Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Basurerong Pinoy, Isang Buwan Na!


Napakasaya ko ngayon. Isang buwan na ang BASURERONG PINOY!

Dahil Sabado, maraming mapupulot na basura. Sayang din ang kita sa mga mapapakinabangan pa. At, saka kung hindi ako mangangariton ng basura papunta sa imbakan, ang Barangay Waste Segregation Facility, mangangamoy ang mga kanto at magagalit ang mga TAMBAY na nanlilibre sa akin ng coke at yosi.

Kaya…wala muna tayong handa sa ngayon. Ipaghandaan niyo na lang ako!

Magpupugay ako sa mga bago kong kaibigan sa blogospero. Tatlo lang ang dati ko nang katoto sa blogospero pero isa palang ang nakita at nakasama ko na.

Dahil kukunti pa naman kayo, isa-isahinko na kayo.

Ang unang nagkomento sa bagong gawa kong kariton ay si WildCat (tawagko sa kanya ay WC) ng Trip Ko Lang. Salamat po WC.

Ang sumunod ay si Busyok ng Busyok Creative (isang kalabaw na hi-tech, dati ko na ring kakulitan sa mga blog at sa FB).

Tapos si Sphere, ang karpentero sa Carpenter’s Rule (tinawag kong Madam, e, nag-emote, inlab siya kasi ngayon dahil sa hotcake with honey for two). Salamat po pala sa libreng marketing noong ipagsigawan ninyong bisitahin ang Basurerong Pinoy doon sa syap niyo.

Si Sir Pong sa Mizpah, ang magaling na manggagawa sa diaspora. Be blessed lagi po.

Tapos, si Tacio, ang magbabalut slash messenger slash love doctor slash nagtitinda ng padesal sa Kuwentong Tacio na noon ang pamagat ng blog niya ay Matang Maya (hasus! noong naisipko ang Basurerong Pinoy, isa siya sa naisip kong magkontribyut kasi sabi niya sa aking email dati, “kadua marami akong kuwentong tacio, gusto kong ilabas, e mga tutorial naman ang mga karitonko!”), ngayon may bahay kuwentuhan na siya, hayan nailabas na niya ang kaniyang init. Siyanga pala, may laptop din si Tacio at naghahanap lagi ng WiFi Free Zone sa kaniyang rota.

Sumunod si Juan Tamad ng Juan Lazzy. Di na ako nagtaka na wala pa ring bago sa kaniyang bahay, September 8 ang kaniyang huling paghahain…hay. Sarap ng kaniyang tulog, e. Ngunit, henio siya dahil habang natutulog, nakakablog. Tamad nga lang maglagay ng title, he he he dahil sabi: kayo na din maglagay ng title. Hayan tuloy Untitled ang title ng kanyang poste. Haaaissst!

Si Sir Daniel Yuson ay may ginagawang aklat na ang pamagat ay The Book of Daniel Yuson. Kakaiba ang kaniyang style sa pagsusulat. Di ko nga mawari kung tula o sanaysay o kuwento ang kaniyang mga akda. Mahilig gumamit ng ellipsis…. at exclamation point! Bisitahin niyo, tapos na ata ang kaniyang libro dahil may Enforced Ending na. Hindi ko rin mahagilap ang kaniyang dating blog na may pamagat: BOMBA!!! (FOR ADULTS ONLY).

At ang parekoy na dating amoy araw (kahit gabi na) na ngayo’y heartthrob at hunk with oozing self-confidence pa na si Jerick sa My Filthy Room… Naaliw talaga ako sa unang bumulagta noon sa matako, CANTUTANG Elementary School, wiiizzzz… at sabay banat sa sex education. Hanep! Salamat po parekoy.

Salamat din kay Ms. N ng Nortehanon. Tawag niya sa sarili niya ay country mouse dahil naaaliw siya sa simpleng buhay, kapaligiran at tanawin sa countryside. Marami akong natutunan sa kaniyang Buhay Lente.

Si PunongKahoy iba rin ang istayl ng kaniyang pagbabablog. Pero, nakakaaliw din. Napansinko lang, parang ayaw niya akong i-add sa kaniyang blogroll, nya ha ha ha.

Ito pa, si pads Duking ng Oh, My Doodles. Nakakabaliw ang kaniyang mga poste habang gumagawa siya ng “de-construction of history”. Hanep ang mga explorations ng kaniyang utak. Salamat din po.

Ang kapuwako ilokanong si Jake Ilac…proud na proud sa pagiging pinoy niya dahil ibinabandera niya ang Proudly Philippine Made Products…batikang kuwentista sa Ilocano Literature at kamakailan lang nanalo na naman siya sa isang patimpalak. Congrats, tol! Gumagawa rin siya ng blog themes he he he…libreng marketing na to parekoy. I-kontak niyo lang siya, ya ha ha ha…baka malibre pa kayo. Siya rin ang lalaking mahilig sa paruparo.

Kahapon lang, may nagpakitang alitaptap. Si Aninipot, ang Diyosa ng Kagubatan sa Siamea. Salamat din po.

Si BeefTapa pa pala ng BeefTapa. ย Gustong-gustoko ang kaniyang pagbabalik tanaw sa kaniyang buhay, ang kaniyang mga adbentyurs, adhikain at mga random thoughts din na nakakaantig ng damdamin. Salamat din po.

Oooppsss! Bago ko makalimutan ang isang makulit na si Patrick. Wala itong blog kasi adik siya sa Mafia Wars at Mobworlds sa FB. Siya yung kaibigan kong spammer sa aking blog lang naman. Ninam Patrick! (sensya na ha sa bad word…ganyan lang kasi ang pagbati namin ang damuhong ito na nakasamako rin sa loob ng ______(secret… he he he) noong kami’y palarin na pagdiskitahan ang nakakabuwang na kursong pilosopiya). Sinabihan kong huwag akong i-spam , e yun nagmaktol at di na nagpapakita sa Basurerong Pinoy. Mahilig magbasa ito ng blog ng may blog pero tamad gumawa ng sarili niya. Siya kasi ang Hari ng mga TAMBAY.

Hayan! Salamat po sa inyo.

Mga nangyari sa isang buwan…

Sa kabuuan, may 28 akong napulot na ibinasura dito. Kulang ng 2 poste upang matupadko ang aking pangako sa sarili.

May mahigit ding 160 na komento. Kasama na rin dito ang sagotko sa mga komento niyo. Salamat.

May mahigit ding 700 na pagbisita ang natanggap ng Basurerong Pinoy.

Sa inyong lahat, maraming salamat po at sana tuloy-tuloy po ang inyong pagsuporta.

Para mapaganda po ang ating kariton, tumatanggap po ako ng mga suhesyon, puna at adbays mula sa inyong lahat. Ipaabot niyo lang po bilang komento o sa ating e-mail na basurerongpinoy@yahoo.com

Sa mga nagla-like pala sa FB, salamat din po. Sana sa susunod dito na po kayo mag-like at mag-iwan din po kayo ng mensahe.

Muli SALAMAT PO SA INYONG LAHAT! PAGPALAIN PO KAYO SANA NG MAYKAPAL LAGI…

****

23 responses to “Basurerong Pinoy, Isang Buwan Na!

  1. myfilthyroom October 2, 2010 at 2:38 am

    hahaha… bkit kulang ang intro ko? ang heartthrob na si Jerick dapat.. haha.. salamat sa pag-mention brod.. apir!

  2. Sphere October 2, 2010 at 6:49 am

    wow! biruin mo nakaisang buwan kna pla…

    Maligayang Pagbati Ka Loren more post to go!!!
    ๐Ÿ™‚

  3. Daniel P. Yuson Jr October 2, 2010 at 12:21 pm

    @ Ka Loren..!
    hapiwanmantanibersari..!
    angbilisnangpanahonnoh..?
    dinatinnamamalayan..,
    isangtaonnamanang…
    iseselebreytnatin..!
    halosmagkasingtandalangpala…
    angblognatin..!
    baunalangakonang…
    dalawangbuwan..!
    hehehehehehehehe..!๐Ÿ˜†

  4. Pilosopo Tacio October 2, 2010 at 4:27 pm

    ambilis, isang buwan na pala ang basurerong pinoy!
    kadwa, sana umpisa palang ito ng masayang kwentuhan natin online. hehe

    handa naman akong magkontribute basta ba papasa sa panlasa mo ang kwentong messenger/magbabalot/magtitinapay.

    asan na yong comics mo?pagawa natin kay busyok ‘yong drawing.

    • Ka Loren October 4, 2010 at 4:55 am

      opo P. Tacio, sana umpisa lang ito ng masayang kuwentuhan-online…sana sana nga po.๐Ÿ˜€

      oppsss, sige padala mo na email natin he he he…mga ayaw mong ikuwento doon sa online kuwentuhan mo!

      oo nga pala, sige..gagawinko na script, baka ilagayko rin dito sa basurerong pinoy na para may mai-poste man lang ha ha ha… alam ba talaga ni busyok mag-corel ha?! weeeee he he he

  5. beeftapa October 3, 2010 at 3:11 pm

    huwaw! ang sipag, may monthsary. hehehe… bumalik ako, kala ko may karugtong na yunh nakabiting kwento. anyways, salamat din sayo kadua๐Ÿ™‚

  6. Jake October 6, 2010 at 10:27 am

    whew, bat ako napasama sa namesyon dito?

  7. Pong October 17, 2010 at 11:50 am

    HUWAW!
    salamat sir sa pagbanggit ng blog ko, kambal dapat tawag ko sa iyo kasi kambal ang layout natin eh…

    salamat sa mga basurang hatid mo ha, katunayan ang basurang itinapon namin siya din ang bumabalik sa amin, this time may aral at realizations na sa buhay…

    salamat sa 1 buwang pakikihalubilo at pagronda ng kariton mo…

    maraming mag buwan pa ang pagsasamahan natin sa iyong kariton!
    yehey!

    more! more! more!

    be blessed po!

  8. J. Kulisap October 18, 2010 at 7:36 am

    Blog lang nang blog. Marami akong napupulot na basura. Insekto ako eh.๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: