Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

O, Panginoon Ng Mga Tambay…


BABALA:

Maaari pong patnubayan ninyo ang inyong sarili. May mga masisilang kataga na hindi kanais-nais at katanggap-tanggap sa iba. Sa mga bata sa edad at sa isip at damdamin, patnubay ng magulang ay kailangan.

Huwag ng ituloy kung mahina ang loob. (Peace)

Sa pagiikotko, kahit Linggo, napansinko na mas maraming tambay sa kanto sa umaga–lalo na sa araw ng Linggo. Napapatambay tuloy ako.

At karamihan, sa kanto rin may tiyendahan, kainan o mga nakatambay na mga kariton–sa basura man, sa pagkain man o pandeliber na kariton.

Sa kanto rin karamihan nakikita ang mga basura.

Linggo ngayon…sabiko.

Oo, Linggo ngayon. Bakit? Pabalang na sagot ng isa.

Bago siya. Ngayonko lang nakita. Nakapalibot ang mga kaibigan kong tambay sa kanya. Nagkibit balikat lang ang mga ito sa pangiisnab sa akin ng bagong salta.

Siguro siya ang panginoon ng mga tambay…sabi ng isipko. May dating na parang si Batman. O, siya siguro ang Batman sa buhay nila.

Dahil dito, itinulak ko na rin ang karitonko.

Hindi ako nabuwisit. Maswerte pa nga ako e dahil naalalako tuloy ang napulotko noon na iskrats ng isang dasal-tambay.

Amo, kami po muling nagpapasalamat at hinihingi na sa araw na ito kami po’y gabayan sa aming gagawin at sana palawakin ang aming kaisipan upang kami’y magkakaunawaan.

Patawarin mo po kami dahil masyado po kaming agresibo at bigyan mo po kami ng pambihirang lakas na manloko ng iba.

Pahabol po nawa’y sa susunod na araw ng aming buhay, sana’y pahintulotan mo kami ng isa pang pagkakataon na makapanloko pa kami ng iba at magkaroon pa ng mga kaibigan upang masunod namin ang utosmo na magpakarami.

Hindi po namin magagawa ang lahat ng ito kung wala kayong tulong at gabay…

A….siya siguro ang panginoon ng mga tambay sa kantong ito.

Dagdag Gawain:

1. Humiram ng librong ‘Lord of the Flies’ at basahin ito.

2. Alaminmo kung ano ‘Ang Paboritong Libro ni Hudas’.

3. Nasubukan mo na bang hindi nagbayad sa dyip dahil nakitamo ang: ‘God knows, Hudas not pay’ ?

10 responses to “O, Panginoon Ng Mga Tambay…

  1. Sphere September 19, 2010 at 5:12 am

    1.) Ka Loren, hahanapin ko mamaya after work ang Lord of the Flies.

    2.) Ito ba yung kay Bob Ong? parang nabasa ko to matagal na…hmmm di ako sure

    3.) Hindi ko pa nasubukang hindi magbayad sa dyip.

    musta parekoy?🙂

  2. Pong September 19, 2010 at 8:35 am

    Hindi ko pa nasaubukan na mag 1, 2, 3 sa jeep. eheheeh

  3. patrick santos September 20, 2010 at 10:54 pm

    hindi ko pa nasubukan magbayad ng pamasahe ko sa dyip nung kuleds ako lalong lalo na nung 4th year……..basta ipapasa ko na lang pamasahe ng iba sabay sabi mama pamasahe o………….. bakit, hindi ka pa ba nanghudas???? mokong ka pag sinabi mong hindi pa!!!! magpakatotoo ka nga…………..o ginagaya mo na rin ang mga taong nagtatago at ginagamit nila ang kanilang sotana upang sa ibay kalugod lugod ang tingin sa kanila…………hay naku, sa gilid ng simbahan pag linggo maraming tambay din doon………….

    • Ka Loren September 20, 2010 at 11:22 pm

      @Pss,😀 bakit, hindi ka pa ba nanghudas? hindi pa! nangpedro buti pa ha haha…tatlong beses na akong nagsinungaling….pis!

      salamat pala at binigyanmo ako ng ideya…makatambay nga rin sa tabi ng simbahan…sa palagayko, sa loob at labas nito maraming basura din… mga nakasotana na ba, nangangamoy rin? (pakisagot plis) >:)

  4. patrick santos September 20, 2010 at 11:02 pm

    ang ating sarili ang panginoon ng ating pagtatambay……….bakit meron pa bang ibang tao na makikialam sa buhay ng may buhay???? ano ang pakialam nila, sino ba sila at ano ba ang maitutulong nila sa pagkatao bilang tambay????

  5. patrick santos September 21, 2010 at 12:45 am

    hindi lang nangangamoy ang pota…………..binabangaw pa!!!!! pag sinabi sa akin na kung sinuman ang walang kasalanan ang siyang unang mangbabato ako mismo ang magpriprisinta at alam ko na santambak na basura ang kasalanan ko he he he at dadagdagan pa pagbinato ko ng bato at hindi tinapay ano masasabi mo tinot????? tatanungin mo siguro bakit sino ba akong malinis at straight??? sasagutin kita hindi ako malinis at hindi straight at hindi na muna ako magtatambay sa gilid ng simbahan para mabawasan naman ang basura sa tapat ng lang ng unibersidad at siguradong maraming basura dun basurang napapakinabangan……….. kaw pag nakita mo ako at tulak tulak mo ang iyong kariton tumambay ka muna at ng maging basura ka kahit minsan lang……………………. he he he

    • Ka Loren September 21, 2010 at 1:59 am

      parang nakakasuka pala ang karanasanmo ata sa mga binabangaw na nakasotana parekoy… at nagmumura ka na! ano ba meron sa tambayan mong universidad?

      mga basura na tambay, parang masikat kang magsalita a….😀

      sige, mag-iponka rin ng basura para kapakipakinabang ang pagtambayko na kasama kita…. dapat may pera kasi sa basura lagi…. tulad ng pagbasuramo ng tig-25 sa supot kung natambayka sa tabi ng simbahan ninyo…. pis parekoy… yangzimi, kaawaanmo si PSS haykssss!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: