Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Alimpuyo: Paglisan


Karugtong ng ating Kuwentong Basurero,Alimpuyo: Pag-uwi at Pagsisisi

iii. ang paglisan

May kumatok sa pintuan. Dalawang beses lang.  Nagulat pa ako. Di ko akalain na may paparito sa aking opisina sa ganitong oras. Abala pa naman akong naghahalungkat sa mga folder na nakasalansan sa kabinet na di kalayuan mula sa aking lamisa. May nakita akong isang larawan na nakaipit sa isang folder. Dagli ko itong itinago. Mahirap na. At, di ko na pinansin kung saang folder ulit ko isinuksok. Tumingin ako sa bintana. Sa lampas ng salamin, may mga ilaw nang nakasindi. Ne, madilim na pala?

Sino ‘yan? Tanongko sa kumatok.

Ako Pads. Ang sagot sa akin.

Ano ba naman ito? Guessing game pa. Nandilat ang mga matako at parang ‘Sai’ na tumagos sa pintuan ang sulyapko. Patay na sana kung ako si Elektra.

Buwisit! Napabulong na lang ako at umiling. Alam ko na rin kasi kung sino ang nasa likod. Boses pa lang magkakilala na kami. Pati sa bilang ng pagkatok. Parang password na sa amin.

Pasok ka. Sabiko at pinaikotko ang swivel chair. Hinarapko ang pinto at nag-abang sa papasok. Di ko sinasara ang pintuan ng aking ofisko. Pinulotko ang aking bolpen at kinagatko ito. Kung bakit bang kinakagatko ito kung napapaisip ako? Pagkatapos, hinaplosko ang aking noo. Malagkit!

O, dinalaka ng hangin? Pinasalubonganko na ang mukhang sumilip sa pintuan.

Paalam na ako, Pads. Diretso ang sagot. Walang imik tinungo niya ang isang selya at hinila ito paharap sa akin. Umupo at tumango. Pinisel-pisel niya ang kaniyang tuhod na para bang dinapuan ng reyuma.

Naghari ang katahimikan. Parang may anghel nga na dumaan, e. Tinitiganko ang nilalang na nakasama ko sa loob ng sampung taon:

Ha! Ha! Ha! Ano na yung sinabimo noong nasa Pre-collegeka pa lang?Itinuroko si Eman.

A, e, kung bakit di pinakasalan ni Espiritu si Maria? Sagot ni Eman. Humagakgak.

At ano naman ang sabi ni Rector. Sinutilko pa rin.

E, ano pa? Inismiran niya ako at nagkamot ng batok. Si Eman.

Bakit naman kasi ganun ang tanongmo?

Naa. Class, ang sakramento ng kasal ay banal. Ito ang susi ng kabanalan na bumubuo ng familya. Ang mga anak ay mga aliw din at biyaya ng isang familya. Sabi noon ni Rector. Nasa Cathecism 101 kami noon. Mga pitong Banal na Sakramento ang topic. Di ko nga alam kung bakit ko naitanong, e. Si Eman.

‘kalako nga kung sisipain ako noon. Biromo, unang semesterko pa lang mapapalabas na ako. Nakakahiya, sabiko noon. Itinuloy ni Eman.

Magpapari ito! Magpapari ito! Puro ako kabulastugan sa mga kabarkadako noon, ha ha ha! Sambit na naman niya.

Nakapagtataka nga kung bakit ‘di ka sinapa, e. Tignanmo. Nasa unang taon ka na sa Theology. Ako noon ay nasa huling taon na ng Theology. Dalawang taon na lang,parina ako.

Paalam na ano?! Ako na ang bumasag sa tahimik. Kung saan-saang lupalop na nakarating ang aking isip. Bumalik sa mga tagpong tatlong taon na ang nakalipas.

Di ko na makakayanan, Pads. Isang malaking pagkukunwari kung dito pa ako. Di na kasya ang aking sotana na tanggulanko. At saka, may isang mundo at may marami pang kaluluwa na umaasa sa aking paglabas. Diretso ang kaniyang tugon.

Wala akong pag-aalinlangan, Pads. Tumitig sa akin at naaninagko pa ang liwanang ng flourescent sa namumula na niyang mga mata.

Nasa labas na ang mga gamitko. Ewanko kung ipinapaalam niya lang sa akin o isa itong utos para tignanko ang kanyang gamit.

Wala akong gatiting na pagsisisi. Siya na naman.

Tumayo. Umikot sa aking lamisa at di ko man lang napaghandaan ang kaniyang pagyakap. Pinisel-pisel niya ang aking balikat, kinalabog ang aking likod at bigla, hinagap niya ang aking mga palad.

Lilisan na ako. Tinitigan niya ako na parang sasakmal na tigre. Pagkatapos, tumalikod na.

Sinubukan kong tumayo para habulin siya ngunit lumingon ito. Itinuro niya ako at ininguso ang aking upuan.

Dyan ka na. Oo, Diyan ka na! Di ka dapat susunod sa akin! Parang ganyan ang sinasabi ang umaapoy na niyang mga mata na kanina lamang ay malamlam.

At…

Naiwan na naman akong nag-iisip. Sumagi na naman sa aking isip ang isang tanong: Hindi mo ba sila napapaginipan?

Itutuloy…

12 responses to “Alimpuyo: Paglisan

  1. beeftapa October 4, 2010 at 3:33 am

    sinusubaybayan ko kung san papunta ang kwento.🙂

    nga pala bat lagi akong “awiating for moderation”??? hehehe

  2. Ka Loren October 4, 2010 at 4:58 am

    salamat po beeftapa… he he e… parang nawawala na ata cohession ng kuwento natin e, mahirap pa lang salin ng kuwento mula ilokano to tagalog😀

    teka, nakamoderation mode lahat pala…maalis na nga ang moderation mode….ummmh

  3. Pong October 4, 2010 at 5:55 am

    susundan ko ito aking kaibigan ibabackread ko din yun gdalawang nauna para mas malinawan ako

    be blessed parekoi

  4. Sphere October 4, 2010 at 11:14 am

    hmmmm…aabangan ko na lng ang kasunod baka maliwanagan ako🙂

    nakakalabo ba ng pagiisip pag inlove?

    • Ka Loren October 4, 2010 at 12:32 pm

      hindi talaga nakapg-iisip ng mabuti ang inlove, puso e… utak ang ang nag-iisip weeeeee he he he… mas malabo ang susunod…ka sphere! wala lang nalashing ako sa kanto..putris na mga tambay e… di ko na matulak karitonko…. hay

  5. Pingback: Sa Baba ng Alimpuyo: Ang Larawan « Basurerong Pinoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: