Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Lagalag Uno


Tulang Basurero naman tayo ngayon…

***

Ang pagdating ay pag-alis din
Ang pagtigil ay siya ring paggalaw

At sasara ang pintuan
at kakalampag ang mga bintana ng kubo
pakatapos mong banggitin ang piping paalam
ang hagubilin
sa mga maiiwang kasama sa ilang saglit
may init ang yakap na parang galing sa siga
lumalabas mula sa lupa aakap ito na gadikit ng pukyutan
o kaya’y ‘palatipot’ na ngiti sa dilim
ng takipsilim kahit binabayo
ng kombat bots ang malamig na hapyaw ng hangin: lumilipad ang hangin
may kambal na tilamsik bulong ng akap
ang bumibigwas na masalubong:
sisirko ang utak at tatalon sa puso
mabubungkos ang pulso na humuhulagpos
sa mga paa: mag-uumpugan ang mga bato titilamsik
ang mga buhangin tae ng kalabaw ang lalagapak
mahihila ang basahan ang amoy
ng istakeds ng gabi’y lumalagablab

Susugurin ng mga paa
ang burol at ang batis
ang pilapil at kahit ang mga gurlis. E, ano
kung lulubog na tulad ng kakilalako
nadulas at kumalabog sa imbornal na maamoy? E, ano
kung ang mga daliri’y kakapa? E,
na kahit ang mga sakong ay kakapa din?

At kung ‘di na malingon
ang pinanggalingan mayro’ng darating
na mga kasama para din hiyaw
ang mga paanas na bati:
s’anka galing?
puntamo?
kasamamo?
at matapik ang password oo abra
sina abra
at mapipiga ang sintido sa pag-alala
ng mga alias: bubot na bayabas
kambal na granada anak ng daga
kahit ano basta’t may kahulugan karpa
kahel saba damit na luma
amoy ng dugo marami at tulad
ng ukay-ukay na sakosako
sasabog at mapagbukod-bukod
sa luma mula sa bago.
Masasabi ang lahat na ito
sa higpit ng pag-aabang at pagsalubong
sa mga kuwento’t sanaysay
sa sungaban din at sa krusan
palihim ang pagpitik ang walang humpay
na paglagalag ng mga anino:
periodista seminarista pasabilis
magsasaka mangingisda activista
doktora na kadre baliktad na pulis
nakadapa ngunit sumisilip din
sinisipat ang kahinatnan ng kislap
mula sa liwanag na humilagpos sa gatilyo ng garand
masusunod din ang mga plano na inin-in sa ilang
pagpapainit ang ‘di mabilang
na pagtigil ng sandali:
Ano ‘yan, garand?
Oo, hinablotko noon sa humandusay na…
Sablay, e ‘yan?
Punyal ha ha ha ‘yan?
357 bago? Oo. Kinakalawang naman
kulang sa hasa. Larawan porma
bigat at amoy
ng padapang paglublob na kahit pikitka
maisalarawan at ibibigay din nila ang ehemplo
at malalaman din ang tama
mapag-aralan ang gamit ng kahit ano
na parang ganito: si Tonio tumayo pa
na bumuburod ng ganito
at wasak ang kampo:
sa atin ang lupa!
ang ani! ang laya!
Ito a ticket itagomo
sa kaibuturan ng iyong puso.

Nanditoka na sa sangandaan
may malinis na daan
at may masukal din sa harapan.
O kaya maari mo ring linisan
ang sarili mong landas na patungoan?

Umaalog ang mga tuhodmo
na tumisod sa hamog
mahuhulog at sasaluhin ng tigang
na lupa na lulubog sa iyong mga yapak
ng malayang paa
(nasa balikat na
ang kombat bots na pagod din)
na nag-aabang sa mga sandali
na maagaw ng liwanag
ang rikit ng dilim
at bubulwak ang bintana
at huhulagpos ang pintuan
sa iyong pagdating.

Ang pagwasiwas ng iyong kamay paitaas
at ang pitong beses na kalabog ng iyong kamao
sa dibdib ay siyang sukat
ng tagumpay na idinatingmo.
Sa iyong saglit na paglagi sabi namin:
may hamon lagi ang landas
na iyong tatahakin at baonmo ang hiyaw ng pagkilos
at maging pananggalangmo ang alab ng mga panaginip.

2 responses to “Lagalag Uno

  1. Pong October 6, 2010 at 12:25 pm

    tama ka sa sangan-daan na meron ang isang tao
    siya pa rin ang pipili kung sa masukal, tested o sa hindi nakagawiang daanan
    ang mahalaga lumalaban, patas, para sa tagumpay!

    be blessed!

  2. Ka Loren October 7, 2010 at 3:52 am

    sir pong, tama po… sa araw-araw ng ating buhay, nakaharap tayo sa mga sangandaan…. nasa atin na kung alin dito ang ating tahakin, at wala tayong ibang sisisihin kung magkamali tayo… pero mga pangarap at kapakanan ng nakararami po ang nagtutulak sa ating pagkilos at pag-usad… mahirap din kasi ko sarili lang natin ang iniisip sa bawat pagsulong…

    be blessed lagi po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: