Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Gulong, Gamitin sa Kaartehan


WoW! War on Waste..

Pwede na palang pinturahan ng bulaklakin ang gulong?! Galiiing!

O, di kaya…pink na gulong? Nakakita na ba kayo ng pink na gulong?

Gulong sa Kaartehan

Gulong sa Kaartehan, uha!

Sa kalilibutko sa paligidligid, nagagalugadko ang mga ibang lugar na sinusunog ang wala ng silbing gulong. Sayang…may pera pa sana dyan.

Uso daw ang dengue fever kaya ayan, geninocide ang mga gulong at lata.

Oppppsss….

Yan kasi ang hirap sa mas mabilis na isip keysa sa paningin. Hayan, tuloy palaging basura ang kahihinatnan ng ating paligid kasi nababaliwala…parang walang importansya.

Hayaan mo munang daanan ng paningin ang mga bagay-bagay tulad nitong katha kong walang silbi na sadyang maganda sa aking pantasa (sa akin lang ha? di ko alam sa iba) bago sana kalkalin ng isip ang lahat na pakahulugan na nakahibla sa mga kataga.

Teka! Alamko na rin yang read between the lines na iyan…

Sige, subukanmo mo nga. Ituro mo nga sa amin ang mga layns na yan at isulat ang reyd mo sa betwin nila.

Buti pa ito: Totoo. Titsers ar betwin da layns. May dala pa ngang istik at handang mangpingot!

Basa muna sa mga kataga at tapusin ito hanggang sa dulo. Pagkatapos, basahinmo ulit at gamitinmo ang galing mo sa reyd betwin da layns.

Maari talagang gamitin ang gulong sa kaartehan–sa sining–depende lang sa pagtinginmo at kung saanka nakatanod.

Basahin mo ito...Creative Used Tires Sculptures Around the World…at kung hindi ka pa mamangha at sabihin sa akin na totoo pala na ang gulong ay magamit sa kaartehan. Babala: Ingles yan!

Dagdag Gawain:

1. Kung nagmamadalika sa paglalakad at natisodka, maituturo mo ba ang kriminal na bato?

2. Maliban sa ginawa mong duyan o hamps ang gulong, ano pa ang pwede mong gawin sa mga ito. Bawal mangopya.

3. Sa palagaymo, basurero ba ako?

6 responses to “Gulong, Gamitin sa Kaartehan

  1. Sphere September 13, 2010 at 10:40 am

    1.) oo, dudurugin ko ang bato ng pinong pino mailabas man lng ang galit!

    2.) baka pwedeng lantern sa pasko ahahahha wala akong maisip🙂

    3.) oo, hindi lng halata ahahaha🙂

  2. Ka Loren September 13, 2010 at 10:47 am

    Ang galing mo sa una ha ha ha…ako, di ko kayang ituro ang salarin e… sinubokanko na…walang witness e…

    ayos na gawing lantern ang gulong, oki yan!😀

    salamat naman sa ikatlo, di halata…yahahahaha!

    musta po pala bakasyon ninyo? (nakikitsimis lang…)

    • Sphere September 14, 2010 at 7:17 am

      bakasyon ko? ok naman sya may post nga ako about sa bakasyon ko wait lng icopy paste ko para sayo o ayan na!

      PAGKATAPOS NG LIMANG ARAW!

      Pag hindi lumitaw si Haring buwan ng Martes ng gabi papasok kayo! isa sa pinakamahigpit na bilin, ang tagal kong hinintay ang Buwan pero hindi sya nagpakita sakin kaya kinabukasan pumasok ako sa aking sakahan / minahan. Huwebes sumisilip pa lng si haring araw (oo dalawa silang hari dito kaya wag kana magtaka) binabaybay ko na ang daan papuntang beach kasabay ng hanging kumakanta at gusto kong umiyak sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan gusto ko na mag U-turn at huwag na lng ituloy ang plano pakiramdam ko Loser na Loser ako ng mga sandaling yon

      Alas Diyes na ako nakarating sa Beach resort medyo napagod ako mahigit 2 oras ang binabaybay ko pagupo ko sa kama nagbabadya na naman ang pagtulo ng luha bakit ba ako nalulungkot? pinili ko naman talaga ang magisa dapat pangatawanan ko ang pagiisa ko hindi ko matandaan kong ilang oras ako nakasubsob sa unan pero nagising ako sa sabi ng phone ko na ‘I don’t want to be anything other than what I’ve been trying to be lately, All I have to do is think of me and have peace of mind. I’m tired of looking ’round rooms wondering what I gotta do Or who I’m supposed to be I don’t want to be anything other than me”

      Ako: Hello?

      Tay Jo: Anak, nasan kaba? kanina pa kami tumatawag sayo dika sumasagot sa phone mo!umiiyak kaba?

      Ako: eh andito po ako sa Ras Al Khaimah! hindi po ako umiiyak.

      Tay Jo: Anong ginagawa mo jan? sinong kasama mo? eh bat ganyan boses mo para kang inapi!

      Ako: wala po natutulog lng…wala po ako lang!

      Tay Jo: Di ka ba nagsasawa sa pagiisa mo? inaatake ka naman ng pagiging Autistic mo! andito kaming lahat sa Fujeirah mag checkout kana pumunta kana dito.

      Ako: Oh cge po, marami po bang pagkain jan?

      Tay Jo: oo maraming maraming pagkain bilisan mo bago kapa abutin ng paglubog ng araw.

      Ako: Salamat po.

      halos mahigit 2hrs byahe ko ppunta sa RAK tpos from Dubai to Fujeirah 2hrs yan ang nagagawa ng isang tao pag wala sa sarili at praning lang

      O AYAN KA LOREN MAGIWAN KA NG BAKAS AH! ahahahha

      • Ka Loren September 14, 2010 at 8:21 am

        ha ha ha…ang gandang bakasyon ‘yan …nakakaaliw…sige lipat ako mamaya po…nagtago kasi ang kuriente dito maghapon e…sagot muna ng mail at comments yayyyy!

  3. Daniel P. Yuson Jr September 13, 2010 at 11:58 am

    @ Ka Loren..!
    hhmmm…
    interesting..!
    balik ako dito mamaya..!
    wait mo ako ha..!
    usap tayo..!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: