Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Bakit Kayo Tambay?


Balik tayo sa mga topikong tambay at sa tambayang pilipino.

Isang hapon noong isang linggo, nabuwisit ako kasi ang lulutong ng mga halakhak ng mga damuho kong dabarkads na mga tambay sa kanto. Para bang pinagtatawanan (low self-esteem ako) ako na hirap sa pagtulak ng kariton kasi nga nadiskaril ang ‘nimal na karitonko. Tapos, sobra pang ang susungit ang mga katulong ng mga putris ko ring mga kahanay sa lugal namin.

Ako: Naku, ayusin n’yo naman pong ilagay sa basurahan ang mga dumi nyo…

Atsay 1: Hey, ano pa ang gawinmo kung kami na ang mag-ayos n’yan!

(Napakamot na lang ako sa batok. Oo, nga naman pero sobrang alipustana ini.)

Ako: (sa sariliko lang) Syet!

Sige ako sa pagkuha ng basura sa mga ibang lagayan. Sayang din ang mga kapakipakinabang pa.

Ako:  Manang, sa susunod isupot nyo naman po.

Atsay 2: Naku, maraming bote dyan. Sulit na sa iyo. Saka ‘la daw pambili si madam.

Ha! Lintek!

Mabalik ako sa mga tambay.

Pag tapatko sa may tersena na tambayan nila, dineretsoko na ang coke na nakapetser sabay tungga ng dalawang baso. Uhaw ako, e. Tumawa pa ang mga mokong. Nakatrip ata sila.

Ako: Matanong ko nga kayo… ba’t ba kayo nagtatambay ha?

Tambay 1: E, sa walang magawa, e.

Tambay 2: Ano bang pakulo na naman ‘yan ha? Hoy, Loren, sarap ng tambay ‘kala mo lang.

Ako: ‘la lang mga parekoy, gusto ko lang malaman kung ano ang nag-udyok na tumambay kayo.

Tambay 3: Iniiwasanko ang talak ng misisko.

Tambay 4: Nagger ang Mamako. Ipinamumukha n’ya na wala akong alam na work. Sapat pa naman ang allowance ko na bigay ni Lola.

Tambay 5: Kahit anong gawinko, ‘la akong mapasukan e…

Tambay 2: Tamad ka lang… walang mapasukan? Buwisitka!

Tambay 4: Parang may gayuma ang kanto… at ng baso.

Tambay 1: ‘tang ina mo! Sabihin mong nalillibre ka lang sa toma at yosi!

Tambay 5: Teka, teka…’bat mo ba tinatanong ha parekoy?

Ako: Wala! ‘ninam! Gustoko lang malaman kung masaya kayo na pinagtatawanan akong nagkakanda hirap sa mga basurang itinatapon ng mga kabahayan niyo!

Tambay 5: e, mokong ka rin pala, e… di huwag mong itapon sa tambakan ang mga basura. ‘bayaan mong mabulok dyan.

Ako: Sira ka pala, e. Kung inireklamo ako sa barangay na hindi kumuha ng basura, mabibigyan mo ba ako ng pera.

Sabay ang dalawang tambay: Libre ka naman sa merienda, a.

Ako: Bakit nga ba kayo tambay?

Muntik silang sabaysabay: E, sa wala ngang magawa, e. Ang kulitmo!

Tambay 3: Iwas lang talaga ako sa bahay namin…

Ha! Senya na wala akong matinong nakuhang mga sagot. Pero, kulang lang talaga ng deskarte ang mga katoto ko.

O, hayan. Unti-unti nating pasukin ang mundo ng mga tambay.

 

Dagdag Gawain:

1. May alam ba kayong dahilan bakit nagtatambay ang isang tambay? Ilahad sa komento.

2. Mahirap lang ba ang nagtatambay?

3. Walang sumagot sa tanong noon. Anong paa ang una mong isinusuot sa sapatos? Kaliwa o kanan? Bakit?



15 responses to “Bakit Kayo Tambay?

  1. duking October 16, 2010 at 4:30 pm

    1.tumatambay ang tambay upang maging ganap na tambay.

    2. mayaman ang tambay,hindi mahirap.dahil hindi sila sumu sweldo pero payosi-yosi ,pagala-gala at painom inom pa rin naman.

    3.kaliwa,although this left feels right.isa pa,parehong kaliwa ang paa ko.

    hahaha!

    • Ka Loren October 20, 2010 at 3:24 am

      salamat po Ka Duking sa pagsagot, he he he… oo, nga mayaman ang mga tambay, ala silang prob sa mga gastusin, sige lang sila sa pag-inum. kaliwa ba? o, talaga lang na nangangaliwa po kayo? (joke)

  2. mikkimao October 17, 2010 at 10:39 am

    Sagot sa mga dagdag gawain:

    1. Tumatambay ang isang tambay para may tumambay sa isang tambayan.

    2. Marami ang tumatambay at hindi lahat ng tambay ay mahirap. Lagi kaming tumatambay ng mga katambayan kong dugong bughaw sa Tambayan Mall.

    3. Siguro ako pa lang ang sasagot sa tanong noon. Depende kung alin ang uunahin kong isusuot na sapatos. Kung kanan o kaliwa. Depende kung biglaan ang lakad at kailangan eh nakasapatos. Depende kung anong klaseng sapatos, tennis shoes, driving shoes, basketball shoes, bowling shoes, golf shoes, football shoes o school shoes. Pero madalas nakayapak lang ako. :))

  3. Sphere October 17, 2010 at 11:39 am

    1. May alam ba kayong dahilan bakit nagtatambay ang isang tambay? Ilahad sa komento. ( katamaran siguro basta ayaw ko ng tambay! )

    2. Mahirap lang ba ang nagtatambay? ang pagtulog ba at pagtunganga ay masasabing pagtambay din? kung oo ang sagot mo hindi sya mahirap)

    3. Walang sumagot sa tanong noon. Anong paa ang una mong isinusuot sa sapatos? Kaliwa o kanan? Bakit? (hmmm kanan paa)

    • Ka Loren October 20, 2010 at 3:27 am

      ka sphere, ‘kala ko mahirap lang talaga, kasi ang mga nakikita kong mga katambayan e, sa kanto… siguro, gagala rin ako sa mga class na tambayan tulad ng sa mall… he he he…salamat po.

  4. Daniel P. Yuson Jr October 17, 2010 at 12:36 pm

    @ Ka Loren..!
    maraming dahilan kung bakit tumatambay ang tao..!
    ako..,
    naranasan ko ring tumambay..!
    anim na buwan akong hindi nag trabaho..!
    kalusugan ang aking dahilan..!
    mahirap tumambay..!
    walang kita..!
    walang pera..!
    walang miski ano..!
    kaliwa ang una kong isusuot..!😉

    • Ka Loren October 20, 2010 at 4:57 am

      ‘sensya po Sir Daniel, di ko nasagot agad komento nyo😀 tumatambay pa kasi si juan dito e, panay a ihip nya…kung minsan napapa isip ako kung ala ba talagang magawa ang mga tambay na tuladko…nakakainip din ang walang ginagawa…walang pera kung minsan nababansagang walang kuwenta he he he…

  5. essapajarillo October 17, 2010 at 2:16 pm

    1. May alam ba kayong dahilan bakit nagtatambay ang isang tambay? Ilahad sa komento.
    – Dahil malungkot sila kung ansa loob lang sila ng bahay.

    2. Mahirap lang ba ang nagtatambay?
    – Oo. Kase araw-araw kang pinuputakte ng mga taong tingin sayo eh wala kang kwenta.

    3. Walang sumagot sa tanong noon. Anong paa ang una mong isinusuot sa sapatos? Kaliwa o kanan? Bakit?
    – Kanan. KAse righty ako, hahahaha

  6. ROSE October 17, 2010 at 2:37 pm

    sobrang hirap mo kaya ang tumambay.. nkakabagot at wlang money parati..hehehhe. slamat nga pla sa pagbisita ng blog ko..
    sa kanan…

  7. Pingback: Buhay Tambay « Kwentong Makulit, Parang Ulay Sa Puwet

  8. busyok October 20, 2010 at 12:29 am

    ka loren ako tambay kapag walang magawang iba.
    maiba tayo, kumusta naman jan sa inyo? nagkita ba kayo ni juan?hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: