Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Monthly Archives: Oktubre 2010

Happy Birthday, Ma…

Sa langit ba may bumi-birthday rin?

May isang kaibigan na bi-birthday sa Ten Twenty Nine Ten. Nakakuwentuhanko lang siya sa blagospero. Humiling ng isang greetings! Sabiko, sige, gagawa po ako kahit na anong poste.

Tapos, biglang gumana ang utakko. Nakapulot na ako! Yehee!

Birthday rin pala ito ng nanayko. Ang mahal kong ina.

Ngayon pa lang, ipinapaalamko na. Malungot na birthday greetings ‘to.

****

Minsan sa buhayko, nakalimutanko rin na birthdayko. Bigla na lang ipinakita sa akin ang kalendaryo. Hayun! Gabi na nang malaman kong kaarawanko pala sa araw na ‘yon.

Dahil sa kasalatan namin sa buhay, ang kaarawan ay parang ordinaryong araw lang sa amin. Wala ang pansit. Walang nakakaibang kaganapan. Minsan, wala man lang mag-greet. Sanayan lang ‘yan.

Kaya, iniisipko ngayon kung ilang besesko bang hinalikan ang inako tuwing kaarawan niya? May naibigay na ba akong regalo sa kaniya? Sa senior citizen na niyang edad, malamang sobra pa ang daliri sa kanang kamayko kung bibilanginko ang halik ko sa kaniya tuwing siya’y bumibertdey. Hindi dahil sa hindiko mahal ang inako, kundi, ang kaarawan niya ay ginugugol sa gawain sa bukid, sa bahay, sa amin.

Ngayon ko lang natanto na siguro hinintay din niya ako na batiin siya noon…

Na regaluhanko din siya noon…

Na halikanko din siya noon…

Na ipaghandako rin siya noon…

Na samahanko din siyang magsamba…

Kaso, ‘di ko na siya matanong?

Last year, dahil 60 na siya. Nandoon kaming magkakapatid, kasama, of course ang mga mahal namin sa buhay. Masaya siya. Ganun sana siya kasaya kung ipinaghanda namin siya noon taon-taon.

Ito na lang po ang regalo namin sa inyo…

Dear Mama:

Greetings in Christ sana ang sasabihinko e, nandiyan ka sa piling ni Christ, di ba?

‘di ko na rin i-wish kong nasa mabuti kang kalagayan dahil nasa kaharian ka ni Lord.

Kung may internet diyan o  ano, sana basahinmo rin itong post na ito at pati na rin itong munting sulatko sa iyo.

Hindi ko po nakayanang bigyanka ng maginhawang buhay. Nahihiya tuloy ako po sa inyo. Hindi dahil gusto kong magbayad ng utang na loob dahil sa buong buhayko, di ko po mababayaran ang sakripisyo at pagmamahal n’yo po sa akin at ng aking mga kapatid kundi gusto ko rin sanang kayo ay makaranas man lang ng kunting ginhawa.

Alamko pong hindi n’yo hanap ang maginhawang buhay. Ako po ay naiinggit lamang po para sa inyo. Sana dahil mahigit 40 years ninyong ibinuhos ang sarili sa paggawa. Mahigit 30 years din ang ginugol ninyo para kami’y gabayan at itungo sa tamang landas.

Opo. Kayo po ang tumulong sa pagtulak ng kariton namin upang itawid ang aming sari-sariling buhay. At, napabayaan ninyo ang inyong sarili. Masaya po kayo kahit kinukutya na kayong ‘habang buhay na nagbubuhat ng bayong’ para kami’y mapagtapos lamang. Hindi n’yo rin ipinaskil ang mga diploma namin sa bahay dahil sa puso ninyo po nakamarka ang inyong tagumpay.

Kung hindi sana sa sobrang pagmamahal po ninyo sa amin, nandito po pa kayo sa piling namin. Hindi po ako seloso at nagseselos kay Christ, ngunit, parang unfair kung minsan ang buhay, di ba?

Alam kong naramdaman ninyo noon ang inyong sakit o karamdaman pero dahil ayaw po ninyong mag-alala po kami, tiniis ninyo ang inyong nararamdaman.

Paano pa namin ito susuklihan?

Kahit barya-barya man lang sanang pagmamahal ang maisukli namin. Ngayon, mga taimtim na lang na dasal (sa bawat pagtirik namin ng kandila upang umasang dalhin ng usok lahat ng aming pagsusumamo) ang aming nagagawa.

Kung, tatanungin n’yo po si Papa. Malungkot pa rin siya ngunit natuto na rin siyang mamuhay na nag-iisa na.

Ngayon, birthday mo, 61 years old ka na. Alam kong hindi ka na naman maghahanda. Sana ipaghanda ka rin ng mga anghel at kasalo ninyo d’yan si Kuya Anthony, si Apong Lakay at ni Uncle Ninoy.

Happy Birthday, MAMA. (ngiti naman d’yan, o.)

😀

Nagmamal ninyong anak,

 

Ka Loren

****

Ang aral na napulotko sa buhay ng aking ina ay “ang kaarawan ay araw ng pagbibigay buhay at pagmamahal sa mga mahal sa buhay na walang hinihintay na kapalit o regalo.”

Tuwing birthday ng aking Ina, ang buhay namin ang kaniyang isini-celebrate.

Sa kaibiganko na bi-birhtday rin ngayon October 29, HAPPY BIRTHDAY NA LANG…

Advertisements

Multo? Ano ‘yon?

Tuwing palapit ang araw ng undas, maraming nagsusulputang mga kuwento ng kababalaghan, totoo man o hindi, basta maraming kuwentong lumalabas.

Multo daw

Hindi lang mga kuwento, may kasama pang larawan o video.

 

At tulad ng mga kuwentong ito, minsan pinapansin. Minsan din, dedma lang.

Ano ba ang nasa likod ng mga kuwentong ito?

Hindi ako paranormal para gawinko itong parang normal, he he he. Naguguluhan lang ako kung bakit may mga karanasang abnormal at nagsusulputan lang ito kung papalapit ang undas.

Noong bata pa ako, isa sa pinakahihintay kong parte ng isang araw ay ang drama sa radyo na: Mga Kuwento ni Uncle Pete. Of course, ilokano ang mga kuwento. Ngunit, hindi ito mga kababalaghan kundi mga kuwentong pambata.

Kasunod nito ay ang mga oras na ginugugugolko (hindi google, he he) sa tabi ng aking Lolo Sixto. Hindi kuwentong multo, ngunit kuwentong agimat naman.

Nakakarinig lang naman ako ng mga kuwentong multo kung kami’y ginagabi sa aming paglalaro. O, di kaya’y hindi kami noon mapapatulog at papatayin ang petromax tapos sisindi ng gasera (hindi pa noon umabot ang Barangay Electrification Program ng gobyern sa aming baryo).

Sa mga oras na ‘yon, lalabas ang mga tikbalang, kapre, aswang, tiyanak, nuno sa punso at halos lahat na lamang lupa. Dahil, bata pa ako noon, lahat sa akin ay totoo.

Sasamahan pa nito ng mga imahinasyon kong nalulong sa komiks ni Carlo Caparas, planet op de eps, tikya at kenkoy, e, di tatalukbong na lang ako noon kahit nagpapawis ako hanggang singit.

E, ang kuwentong multo ng mga patay?

Hayan, lalabas tuwing may namatay o malapit sa Piesta ng mga Patay. Na si ganito, sumanib siya kay ganito. Na si aling ____ nasalubong sa daan kaninang dapit-hapon habang umaambon.

O, kaya, dahil sa natakotka kung sa anu-ano, hayan gagawa ka na lang ng kuwentong multo.

Tulad ng nangyari sa akin noong nagbakasyon ako galing kolehiyo. Hating gabi ako umuwi at ala na akong masakyan (nabibilang pa noon ang tricycle sa amin) at nilakadko ang mahigit 3.5 km na layo ng haywey sa bahay namin. Mag-isa lang ako noon at masukal ang gilid ng barangay road. Walang street light. Walang katao-tao. Bilog pa naman ang buwan.

Mula sa haywey, lalampasanko ang sementeryo. Wala ring mga bahay. Kung bibilanginko nga ang bahay noon e, mga lima lang na bahay bago ang aming bahay. ‘yan ang setting.

At, dahil sa mga kuwentong multo na natatak sa utakko at binigyan pa ng powers ng mga komiks at ang palabas na ‘mula sa balitataw’ at ng ‘shake, rattle and roll’, nanginig ang aking apdo sa takot.

Ano pa, e, kumaripas ako ng takbo. Buwisit lang kasi kinabukasan, may kuwento sa kantong tambayan namin na ibinahagko daw ang buntotko kagabi. Para makalusot, gumawa ako ng kuwentong multo. 😀

Syet! Sumang-ayon naman ang mga nakarinig. Sabi nila: totoo ‘yan, dahil doon.., doon.., doon… Ha! Andaming kuwentong lumabas mula sa scripted kong kuwentong multo.

Naniniwala naman ako sa tinatawag na Third Element pero kung lalapatan ng takot ang mga metaphysical na elemento, diyan na ako umaayaw.

Bakit kung magpapakita ngayon ang nanayko, yung bang tamang naagnas na siya? Hindi! Kung magpapakita nga siya, alam ko na iyong kanais-nais ang hitsura niya dahil ayaw niya akong matakot sa kaniya.

Sabihin na nating ang mga ibang kaluluwa ang magpapakita sa akin at hihingi ng tulong, ano ang lohika na magpapakita siya sa akin na gutay-gutay ang damit kung magpapatulong sana siya para mabigyan ng hustisya. (Tamang pocketbook ang tema…ha ha). Kung nanakot siya, sino ang tutulong?

E, kung tanungin niyo ako kung ano ang mga puting sumusulpot sa paningin ninyo sa mga madilim na lugar na may kuwentong kababalaghan na? Hindi ko alam.  Ang alamko lang ay ang dilim ay kawalan ng liwanag at sa dilim madaling mapansin ang liwanag.

Lahat na kuwentong multo sa dilim ay maliwanag o maputi. Wala pa akong narinig o nabasa na kuwentong multo sa dilim na ang nakita’y madilim rin he he he. At, kung maliwanag naman ay maitim ang multo, hay.

Ito ang sure: sa mga buhay ka lang matakot kasi sila ang may puwersa na pipinsala sa iyo.

Ano ngayon ang multo?

Totoo ba o kathang isip lamang?

Pssst! Ano ang nasa dakong paroon..bunga ng malikot na pag-iisip, likha ng balitataw o halaw sa isang gabi ng kababalaghan…di kayang ipaliwanag ngunit alam mong nagaganap…awooooooooooooooooo!

%d bloggers like this: