Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Sa Palagayko, Mag-aasawa Na Ako!


Kuwentong Basurero ulit tayo.

***

Isang Linggo, pakatapos ng serbis, mga ika-siyam ng umaga, naanyayahan

bulilit sanay sa masikip

nay, mag-aasawana ako!

lahat na mga bata na gustong lumahok sa gagawing bible study…Siempre, nasali dito ang paboritong anak ni Ka Juana na si Minong…

Matalas ang kukuti ni Minong. Sa apat na taon pa lang niya sa mundo, kinamumuhian na ng kanyang Nanay dahil sa ito’y palatanong. Buisit ang nanay kasi nagtatanong ito sa panahon na si Ka Juana’y nagsusumada ng mga numerong pangjueteng. Trese, trese…pompiang!

Da! Tigilan mo ako sa kakatanongmo.

‘yan ang palaging singhal ng butihing ina.

Kaya takot magtanaong si Minong noong kasagsagang ibinibida ng tagapangaral ang kuwento sa bibliya patungkol sa paghugot ng Diyos sa tadyang ni Adan.

Aha! Hinugot pala sa tadyang ang asawa ni Adan! Bulaslas ng batang si Minong sa kapuwa niya bata sa tabi.

Isang linggo ang nakalipas…

Hindi pa bumabangon si Minong sa kanyang higaang foam. Nakapamaluktot ito at tangkang hindi talaga babangon. Kinakapakapa niya ang kanyang dibdib hanggang sa kaniyang tagiliran.

Galit na si Ka Juana. Bumubulyaw itong lumapit sa nakahiga pang si Minong.

Ikaw na bata ka! Kay liitmo pa, tamad ka na!

Napilitang bumangon ang kawawang bata sa takot niya sa pamalo.

Nay, salatin nyo nga ho itong tagiliranko… Takot na sambit ng bata.

E, ano ba ang nasa tagiliran mo?

Parang nawawala po ang tadyangko!

Ku! Hanapinmo sa higaanmo… Ang walang pakiaalam na sagot ni Ka Juana.

Nay, hindi ninyo kasi naiintindihan e. Hinugot ng Diyos ang tadyangko…

Sa palagayko, mag-aasawa na ako!

(haaaaitssss! Dapat para ito bukas, e. Ba’t na poste na?! Grrrr…  isipin nyo na lang, kinabukasan pa nyo ito nabasa (hay…))

Patnubay ng magulang ay kailangan!

Dagdag Gawain:

1. Kumuha ng bolpen at papel, isulat ang mga dapat gawin tuwing Linggo para maiwasan ang pagtambay.

2. Ilang beses ka ba naglo-load ng selpon sa isang araw?

3. Kung walang kuwenta ang katha na ito, paano mo lilibangin ang sarilimo?

4 responses to “Sa Palagayko, Mag-aasawa Na Ako!

  1. Sphere September 15, 2010 at 12:59 pm

    1.) Sunday ang parang pinakamonday dito ang wikend ay Friday-Saturday ewan ko ba kung bakit ganun Friday yata kasi ang araw ng mga muslim basta ganun bahala kana muna intindihin.

    2.) hindi ako nagloload ng selpon adik ba?

    3.) hmmm may kwenta naman ang katha mo, ayaw ko na magisip kung pano ko lilibangin ang sarili ko dahil sa katunayan inip na inip ako ngayong araw na to!

  2. Ka Loren September 15, 2010 at 1:57 pm

    hay salamat may nagkomento din…muntik ko nang alisin ang mga posteko…(scheduled posts na kasi ang 15 dito e he he he…bagoko inilabas sa ere). hayan, may clue na kayo kung tambay ba ako o hindi…

    opo, sa unang bilang ayos lang ako dyan, marami rin po akong kamag-anak sa mid-east…bisitahinko muna po ang napulot kong quran kung bakit😀

    Sa pangalawa, parehas po tayo sa sim ng 3210 na c-ping ibininta sa akin (hak daw he he he)…buti pa kayo..(hinga ng malalim)

    sa 3, salamat po…isipin nyo na lang ang bilang ng butil ng buhangin na nasalo po ninyo kung may naghagis ng gabolang buhangin… siguro di na kayo maiinip dyan…😀

    Sa lampas ng napakaraming sand dunes…may oasis po na naghihintay…tipidin lang po ang tubig sa sartin…para umabot po doon…

    Godbless…

  3. Pilosopo Tacio September 16, 2010 at 2:49 am

    aba..binata na sya!

    sagot ko sa unang gawain, maglaro ng plants vs zombies. magtapon lang na ganun sigurado tapos ang linggo. hindi ako lumalabas kapag linggo kase magastos. nag-iinternet nalang ako maghapon. sana lang magkaroon na ng online misa para naman masmaging makabuluhan nag linggo ko.

    • Ka Loren September 16, 2010 at 3:49 am

      Amang Tacio, kailanganmo pa ata ng Patnubay ng Magulang weeee he he he…pag ganyan ang linggo mo, LPG ka nga… oo nga ano, ba’t di nalang magkaroon ng online streaming ang misa…?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: