Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Alin, Alin, Alin Ang Naiba?


Dapat na talagang i-segregeytko ang mga basurako dito, sa bahay, at sa mga imbakan.

Kakanta na lang ako ng alin, alin, ang naiba? Ok na. Madali lang sigurong gawin.

Hay, parang batibot.

Naalalako tuloy ang pinanonood ng mga kapatidko noong wala pang mga alalahanin na pansarili. Bahala na si Nay at Tay dyan…yan ang palaging laman ng kukuti. Freewheeling ang buhay…noong panahon nang batibot.

Hindiko masabi na batang batibot ako. Sesame Street, maaari pa. Hindi dahil sa ingles. Mali kayo. Yan lang siguro ang makuha na channel ng TV namin noong ako’y bata pa. Honest lang baga. Pero inaabanganko rin sina Eugene at Taguru noon. Ghostfighters ba ang pamagat? Isamamo na dyan si Sakuragi at ang Shohoku Team. (Nawala kayo, ano?😀 )

Natatawa nga ako ngayon dahil minsan napagsaraduhan ako sa palengke dahil ang mga matatanda, sabi:

Ghostfighter na!

Alin? Alin? Alin ang naiba? Isang parte sa kantang batibot. Madaling sundan ngunit mahirap sagutin. Lalo na kung sundin ito sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.

Sa Basurerong Pinoy, hindi lang mga samut-saring kathang isip ng isang dakilang basurerong pinoy, ng anak busabos, alipin ng kahibangan at tambay ang dapat mapulot. Dapat may adhikain…yan ang pagtingin sa mga bagay na akala mo’y basura ngunit mahalaga pala–nahahawakan man yan o ideya lang, nabubulok man yan o di nabubulok, totoo o kathang isip lang.

Sa madaling sabi, pakinggan ang kantang batibot.

Ito lang po ang ibig kong sabihin:

Gawing habit ang magsegregeyt! Basura man, saloobin man, emosyon man, ideya man, tao man –kaaway o kaibigan?–wala pong nasa gitna…either or ika nga.

Tapos…sipatin ang mga ito mula sa iba’t-ibang anggulo. I-segregeyt ulit…Mahalaga o walang halaga. Itapon ang ayaw, itabi ang gusto. Live lite, yan daw ang sekreto hindi drink light.

Susubukan kong magposte ng 365 sa isang taon. Wish ko lang…😀

53 na tungkol sa basura (lunes)

53 na tungkol sa Tambay-anang Pilipino (martes)

58 na sari-saring paksa (miyerkoles)

53 na kuwentong basurero (huwebes)

58 na tungkol sa tao, pagkatao, a basta… (biernes)

58 na sari-saring paksa ulit–habang naghihintay na dapoan ng magandang ispiritu (joke)

32 na kalampag tiwala, pananampalataya at suntok sa buwan…

Wish lang ang mga ‘yan. Hindi ‘yan mga komitments…subukanko kung kayo ko. Aasahan ninyo ang salitang ‘sensyana’ kapag ‘di ko po ‘to nagawa. Maari lang pong paaalahanan nyo po ako.

Tulad din ng mga pangako nyo na huwag na kayong magkalat…pilitin kong gawin bilang penetensya kung magagawa nyo rin na iwasang magkalat sa paligid.

😀 (halakhak na tumataginting...trip lang)

Sa madaling sabi, props lang ang mga numerong yon…

Batibot muna tayo… sa basura, sa isip, sa salita at sa gawa…enjoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: