Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Sleep Walking 3


Ang karugtong ng Sleep Walking...1 at 2

****

<Magsiwalaan ang mga uma. Mga palayan ay mapapalitan ng mga bahay ng kumikintab na mga kotse. Mga talampas, mga lambak at mga burol ay gagawing lona na pleygrawnd ng pamamalo ng maliliit na puting bola. Papaluin ang bola, hahabulin din at ‘pag naabutan, papaluin ulit at isyot sa maliit na butas. At, eureka! Mahuhugot ang pinakaaasam na flag na tanda ng paghimlay ng bola sa mababaw na hukay.>

Segsegenmo na maigi, ‘at ng magkalasa din. Si Lakay.

‘la na’ng katas. Binuhusanko na ng mainit na tubig, kahapon pa! Si Baket.

<Kuwento na rin ang bagoong dahil magmahalan ang asin. May royalty na kasi ang processo ng pagsasana. Mahihiya na ang hintuturo na maitatarget sa asin. Pati ang ‘pagsegseg’ sa bagoong ay may patent na rin at pinatente ng magmamay-ari ng pinakbet.com.>

Habulinmo at matagal na tayong di nakatikim ng ganyan.

Ano pa’t puro na lang selopin ang mga nandito e. ‘ala na ‘pre. Sayang, extinct na ata ang mga talangka, e.

<Mabibili na rin kasi ang mga dalampasigan at tatayo doon ang mga maraming kubo. Matatakot na ang mga talangka sa mga milyong-milyong paa ng mga tao na nagtatampisaw sa brownish ng dagat.>

O, ito ang mga pictures. I-scanmo.

Pagalawinko. ‘lagyanko nga ng animations para maging parang totoo.

<Hanggang sa screen savers na lang ang mga bagoong, ang mga talangka at ang mga asul na tubig ng dalampasigan. Mapapasama na sila sa bilyong screen savers sa loob ng malaking kompyuter na may kontrol sa utak at damdamin ng tao. Ang pahinga lang ay ‘Stand by Mode’ at bawal na ang ‘Sleep Mode’ sa panahong ito.

Beep tit tit tit… at unti-unting mahihila ang malay.

<BABALA: Bawal managinip! Breaching the line of sleep mode…>

*****

Bigla! Mapapahid ang muta na namahay sa mata at magugusot ang mga pilik-mata. Kakawala ang nakakulong na hikab…

*****

<Halu-halo ang mga nakabarong mula sa naprocesong balat ng saging. Pati nga puno ng saging ay may patent rights na rin. May nagmamay-ari na!. Lakatan, mayron. Tundal, mayron. Dippig, mayron. Balayang, mayroon na rin. Pati na nga dahon ng saba, may tagna.>

Magkakasalungat naman ang data na mga ito. Nakakahilo. Sambit ng isa na nakabarong ng lakatan.

Huwag ka nang maingay dyan at may nakikinig. Bilin ni Boss, e di ‘yan. Sagot naman ng isang nakabarong ng tundal.

Hindi naman totoo ang mga ito, e! Sabad naman ng nakabarong ng dippig.

Tama o hindi, pare-pareho din yan. Di rin nila maiintindihan. Singhal naman ng isang nakabarong ng balayang.

<Abala ang mga nakabarong na sumusuma sa mga detalyeng nakapaloob sa pangakong tuwid na daan. Makailang beses na nilang inulit. Pauli-ulit na. Lilipad na ang mga kotse pero di pa rin nagkakatugma ang mga detalye at probabiliti ng pangako.>

Kotse! Sabi ng isa. Ang lumilipad.

Hindi  jiplin sabi naman ng isang nasa likuran.

<Mayroon pang gadget na panghuli ng kidlat. Lintek na ang magchacharge ng mga sasakyan….huuaaah!>

*****

Baliktad na ang panahon at nagpafastforward na…

Rewind….

*********************************

Nanginig ako at hinilako ang kumot. Naitalukbong sa uloko ngunit sumilip din ang mga paako na kaagad namang nilapa ng mga lamok na nahihilo na sa pagkagutom.

Anak ng Lintek! Bumubulong na ako habang ako’y pinandilatan ng larawan sa kuwadradong dingding. NakaLCD pa at bawat sagi ay nag-iiba ang pictures. Touch Screen. Syet! Biglang lumabo. Napapairap pa ako. Sepia na. Naaagnasna ang larawan sa dingding. Anim sila. Ang Tatay, ako. Ang Nanay. Ang panganay na si Iskwat. Si Eman. Si Anib. At, si Ania.

Namaluktot ako. At dalawang kamay kong pinisel ang aking sikmura. Humilam…at parang kumulog. Hay…

Tapos na siguro ang pangatlong tilaok ng mga manok. Magliliwanagna. Unti-unting kumakalma ang aking paghilik at namamalayanko na ang tunog. Umunat ang aking kamay mula sa sikmura at pinunasko ang tumutulo ko pang laway. Hinanap ng aking paa ang tsinelas at unti-unti itong tumunog patungong CR. Giya ang isang kamay bumulusok ang panghi sa panghing naiwan noong hating gabi. Natauhan na ang aking mga daliri at hinagap ang gripo. Tinungo ng tubig ang kanina’y namahayan ng panis na laway kong bunganga. Kumawala ang aking mga mata mula sa pagkabighani ng muta. Lumakas ang aking pang-amoy at umabot sa akin ang samyo ng nalalagang sinangag na bigas.

Wow! Blend Forty Rice!

‘la ng bigas. Ito na lang ang ating almusal. Ang asawako.

Napapiket ako.

Ang mga bata? Ako.

Mga tulog pa…

Nananaginip din sila. At liningonko ang mga bata at sana masasarap na pagkain ang panginip nila.

Alam kong marami akong panaginip ngunit naeris na lahat. At ngayon, hihipanko ang kape mula sa sinangag na bigas at ang gabatong kaning-lamig mula sa NFA na papalambutin naman ng mainit na kapeng blend forty rice. Masaya pa din ako na maghihintay sa aliw na dulot ng aking pagtotbras at pagligo sa apat na tabong tubig.

Ngayong umuga, ang umaga pagkatapos ng isa na namang kahapon, iiponinko lahat na mga papel, dyaryo, bote, plastik at bakal sa kalsada na tulad din ng pag-iponko sa mga naglaho na ring pangarap, ang aking mga panaginip. Oo, doon sa puwestoko na kung saan nandoon ang lahat na kayamanan: Ang Commonwealth Avenue. Ang daan na kung saan nandoon ang kayaman ng lahat. Ang komonal na kayamanan!

Pagtitiyagahanko ang mga basura. Aabot na ring 18.25 ang naipon kong tig25 sentabo.

Para sa isang kilong bigas.

Mamayang gabi, oo, mamayang gabi, ako’y pipikit na naman at magpafastfoward…..

<NATAPOS DIN>…hay!

***

Pahabol:

Ang Kuwentong Basurero na ito ay orihinal na nalathala sa isang karitonko sa internet at may pamagat na TARIMBANGON, sa Tagalog ay ALIMPUNGAT. Lahat na pangyayari ay sadyang kathang isip lamang at kung may kahawig sa totoong buhay o sa mga nalathala na ay hindi sinasadya.

Ang tanging layuninko lang ay ang pageksperimento sa ‘mimises’ ni Arestoteles at pilit na isalin sa isang katha ang mga pangyayari sa loob ng isang panaginip. Hindi ko rin alam kung saan ito mapapaloob sa larangan ng pagkuwento.

6 responses to “Sleep Walking 3

  1. Pilosopo Tacio September 29, 2010 at 6:53 am

    wahh..di pwedeng tumaas ang asin. pano na ang asin ol yo ken na promo ko sa pagbabalot ko. apektated ang negosyo ko nyan.

    apekted din ako ng pagpapatend ng pagsidsid sa bagoong, pano na ang inabraw?kelangan ko nang mag-isip ng innovation sa paraan ng paglalagay ng bagoong sa inabraw ko.

  2. Ka Loren September 29, 2010 at 11:24 am

    Ka Tacio,😀

    Dapat na talagang mag-isipka ng promo he he he…pati kung paano makakuha ng gene ng itik baka magkakaroon na rin ang ‘Termination Technology’ para sa itik yarika na ha ha ha… ginagamit na sa corn at palay yan… o, kaya, unahanmo na ang pag-apply sa patent ng asin at ng bagoong…sige ka, napaginipanko na yan…pati proceso pala ng paggawa ng balut…tirahinmo na rin…gudlak! niyahahaaaa!

  3. Pong September 29, 2010 at 12:51 pm

    natawa ako dun sa Blend Forty Rice hihihihi
    seryoso nung binasa ko yung unang part nito inisip ko kung anong term talaga
    salamat naman at ngayon ko lang naalala na mimesis nga pala ito.

    framing, focus, reality into not,

    magaling ka loren,
    alam mo tumatak sa akin dito ang communal wealth. simple pero makahulugan lalo na ang mga kagaya nating namuhay at namumuhay sa hirap

    • Ka Loren September 29, 2010 at 1:33 pm

      salamat, salamat sir pong…

      alammo, isa ito sa pinakapaborito kong kathang isip…ibinuodko dito ang utopian ideals ni k. marx, arts and politics noon ni plato, at mimises ni aristoteles sa pangkaraniwang pagkaintindiko he he he…isa rin itong eksperimento sa narrative non-fiction at patama sa mga taong manhid sa karanasan ng mga salat na tulad natin, ang mga di nakakaintindi sa kunting ligaya ng panaginip dahil kahit na sa pagpahinga ay di na magawa ng mga taong salat sa yaman na tuladko (natin), pati panaginip minsan ay ninanakaw sa di patas na sistema ng buhay, gusto kong makapagbigay ng poot! Sa mga taong ganid na pinapalayas ang mga iskwater para maglagay lang ng golf course, pabrika ng sasakyan, ginigiba ang bahay ng mga tao para magpatayo ng dambuhalang building at ibahay ang mga kotse…hay!

      blend forty rice? natawa naman ako sa iyo kapatid…organic coffee yan ha ha ha…

      oopppsss…masyadong seryoso ata ako ngayon…pagod lang sa maghapong paghahanap ng solusyon sa nagrerebolusyon na tiyan… pagpalain po sana kayo ng Maykapal…

  4. Sphere September 29, 2010 at 1:39 pm

    Ahahaha blend forty rice bago ah! seryoso ang post malaman pasok sa banga:-)

    nice post!

    • Ka Loren September 29, 2010 at 1:45 pm

      ka sphere…😀

      oo i-patentko yan! nyahaha! salamat, salamat…puro kayo kasi seryoso sa mga poste nyo, yan tuloy nahawa na ako…naku! nahihirapan akong gumawa ng kuwentong basurero na nakakainlab, utangko muna sa inyo…kamusta na ang spot spot weeee he he he

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: