Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Alimpuyo: Pagsisisi


Karugtong ng kuwentong basurero, Alimpuyo..

****

ii. Ang Pagsisisi

Pinulotko ang mga aklat na hiniramko kanina sa library ng seminaryo. Inipitko sa aking kilikili ang librong Truth and Method ni Gadamer. Pinadaananko rin ang ilang pahina ng isa ring aklat at dagli-dagli na akong lumakad sa dumidilim na ring koridor. Di ko pa pala nai-switch ang mga ilaw. Tinalikuranko na ang malaking painting ng isang binatilyong nakadipa. May suot na sotana at ang pagdipa ay nang-aakit sa mga nakatingin. May pulang krus sa tapat ng kaniyang dibdib. Kung ako’y nasa dulo ng pasilyo ang painting ay astang yayakap sa akin. Maganda ang painting. Magaling ang puminta. Isang seminarista.

Nilingonko pa minsan at tuloy-tuloy na rin ang aking paghakbang patungo sa kabilang dulo. Sa panghuling pinto, doon ako papasok.

Sa dulo ng hallway, may hagdanang pababa, 15 steps din ata na pababa. Sa ibaba, may parang krus na namang koridor. Nasa gitna na ako ng hagdanan at silipko ang loob ng faculty room sa aking harapan. Kung minsan tinatawag ng mga seminarista itong INRI na hango sa plakard na ikinabit noong ipinako sa krus si Jesus. Salamin ang kalahati sa dingding. Sa aking kanan ay ang opisina ng College President at sa tapat nito sa bandang kanluran ay ang opisina ng Dean. Katabi ng opisina ng Dean ang opisina ng Seminary Rector.

Sa pagawing kaliwa, doon makikita ang Information Office. Ang hallway na pakaliwa ay tuloy-tuloyna sa lobby. Sa may lobby may mga Receiving Rooms, apat ito na tabi-tabi. Dito tinatanggap ng mga seminarista ang kanilang mga dalaw. Hindi kasi puwedeng lumampas ang mga bisita dito, maliban sa pag-ikot sa drive way o kaya paggala sa maluwang na Recreation Area ng seminary. Bawal pumasok sa loob ng dalawang main buildings ang mga bisita.

Maluwang ang Recreation Center. May covered facility kung saan doon ginagawa ang mga in-door games. May maliit din na gym at kunting gamit sa pag-iiexercise. Sa tabi ng covered facility, makikita ang dalawang basketball court, isang volleyball court at isang tennis court. May nakapalibot na kiosk sa gilid ng Recreation Area. Dito ini-enjoy ng isang seminarista ang kaniyang pamilya na nakakadalaw. Dito rin naiinggit ang mga walang dalaw.

Hindi naman lahat na nasa seminaryo ay magpapari. May mga pari pa nga na bigla na lang magsasawa sa kaniyang pagkapari. O, kaya napasubo lang na nagpari. O, kaya pinagbigyan niya lang ang kagustuhan ng kaniyang ina na member ng Catholic Women’s League at kung aayaw siya ay hihimatayin ito. O, kaya may tinatakbuhan din? At ang seminaryo’y ginawang tanggulan at ang sotana ay ang kanyang kabal.

Okey. Hindi naman lahat ay ganyan. May mga ilan lang naman. Yan ang totoo.

Mula sa labas ng lobby, matatanaw ang hardin at ang parking area. Nandoon na rin ang guard house at ang main gate. Oo, main gate kasi likas sa mga seminarista ang mapaghanap ng butas. Kahit butas ng imbornal ginagawang gate! Sa panahon na ang tawag nila ay “Nights of Great Escapes”. Sa lampas ng mataas na bakod, matatanaw ang Marikina Heights at SSS Village. Kita rin dito ang ilang matataas na gusali sa parteng Quezon City sa bandang kanluran. Sa bandang timog, tanaw din ang Pasig. Nasa tuktok kasi ng burol ang seminaryo. Ang tawag nga dito kung panahon na ng balikan mula sa mga ilang araw na semestral breaks, e, golgota.

Luma na ito pero okey pa rin. Sabiko sa hawak kong aklat.  Animal Farm ni George Orwell.

Maliit ngunit siksik sa laman. Pasok sa banga, sabi nga ni Ka Sphere. Magagamit na reperensia sa pagtuturo ng pilosopiya ng lengguahe at pati sa political philosophy. Magagamit din sa larangan ng literatura dahil sa taglay nitong futuristic na pagfifiction. At sa siyensya dahil sa kakaibang futuristic ideas na kung tutuusin e nangyayari na ngayon.

Pumasok na ako sa pintuan sa dulo ng  koridor. Tinungoko ang lamisa sa gitna ng klasrum. Pinadaananko ng tingin ang mga labintatlong seminarista na abala sa kanilang binabasa. Subsob sa mga aklat. Nasa ikatlong taon na sila sa kursong Liberal Arts in Philosophy. Ang kursong prerequisite sa susunod pang hakbang ng pagpapari. Ang Theology. Tahimik silang lahat.

Niyukoan ko na rin ang aking aklat. Gagawa ako ng mga bullet points para sa mga ituturoko bukas.

Riiiinngg! Tunog ng buzzer ng seminaryo. Dito kasi kahit wala kang relo, malalamanmo ang oras. Lahat napapaloob sa schedule.

Quarter to six na pala! Oras na ng vespers. Isa-isang lumabas ang mga kasamako sa kuarto. Nilagyanko ng marker din ang kanina’y binabasako na libro. Pinulotko ang aking mga papel at tinungoko na rin ang aking private room.

Itutuloyko na lang, ma’mya. Ako. Sa aking sarili.

Ako ang magiging confessor ngayon. Bulongko na naman sa sariliko.

May isang oras pa akong maghanda. Ihahandako rin ang aking sarili. Pati ang aking kaluluwa. Tinestingko rin ang aking isip, examination of conscience, kung ako ba’y karapatdapat ding instrumento sa pagpapatawad ng mga kasalanan.

Siyanawa, Diyosko! Nasambitko pa. Bigyan niyo po ako ng sapat na pananampalataya.

6:45 PM

Sampu na ang natapos na nagkumpisal. Sari-saring pagkakasala ang kanilang pinagsisisihan. Ang mga iba parang problema lang at iniuugnay sa mga kasalanan nilang ginawa. Sa tulad kong confessor, tinatanggap lahat na ibig ipasabi ng nagkukumpisal at pinipigilan ang sarili para magkomento. O, wala talaga kaming karapatang magkomento kundi magpaalala lang sa tamang landas at gawa na naaayon sa Salita ng Diyos. Ang Banal na Sakramento ng Pagkumpisal ay ang pag-amin sa maling ginawa, inisip, inusal o damdamin na sa palagay ng nagsisisi ay di ayon sa turo ng Panginoon.

Alam kong may mga sampu pa o higit pa ang mga nakapila sa labas ng confession room. Sa mag-iisang taon ko nang pagkaconfessor, natantiyako na ang bilang ng mga seminaristang nangungumpisal tuwing Biernes ng gabi.

May kakaibang damdamin na naiwan kanina ang huling nangumpisal sa akin. Sa hindi ko alam na dahilan para bang ako ay nakaramdam ng hiya o may naalala akong bigla na bumabagabag sa akin. Masyadong malamig tuloy ang tantiyako sa ihip ng aircon.

Di ko na kayang magpanggap, Pads…

‘yan ang unang salita na namutawi sa kanya. Nang wala siyang marinig na tugon, itinuloy niya…

Di ako karapatdapat na magsuot ng sotana at magpanggap na ako’y patungo sa banal na tungkulin…una, pinagtiisanko ng pitong taon ang pagkukunwari…ala na, Pads, patay na rin ang mga magulangko na naghubog sa mura kong isip na manilbihan bilang alagad ng Diyos…saka, may nagawa akong kasalanan na dapat kong panagutan…hindi lamang sa mata ng Diyos kundi sa mata ng tao rin…

Patuloy pa rin akong nakikinig.

At, saka, Pads, sa labas nitong silid at sa lampas ng bakod ng seminaryo, marami rin ang hindi kumakain…at bawat suboko at pagsuboko tuwing tayo’y kakain ay nagkakasala rin ako dahil dapat sila ang sumusubo at hindi ako… ala na talaga, Pads… nakabuntis po ako! Kailangan kong panagutan ang kalapastangananko…sana mapatawad po ako ng Diyos…hu hu hu hu hu!

Wala pa rin akong imik.

Ikaw, Pads, hindi pa ba sapat ang iyong pagkukunwari? May bisa pa ba ang kabal mong sotana? Hindi mo ba sila napapaginipan?

Nagimbal ako sa huli niyang sinambit. Hindi ko ba sila napapaginipan? Syet!

Hawiinko sana ang kurtinang nakapamagitan sa amin pero nakuha ko pang pinigil ang aking sarili. Tumunog na ang pagsara ng pinto. Alam kung hindi na niya hinintay ang igagawad kong absolution.

Sunud-sunod pa ang mga ilang seminarista na dumulog ngunit parang robot na lang akong nakinig at naggawad ng pagpapatawad.

Laman pa rin ng isipko ang mga huli niyang kataga. Hindi mo ba sila napapaginipan?

Mahigit 30 minutes pa akong nakaupo at naghintay ng mga mangungumpisal. Wala na. Naghintay ba ako ng kukumpisalin o ang sagot sa tanong niya?

Mayro’n ba akong dapat panaginipan? Sino ba sila?

Dahan-dahan kong inalis ang estola. Tinupiko ito at lumabas na rin ako sa confession room pagkatapos patayin ang aircon at ang ilaw. Tinititiganko pa rin ang estola habang pinaglalaruan ng isipko ang kaniyang tanong.

****

Itutuloy…

Balikan ang Part I: Ang Pag Uwi

Dagdag Gawain:

1. Totoo bang may anak si Padre Damaso? Isulatmo ang sagot at ipadala sa basurerongpinoy@yahoo.com

2. Kung pagbubuhatinka ng krus, sa kaliwa o kanang balikat mo ba ito pasanin?

3. Alam mo ba ang 5S ng mga hapones? Gawin mo na ito at huwag ipagpaliban, luluwag ang buhaymo.

8 responses to “Alimpuyo: Pagsisisi

  1. beeftapa October 1, 2010 at 2:06 am

    suspense naman. ang totoo gusto ko nang mabasa ang karugtong para malaman kung ano ba ang sagot sa tanong na “may bisa pa ba ang iyong sotana” lalo na ung “hindi mo ba sila napapanaginipan”. ayoko munang i-assume na base sa tunay na buhay ng may akda ang post, masyado po atang sensitive kung magkaganun. tingin ko ito ang naunang nangyari bago pa ung part 1. parang bumalik sya sa dati nyang kwarto dun sa part1 dahil sa mga katanungan dito sa part2. hmmmm… naisip ko lang nman. hehehe…

  2. Pilosopo Tacio October 1, 2010 at 4:56 am

    parang gusto ko ring mangumpisal. pero teka, mukhang pamilyar sa buhay ni pilosopo tacio itong si padre damaso. nag-meet na kaya kami nung mga naunang buhay namin?

  3. Ka Loren October 1, 2010 at 5:04 am

    maghugas ka naman kasi ng kaluluwa paminsan-minsan P. Tacio waaa ha ha ha!

    oo, nga… pamilyar ba? sige, nga sagutin mo nga kung may anak ba talaga si padre damaso… tsalens… weeee he he he. tnx

  4. Pong October 4, 2010 at 6:01 am

    yun pala yung hindi mo ba sila napapanaginapan?
    mahiwaga ang buhay seminaryo
    ibang seminaryo kasi ang alam ko Bible Seminary hindi bawal ang mag-asawa
    kung may pagkakahawig man ay ang rason na maglingkod sa tao dahil ang paglilingkod sa tao ay paglilingkod sa Diyos
    nagkakatalo lang sa personal na interes

    • Ka Loren October 4, 2010 at 12:41 pm

      opo Sir Pong, pero may ugali ring parehas he he he …. ipagsigawanko sana doon sa sitiomo na kung minsan magkaiba tayo ng pananaw e,… free thinker po ako… kung minsan nawawala sa tuwidna landas dahil sa pagkaradikalko he he…. newey, gustoko lang manggising sa mga sarado ang paniniwal (sa mga katoliko siguro, sowe sa mga matamaan)….. peace! be blessed lagi, informed faith is a better faith than a faith anchored on blind obedience…ika nga

  5. Pingback: Sa Baba ng Alimpuyo: Ang Larawan « Basurerong Pinoy

  6. Pingback: Alimpuyo: Paglisan « Basurerong Pinoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: