Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

O, Sino ang Susunod…?


Tatlong buwan na noong makalawa. Sakto. Mula nang mamatay ang aking ina. At noong makalawa rin may inilibing na naman kaming kamag-anak… parang napepeste na ang lahi namin..o, kaya…natural na family planning lang. Nagbabawas ng kamag-anak. Sa loob ng tatlong buwan, tatlo rin na magpipinsan ang umuwi na sa kanilang buhay-bakasyonan.

At dahil dito, nagawa na naming makipagbiro kay kamatayan.

Ang tanong: Sino ang susunod?

Sabi nga ng Angkel kong pari, nagsasawa na raw siyang maglibing ng pinsan… ha ha ha. At sa kaniyang sermon, tinanong na niya ng deretsahan si angkel Ummi. Sabi: O, manong Ummi, dahil sa ikaw na ang natitirang pinakamatanda sa ating magpipinsan, wala bang hinabilin sa iyo ni manong (sabay turo sa patay)?

Sumagot din itong si kel Ummi.

Mayron pader, ‘pag nakita niya daw na maganda doon, susunduin ka na daw niya…

At, napuno ng tawa ang simbahan. Napansinko pang napangiti na lang ang pamilya ng namatay.

Uso pa ang magpakain pagkatapos ng libing sa aming baryo. Pagkatapos ng kain, pinuntahan namin ang kapatid ng aming Mamang Baket, na si Baak Ebing, he he he. Matandang dalaga ito, 84 years old, masungit noon…bulag na siya ngayon.

Pagdating namin sa kubo niya kung saan doon inaalagaan siya ng kaniyang mga pamangkin, isa-isa naming pinahulaan kung sinu-sino kami. Sabi: mga pamangkin at apo ko kayo! Swak!

Tapos, sabay hingi sa amin ng lason: Wala na akong silbi, painumin nyo na lang ako ng lason.

Tumakbo ang isa naming tiyahin, kumuha ng Fita biskwuit at iniabot sa matanda. Sabi: O, ito, isinawsaw na namin sa lason, kaininmo na. Hihintayin na naming eepekto para di na kami uuwi sa mga bayang pinanggalingan namin.

Pinakain namin siya ng biskwuit kasi ayaw niyang kumain, e. Malakas pa siyang kumain…matagal pa siyang mamatay.

O, anong nararamdaman ninyo? Tanong ng isa naming tiya.

Wala naman akong nararamdaman. Ang sagot ni Baak Ebing.

Malakas pa kayo kay Lord, kaya alang epekto ang lason. Sabi namin sabay tawanan.

Ang kamatayan ay parang buwis din. Hindi ito maiiwasan! Paghandaan na lang. At, sa sermon ng angkel naming pari mula sa ebanghelyo. Sabi niya:

“Mula sa binasa nating ebanghelyo, may tatlong parte ang buhay… ang beginning, ang ending, at ang beginning… Noong ipinanganak tayo sa mundo, ito ang simula ng ating buhay at sa ating pagkamatay, ‘yan din ang ending nito. Ngunit, ang kamatayan din ay simula ng walang hanggang buhay sa piling ng ating Panginoon. We should live looking forward to it because we could see on our death, ย our Lord, mukha sa mukha. At, yan ang kaniyang pangako.”

Hayan, kaya nating pagtawanan ang ideya ng kamatayan.

Kayo, takot ba kayong mamatay?

๐Ÿ˜€

7 responses to “O, Sino ang Susunod…?

  1. Pilosopo Tacio October 8, 2010 at 8:41 am

    ka loren. mag-BASE muna ako ha.hehe

  2. WildCat October 10, 2010 at 2:07 am

    Ahaha, mabuti naman ay natatawanan ninyo ang kamatayan

    Sa amin rin noong nasa Pinas pa ako uso din ang kainan. At minsan isa sa mga kapit bahay namin sa syudad ang namatay. Nakiramay ako, nagkataon naman noon na dumalay ang isang pinsan kong babae mula sa probinsya kung kaya sumama na rin siya sa akin.

    Noong nasa cementeryo na kami, may ibang patay na kahahatid lang din ng pamilya sa hukay. Nakasakay na kami sa Jep pabalik sa lugar namin ng tumabi ang pinsan ko sa akin may dala siyang dalawang pagkain at sofdrink, binibigay sa akin ‘yung isang pareha kung kaya tinanggap ko.

    Kaso nalaman ko pagbalik namin, na ang handaan pala ng nilamayan namin ay sa bahay ng namatay magaganap doon ko naisip na kinain ko sa cementeryo ay galing sa iba, sa hiya hindi na ako kumain, ang pinsan kong makapal ang mukha ay nanatili kahit na kakaiba na ang usapan tungkol sa amin. Peste nadamay pa ako sa katawan niya.๐Ÿ˜†

  3. Samuel Camus October 17, 2010 at 12:57 pm

    Ok ka ka loren. Ok ang humor mo. Penge naman ako nyan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: