Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Sleep Walking…


Nakalampag ang paghilik. Tumigil. Di mawari kung saan papunta ang nota…unti-unting aarangkada tapos, bigla! uusad na parang barko sa North Harbor. Mag-aaway ang mga ngipin at parang may mga baboy sa silong ng papag…kumakain ng bato! Unti-unting lalaya ang unan mula sa yakap…gagalaw ang nguso na parang puwet ng tutubi. Babalik sa posisyong bangkay mula sa pagkafetus sa bedsheet. Babalik din sa fetus at naging matris ang maiksing kumot. Babalik sa uyayi ng antok. Hay…biglang bibigwas ang mga braso, uupo at hahanapin ng paa ang naiwang tsinelas. Sisipa. Sisipa-sipa na parang sa unang sipa niya sa bahay-bata para makalabas ang sune sa daigdig. Mapupuno ng pagkamangha ang espasio ng silid sa pagitan ng sukat na sukat na kanto ng dibisyon. Pamilyar na rin ang dibisyon na kinakausap sa mga panahon ng mga pagbulahaw na walang malay sa kailaliman ng gabi. Sumasama ang ganisnis na ring bedsheet sa mapaghanap na paa sa nawawalang tsinelas. Gusot-gusot ito at unti-unting dumdausdos,  nahuhulog. Nagmamakaawang kumakapit ito sa sa gilid ng papag.

Magmamaktol ang hikab. Para bang yung unang pagnganga ng bata sa unang pagkaamoy niya ng unang hangin paglabas sa sinapupunan. Ang di maipaliwanag na amoy ng hangin, ng hanging nangangamoy. At, aanas-anas ang tsinelas na naghahanap sa guhit patungong CR. Sinundan na lang ng ilong ang sumisingaw na panghi sa di pa naiflush na pag-ihi noong takipsilim. Sabayang sinapo ng dalawang kamay ang nakalaylay kanina at bumulusok ang naipong panghi sa nakatingalang antok. Huuuuu…! At nanginig pa ang  laman na bumalik sa kanyang himlayan. Bubuelta ang katawan at muli hahanapin ang daan sa higaan. Humiyaw pa ang papag na sumalo sa bigat ng bumagsak na hita at sa dabog ng humilatang likod. Sumalubong ulit sa pang-amoy ang panis na laway na naiwan sa kanina’y ulilang unan.

Unti-unting nagsasalubong ang mga sandali at bumabalik silang lahat sa iniin-in na panaginip…

itutuloy…sa Sleep Walking 2

Advertisements

12 responses to “Sleep Walking…

  1. Pong Setyembre 26, 2010 bandang 10:37 umaga

    aabangan ko ang kadugtong parekoy
    bitin…

    be blesse!

  2. WildCat Setyembre 27, 2010 bandang 2:06 umaga

    Ewww!!! Sana i-flush naman kahit naantok!

  3. Pingback: Sleep Walking 2 « Basurerong Pinoy

  4. Sphere Setyembre 27, 2010 bandang 5:59 umaga

    Di ako makahabol Ka Loren kasipag mo magpost pag dumadalaw ako d2 sa bahay mo kailangan ko tlga mag backread ahahahaha

    aabangan ko ang karugtong ng Sleep Walking…

  5. Pingback: Sleep Walking 3 « Basurerong Pinoy

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: