Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Paano Ba Maging Batman?


Sa tambayan, palagi kong naririnig:

Pasalamatka kay Batman!

O di kaya:

Ang galing mo, Batman!

Pinupuri si Batman. Aydol si Batman. Superhero si Batman.

Pero, paano ba maging si Batman?

batman

Tignan natin kung paano naging Batman si Batman.

Isang pamamaraan paano maging si Batman ay ang di paglimot sa trahedyang idinulot ng pagmakatay ng kanyang mga magulang. At dahil sa alaalang ito, ipinadadama ni Batman ang sakit sa mga masasamang elemento at pinanatili ang takot sa mga ito upang di na muling gumawa ng kabalbalan.

Isa ring pamamaraan ay ang masusing pag-aaral, pagsasanay, pag-iisip at paggawa ng mga paraan na maging kalakasan ang lahat na kahinaan. (Mahirap ano?)

Isa rin sa mga paraan ay ang pagkakaroon ng dating, kumbaga ‘catchy’ ang istayl at nanatili ang brand na sa isang sambit lang ng ‘Batman!’ ay kakaripas na ng takbo ang mga salarin.

Ob kors, isa rin sa mga paraan ay ang pagkakaroon ng gadgets na kakaiba at kumikintab kahit black…matte black he he he… At alam gamitin ang mga gadgets na may dating sa mga nakakakita. Long lasting impact, ikanga.

At saka, pagkakaroon ng butihing tagapagsilbi.

At saka, kung di maiiwasan, may saydkik.

Balikan ang Batman Komiks kung totoo ba ang mga nabanggitko.

Bilib ako kay Batman din. Siya lang ang superhero na walang superpower.

Ikaw. Kaya mo bang maging Batman?

Siete!  (Pahiram Jawo ang numbermo…) Ano ba ang gusto kong palabasin dito?

A, basta. Kahit wala kang superpowers, pwede ka ring superhero!

Ibulsamo ang balat ng kendimo at itapon sa basurahan…at huwag dumura sa lansangan…

Hinginmo ang resibo sa bawat binibilimo…

Sumunod sa batas trapiko…

At…magtanim ng kahoy!


Dagdag Gawain:

1. Sino ang paborito mong superhero? Bakit?

2. May kaheroan ka na bang nagawa? Ano ito?

3. Bakit ba nasa labas ang brep ni Superman?

3 responses to “Paano Ba Maging Batman?

  1. Pilosopo Tacio September 18, 2010 at 3:35 pm

    ka loren, ang paborito kong super hero ay si superman. ewan ko kung bakit.hehe
    siguro nakalimutan niyang magsuot lagi ng brief bago magpantalon kaya laging nakapaibabaw ito.

  2. Pingback: O, Panginoon Ng Mga Tambay… « Basurerong Pinoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: