Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Ayawko Nang MAg-EmAiL


Para itong kanta: Ayawko nang magswimming!

Nabasura ang mga iposteko sana dito noong makalawa…anak ng pating!

Paging hacker, please…ibalikmo ang laman ng emailko!

Hayan, sumisigaw ako ulit. Nangako pa naman ako sa isang blog na ang baguhinko sa sariliko ay ang pagiging bugnutin. Letse! Basurero lang ako, pinagdisketahan pa ng hacker…

Kunwari lang ako. Wala talagang nakaiskedyul ngayon na maposte, he he he.. ngunit dahil sa pramisko, pipilitin kong ikuwento ang nangyari sa email-addko.

PM sa FB: PsssT….nahacked ata yung email addmo…

Pagbasako: Owwssss, siyanga? <Taka>

Biglang nagring ang peke kong cp na pinalitanko ng gulong ng trak. Riiiiing!!!

Helo!

Nakabili ka ba talaga ng apple?

Anong apple? Mansanas…

Hindi. Sabimo, maganda yung nabilimo at may promocode ka pa para sa 50% discount. Nag-isip ako. <tig 20 pesos na mansanas less 50% discount at may promocode pa? Sang kanto kaya ako nakabili?>

Wow! Ganun?! Sanmo nabalitaan yan…

Sa emailmo.

Wala, di ako bumili ng mansanas…bakal, bote, dyaryo lang ang binibiliko.

Spam! Spunk! Scam! Junk! Mga basurang sulat!

Nabuwisit talaga ako. Ang email-addko, nagmamagic. Gamit ang pangalanko, sumusulat ng kung anu-ano at pa-ingles-ingles pa, mali mali naman ang grammar…syaking!

Emailanko kaya lahat na contacts ko?

Pagtinginko sa kontak, naglahong parang ET!

Unread messages? May nagwalis…sinamahan akong naglinis sa nakakalat na 5000 messages unread pero naka flagged…

Unsent messages? Wala rin…. Hay, mga pinaghirapanko pa naman na sulat sa mahalko na di nakayanan ng powersko na i-send… may poems pa doon na pakering-kering…naloko na!

Spam? Trash? Wala ring laman…may nauna sa akin na namulot ng basura, mas maagap pa kaysa sa kuwago!

Napangiti pa rin ako: Oy, mukhang bago na naman ang emailko <na realized ko)***Tanging Yaman, rock version****


****

Anunsyo

Sa mga kaibigan at kaaway kong nakatanggap at tumatanggap pa ng sulat mula sa mail addressko na ha*^(*^(*(^*(^^(@%&%&7(dot)com, i-black list nyo na at i-filter na papuntang spam kaagad.

Hindi ko na alam ang mga tirahan ninyo, gamit ang form sa ugnayan, ibigay ninyo ulit ang mga address ninyo…marami pong salamat.

Dagdag Gawain:

1. Sumulat ng artikulo na “Hacking the Hacker” .

2. Bobo ba talaga si Albert Einstein?

3. Kung ikaw ay barbero, anong gupit ang bagay sa kanya (kay Einstein).

7 responses to “Ayawko Nang MAg-EmAiL

  1. Jake September 24, 2010 at 12:02 am

    hehe, nakatanggap din ako ng emailmo na ganyan…

    Sa susunod kasi, ang passwordmo na ilagay ay yung mula sa kailalimlaliman na para hindi nila maamoy.πŸ™‚

  2. Ka Loren September 24, 2010 at 1:18 am

    Ka Jake, 7 yearsko na na email add yon…waaaaa hu hu hu hu at winalis ang naiponko sanang pagbintahan ng libro (pangarap lang) na mga kontak at inunahan pa ako ng damuhong hacker na magkapera gamit ng pinakamamahal kong email…

    sowe pads… dapat pala P%6*n# I7() …. ang pw ko para kahit gaaso ang pang-amoy niya, di na niya ito makalkal… yung email mo parekoy, sa contact form ka maglagay… basurerongpinoy muna ang gamitin kong personal mail add for now…

    thanks…πŸ™‚

  3. myfilthyroom September 24, 2010 at 2:37 am

    naku kapag sakin ngyari yan, magwawala talaga ko, as in lahat ng makasalubong ko, sasapakin ko.. hahahahaha

    • Ka Loren September 24, 2010 at 3:46 am

      parekoy, nagwala talaga ako! habang ako’y nagtutulak ng kariton, nakitako yung aso na minsang humabol sa akin…hinabolko rin hanggang naiwan pa niya ang buntot sa tabakan ng basura…kidding aside, ang nasabiko lang talaga: wow! grabe, kakahiya sa mga contacts ko…buti na lang at apple lang muna ang ibinibinta hindi yung erectile disfunction remedies…naku…mayayari ako sa waswitko kung magkaganon…

      salamat sa pagdaan parekoy…ingat sa hackerπŸ˜€

  4. Pilosopo Tacio September 24, 2010 at 4:21 am

    ka loren, nagtaka nga ako e bakit ganun laman ng email mo.haha

    • Ka Loren September 24, 2010 at 4:49 am

      Pilosopong Tacio, parekoy, oo nga e…πŸ˜€ ikaw ata ang nag PM sa akin sa FB…starring ka dito sa poste na ‘to… sikat ka a… si Ka RVA ang nagbigay sa akin ng sample ng naiforward na mail… hay kahiya talaga… i-filtermo na puntang spam ang mail add ko na yon… sensya na… ka tacio

  5. WildCat September 24, 2010 at 11:08 am

    At less si ET alam mong bumalik sa kanyang planeta sa ending ng istorya, samantalang kapag na-hack ka hindi mo alam kung sino ang gumawa o kung saang lupalok ng nett na napunta.

    5000 unread? dami naman yan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: