Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Pagtambay, Isang Bisnis Din


Ang bisnis ko ay pangangalap ng basura.

Blind Musician

Musika Ang Negosyo

Sa palagayko, ito na rin ang trabahoko. Ngunit, lahat ba na bisnis ay trabaho?

Sa mga nagdaang araw, ilan sa mga napulot kong ikinalat dito sa mumunting kariton ko sa net ay mga patungkol sa mga TAMBAY.

At ‘pag sinabi na nating tambay ay mga walang ginagawa o nagpapalipas lang ng oras. Di produktivo, ika nga. Ga’non ba talaga?

Maaari ring bisnis ang pagtambay.

Naku! Ito na naman ako, ibinibinta ang pagiging tambay.

Isa sa katangian ng negosyo o ang pinakamahalaga sa mga katangian ng magandang negosyo ay ang sabi nilang ‘building relationship’, dapat malawig ang pakikipag-ugnayan. Sa relationship nagkakaroon ng bisnis.

At sa tambayan lang ito mangyayari!

Sure. Dapat may palitan ng kalakal o serbis. Sa pagpapalitan ng mga bagay, may nangyayaring bisnis.

Ako. Kapag napadaan ako sa tambayan ng mga walang ginagawa, umuupo rin ako kasama nila. Nakikipag-usap, pinapalawigko ang samahan naming mga tambay sa kanto. At dahil dito, hindi ko na kailangang gumawi pa sa bawat bahay ng mga tambay upang mangalap ng basura. Dinadala na sa tambayan, he he he.

Sino ba ang may gustong bumili o tumangkilik sa inilalako mong serbis o bagay kundi ang mga taong nakaugnayanmo na at nagkaroon ng tiwala sa iyo?

Kapag sinuwerteka, bawat pakikipagkamaymo, bawat pakikipagpalitanmo ng tawa o ngiti ay nangangahulugang bisnis sa hinaharap. Sa bawat klink at toink ng mga baso ay isang pahiwatig ng isang bisnis dahil ang gawinmo lang ay lagyan ng benefits ang mga pangyayari sa buhay na walang ginagawa.

Tignan lang ito sa ibang perspektibo o lagyan ng ilang kahulugan para di maging kahibangan lang.

Huwag sayangin ang oras sa kakaisip na ang bisnis ay gawain o trabaho.

Kaya sa lahat na mga tambay, palawigin natin ang ating samahan. Lagyan ng value ito ika nga. Sino ba ang makakaalam, baka bukas o makalawa, ang pagiging tambay ang bisnis natin.

Baka sa susunod, tayo ang makakaisip ng bagong pisbuk o prenster?

Dagdag Gawain:

1. Paano mo pinapalawig ang pakikipag-ugnayan sa iba? Ano ang mga dahilanmo?

2. Paanomo ginagamit ang panahonmo sa mga tambay?

3. Ano ang pinakamagandang payo na natanggapmo galing sa magulangmo?


12 responses to “Pagtambay, Isang Bisnis Din

  1. tacio September 14, 2010 at 12:43 am

    sabi ko na nga ba’t hindi sayang ang pagtambay ko sa mga parke. hehe

    • Ka Loren September 14, 2010 at 8:26 am

      Weeee….nabigyanko pa ng rason ang pagpapark mo sa parke aπŸ˜€

      Ha?! Sa parke, maglagayka ng lata at magsuot ng sunglasses…tapos maglagay ng plakard sa tabi. Ito ang laman ng plakard: Gusto kong mangalap ng 4,000,000 na tig25 na sensilio…ilagay ninyo s lata.

  2. Sphere September 14, 2010 at 7:19 am

    hang bilis mo magpost ng bago tambay ka nga! ahahaha di ako makahabol!

  3. Pong September 14, 2010 at 1:08 pm

    parang gusto ko na din maging tambay,
    nadaan lang po.

    Godbless

  4. Daniel P. Yuson Jr September 14, 2010 at 3:50 pm

    @ Ka Loren..!
    mahirap ang walang ginagawa..!
    pero…
    tama din naman..!
    kapag naka tambay…
    puwedeng gamitin ito…
    sa pag papaganda nang…
    relasyon sa kapwa..!πŸ˜‰

    • Ka Loren September 14, 2010 at 11:00 pm

      Sir Daniel,

      Una, pinupuriko po ang paggamit nyo mga ellipsis…πŸ˜€ at ng pagputol sa pangungusap sa gitna…kitako nga na ito’y tatak nyo na.

      nasa tao lang talaga ang powers kung paano maging productivo. di naman lahat na trabaho ay 8-5 works, ika nga ay ‘leveraging’ ang gawin…gawin ang isang bagay na maaaring productivo sa susunod na araw, sa pagtatambay, kung mayroong pundasion ang samahan magagamit ito sa maganda at productivong bagay tulad nang pagkalap ng mga kuwentong tambay at ilagay dito sa net he he he baka balang araw papatok, e, magiging aklat…kung aklat na at mabili may royalty…pasadahan po ninyo ang aking poste sa madali bang maging tambay? at nay pabilan ng laptopπŸ˜€

  5. anata ga misu mariz-sama March 15, 2011 at 12:51 pm

    wew..,ang galing mung tumambay na mga salita ah…
    hehe,..:)
    minxan tambay pa naman kami…tambay sa lab namin..hehe…nagawa lng ng codes sa computer..:)
    minsan tambay k nmn xa fb q..hehe..^_^

    • Ka Loren March 15, 2011 at 2:53 pm

      ano ba fb mo? i-add mo ako he he…sa lab? ng codes ng comp? a, ok a… sige, asan ba ang lan ninyo at makatambay din para ma-reverse engineer itong galaxy na laro sa fb ha ha…tnx

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: