Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

txt txt lng am hmsik


Simpleng kahilingan. Katumbas lang ng piso.

may pera sa basura

Mura. Simple.

Mahirap lang gawin…

Mura. Kaya, parang balewala.

Simple. Kaya, di pinapansin.

Mahirap gawin. Dahil ba sa espasyong namamagitan?

Ngunit…

Kung ito’y galing sa ama mong nag-iisa nang namumuhay, ano ang feeling mo?

Totoo. Galing ito sa ama ko.

Para nga akong nadaanan ng kariton na punumpuno ng mga kalawanging bakal, e, noong natanggapko ang mensahe.

Mahirap pala kung lahat na mga anakmo ay nakapag-aral o mga lagalag na tuladko…

Maiksi lang. Txt nga. Pero, mahaba ang hiblang hinila sa akin.

Dahil sa katutulak ko ng kariton ng buhayko, nakalimutan kong minsan may nagtulak din ng isang kariton.

Na minsan, nakasakay pa pala ako sa kariton na pilit itinutulak.

Na minsan, naging sanhi pa ako ng pagkaantala ng biyahe ng kariton dahil dapat akong umihi.

Na minsan, kahit nadiskarel ang kariton, may bumubuhat sa akin.

Na minsan, kapag nakatulog ako sa kariton, bumabalik kami sa bahay na walang karga. Masaya pa rin.

Na minsan, may isang naging kariton para maitawid lang ako sa lansangan upang makabili lang ako ng lollipop at mangiti ako ng abot-langit.

Na minsan…

Na minsan…

Na minsan…

Na minsan, may isang amang humihingi lang ng isang pisong pagmamahal.

Dagdag Gawain:

  1. Kung buhay pa ang ama mo, kunin mo ang selponmo at itxt: Tay(space)i(space)luv(space)u at isend sa number niya.
  2. Ilang beses mo na ba itong ginawa: Tay(space)pingi(space)pera(space)(amount) at isinent sa number niya?
  3. Ano ang madalas mong inuunang isuot, kanan o kaliwang sapatos?

Graphics by: Eli at blographics

4 responses to “txt txt lng am hmsik

  1. patrick santos September 16, 2010 at 11:47 pm

    bakit hindi ka nagpasa load sa kanya………..anu kaya kung kuhanan mo ng plan para hindi ka na magpasa load ng piso???? anu nga lang naman sa yo ang 350postpaid ng sun??? at least wantosawa na ang txt at tawag, bakit ka pa magtetxt sa knya kung wantosawa naman ang tawag……… simple lang yan kaibigan habang sila ay nabubuhay ibigay mo lahat ng kaya mong ibigay upang kanilang manamnam ang bunga ng kanilang paghihirap at masasabi nila sa kanilang sarili ng may ngiti at saya “job well done”
    kailanman ang mga magulang hindi humihingi ng pisong pagmamahal, makita lamang kanilang mga anak na sila ay tagumpay sa mga laban ng buhay ay higit pa sa anumang halaga ng pera ang gantimpalang kanilang nakamit……….simple lang kaibigan, ipakita at iparamdam mo sa iyong ama na siya ay iyong mahal at nang sa huli hindi ka magsisisi. umiyak ka man at humagulgol ng malakas at ipagsigawan mo sa mundo na siya ay mahal kung hindi na niya maramdaman at marinig….ito ay isang kalokohan, ibulong mo at ipadama sa kanya na mahal mo habang kanyang nararamdam ay higit pa sa pagsigaw sa buong mundo na siya ay mahalaga at mahal na mahal mo………..
    KAIBIGAN….PISO MULA SA PUSO ay higit pa sa milyon bilyong piso……….

  2. Ka Loren September 16, 2010 at 11:53 pm

    hanep…nangaral si arkobispong PSS…salamat po at patawarin ka sana ng hueteng lord!

    salamat…salamatđŸ˜€

    e, yung sa dagdag gawin, ano ang sagot po ninyo? pis!

  3. patrick santos September 17, 2010 at 5:24 am

    awwwwwwwwwwwwww sowi six pit bilo da ground erpats ko e ni mukha nya ndi ko kabisado gang picture lang black n white pa…. sabi nga sa awit na “LINE TO HEAVEN” pati na rin sa impyerno kung meron man he he he if i ever had a line to heaven I call you there…kung saan panig man siya naroon tatawagan ko siya at sabhin tay jamming muna tayo magkuwentohan ng kung anu ano at mas pinakamagandang topic bubae he he he he he….. sarap siguro ng feeling no???? subukan mo nga sa erpats mo ganitong senaryo tapos share mo he he he………. kay inay ko lagi ko txt pero kay itay ko wala sowi how i wish magka inuman kami kahit isang round lang he he he he

  4. Ka Loren September 17, 2010 at 8:09 am

    sowi namatay na pala erpat mo noon pa?

    e yung kay e. clapton na: would you know my name, if i see u in heaven…?

    sa nanaymo, buti ka pa…nanayko din ‘gone 6 ft under’ sabi ata ni axle rose noong july 6…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: