Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Saan Ba Madalas May Mga Tambay?


Tambay

Tambay

Balik tayo ulit sa tambay.

Gusto kong malaman ang sagot nito. Kung saan maraming tambay, doon maraming puwedeng mapulot na basura. Karamihan doon siguro, bote, upos ng sigarilyo, balat ng kendi o mga lumang dyaryo.

Sa paglilibotko habang naghahanap ng basurang pagkakaperahan at nangangariton ng mga basura patungo sa tambakan, napansinko na karamihan sa mga tambay ay sa kanto naglalagi. O, kaya sa harap ng sari-sari store. Mga ilan na may kunting pera, sa harap ng internet cafe/shop habang nag-aabang na makasingit sa PC upang makaharvest ng mga itinanim sa farm nila.

May mga ilan ding nagagawi sa mga parke at palaging pumipindot ng selpon.


Dagdag Gawain:

1. Sa sariling kakayahan, ilahad ang mga lugal na maraming mga tambay. Lalanggamin ang magpatulong sa iba.

2. Marami bang nakakalat na basura sa lugal ng tambayan? Ano ang mga ito?

3. Para makatulong, maglagay ng basurahan sa lugal ng tambayan.

6 responses to “Saan Ba Madalas May Mga Tambay?

  1. patrick santos September 11, 2010 at 10:52 am

    sa labasan ng unibersidad, dami dun lalo na sa sakayan ng tricy….

  2. WildCat September 12, 2010 at 5:29 pm

    Oo tamang maglagay ng basurahan lalo na sa mga parke kaso may mga tao na hindi ito ginagamit mas gustong iitsa nalang sa tabi ng daan. Madalas katwiran, may basura na rin naman dyan. Kaya hayun dinagdagan!
    At wow ha! Tambay na may cellphone pa, sana sila ang bumili bumayad ng pang-load dahil tambay nga eh.

    πŸ˜‰

    • Ka Loren September 13, 2010 at 2:53 am

      opo WC, may mga CP pa ang mga ibang tambay…kitam class na ang mga tambay ngayon…pa pisbuk pa nga sila e…gamit ng cp…tapos pag-uwi ng bahay, magtanong: nay, anong ulam? tapos, iismid kung tuyo lang….sabay hingi ng pangload sa nanay…hay naku!

  3. Patrick Spencer Santos September 13, 2010 at 4:06 am

    TAMBAY Tunay At Maasahang Barkada Ating Yamanin, dyan nagsisimula ang pagkakaibigang walang iwanan… sarap kaya ang TAMBAY……..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: