa mukha at naghalu-halo na ang luha at sipon sa alikabok sa nangingitim na niyang damit.

Tay, ‘pag namatay din kayo hindi ko rin bibigyan ng tinapay si Toneyt, ha?

Mamamatay din ang tatayko, wala ka ring tinapay! Pasigaw na sambit ang papalayo ng si Arko.

Naiwan ang ama na nagtataka at kinakabahan.

****

Huwag kayong magturo na bumawi sa iba…πŸ˜€

Dagdag Gawain:

1. Uso pa ba ng pakape sa lamayan ngayon?

2. Ilang beses ka ring nagkape sa may patay?

3. Ilang besesmo nang nagamit ang Quits Lang maliban noong nagbreak kayo ng akala mong nagmamahal sa iyo? Yung totoo lang, ha.

10 responses to “Quits Lang, Wala Rin Siyang Tinapay!

  1. busyokology September 10, 2010 at 4:48 am

    haha.ganti ganti lang yan.

    di ako mahilig magkikape sa lamayan..saka di talaga ako mahilig sa kape. pang tinapay lang ako. masarap yong tinapay na nasa baldeπŸ™‚

    • Ka Loren September 13, 2010 at 2:56 am

      masarap ang kape, busyok…lalo na kung ito ay kape barako! ha ha ha.

      tinapay sa balde? a, yung MYSan yung halo-halo ng istayl at lasa..ok yun a….huwag turuan ang bata na gumanti…sige ka, babalik din saiyo….joke.

  2. juanlazzzy September 10, 2010 at 5:06 am

    ang gandang talinhaga!

    ayus toh parekoy!

    ang paghihiganti ay may sangkap na poot, paninibugho at karahasan na siyang pinakamabisang ingredient upang mawasak ang magandang pakikipagsamahan.

    kape sa lamayan? dna ata uso tol.
    ang uso ngaun, cup keyk at zesto juice! hehe

    • Ka Loren September 13, 2010 at 2:58 am

      Ka Juan, oo nga ano? juice at cup keyk na pala ang karamihan na inihahain…pangmadalian na yan kasi keysa magpainit pa ng tubig, ilagay sa cup at huhugasan pa ang cup pagkatapos…lahat na kasi gusto natin instant…πŸ˜€

      baka pati instant anak, uso na rin? nagtatanong lang…

  3. WildCat September 10, 2010 at 2:49 pm

    πŸ˜† Katawa naman. Bumalik sa kanya ang ipinayo niya sa anak.

  4. Patrick Spencer Santos September 13, 2010 at 4:29 am

    hik hik hik hik natatawa ako………………..mas masarap ang kape sa lamayan pag may mahjong o tong its lalong lalo na pag nananalo

  5. Patrick Spencer Santos September 13, 2010 at 4:31 am

    kahit walang tulugan basta may mainit na kape (instant man o kung anumang uri ng kape) ang importante may tong its sa lamayan hik hik hik natatawa ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: