Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Ay, Baliw Ako!


Maalalako lang ang isang karanasanko noong ako’y hayskul. Dahil sa kabobohanko, hayun, dakilang basurero ang bagsak…mai-syer nga ng may maiposte…(huwag basagin ang monitor, wala ‘tong silbi)

******

Ay, baliw ako! Pwe! (Pahiyaw)

Napakamot ako sa aking batok at ang kaliwa kong kamay ay ipinasok ko sa maluwang-luwang kong pantalon (pantalon ata ng tatayko yun noon e) at ipinadausdosko hanggang sa pisngi ng aking puwit. Kinamot ko rin. Pagkatapos, ipinunasko ang aking braso sa ilong ko nang namamasa ng butil-mongong pawis.

Dumabog ako (Bog!). Ngumisi ng isang ngising aso.

Pumipito na akong umupo.

Puno ng halaklak at hiyaw ang klasrum. May mga tumatalon akong kaklase at bigla-biglang sinusuntok ang kanilang upuan. Gumulo ang kanina’y seryosong klasrum na parang lamayan ang dating.

May tumakbong sumapak sa aking ulo. Aruy!!! Binato ako ng mga ginusot nilang papel at may dumura pa sa sahig. Yak!

Wow! Sarap, tsong!

‘yan ang tunay na banat…may aksyon pa!

Tira!

Isa pa! Isa pa.

(Ano ako ulol?! Bakit, parang jalibi!)

Ito ang maganda. Natulala. Napanganga at napatukod na lang si Ma’am Ada sa kaniyang lamisa. Ninerbyos ako tuloy. Akalako noon, tuluyan na itong matigok. (May hika ang gabutiking guro). Napupulbos na ang nakaipit na tsok sa kaniyang daliri!

Ano pa’t hiniling ba naman niyang bigyan ko daw ng isang poetic verse ang araw-araw na ginawa ng Diyos sa buhayko. Para malagyan daw ng kunting kulay. (Ano, coloring book ang buhayko? Never!)

E, di binanatanko! Kung bakit ba bigla na lang pumasok sa kukutiko ang aking mahal na ina?

Kaninang umaga bago pa ako makapagmumog (tinanghali ako kunti ng gising), nakitako siyang nakasakmal ng upos ng kaniyang mahiwagang La Campana. Kumakamot sa leeg. (Namanako sa palagayko ang manirisem na kakamutkamot) Bumubulong na parang magtatawas. Liningon ang aking ama na kandong na naman ang mga mabibigat na palad habang mariin niyang tinititigan ang anemic na kape.

Ay, buhay…Nababaliw na ako! ‘yan ang sabi niya. At, umindayog pa ang upos ng La Campana sa kaniyang nguso.

Anak ng peste, sabimo! Sumbat ng amako sabay ihip sa usok ng anemic na kape. Pinulot niya ang tasa at parang brandy nitong timikman. Umiling sa labnaw ng mainit na tubig, na kung tawagin ay kape na!

Hoy, Mr. Lorenzana, ‘di komedi ang sinabi ko! Lagyanmo ng poetic verses ang ordinariyong araw sa buhaymo, ang parang naipit na butiking hiyaw ni Ma’am Ada. (Nakarinig na ba kayo ng butiking humiyaw?). Tumitig sa akin na sa feelingko, e, masarap akong kilawin na parang bagong huling tuna fish. Tinitiganko rin ng isang matulis na Sai at sa palagayko sapul ang naghihingalong baga niya. Yumuko rin ako kalaunan at pinatunogko na lang ang mga daliriko.

Kung alam mo lang sana! Protesta ng loobko.

Kumalam pa ang aking sikmura. Mahapdi. Kapeng anemic lang ang laman nito. Paano, e, panay ng buntunghininga ng inako. Pumunta na nga sa sulok ang aking mga kapatid na nag-aagawan ng tumigas nang pandesal na tira-tira mula sa almusal namin kahapon.

Mayroon sana rin kaming pambili ng kahit nudels lang pero nag-sitdown ang mga tauhan ng microfinance sa aming bahay hanggang alas-nuwebe ng gabi.  Sitdown ang tawag nila sa kanilang paniningil sa mga kasaping nahihirapan ng magbayad sa nahiram. Lingguhan ang bayad at walang puwang ang pagpalya. Kailangang bayaran ng aking ina kundi si Ante Mameng ang sisingilin. Mawawalan din ng almusal ang kaniyang mga anak.

Noong una, okey pa naman ang bayad ni inang. Walang palya. Unti-unting naubos ang puhunan ng kaniyang pagtitinda ng mga gulay at kalaunan, wala na siyang maibayad. E, paano naman, iisa ang bulsa ng negosyo at ng bahay. Nahugot ang puhunang nahiram at pinambili ng pagkain.

Ibigayko na, Lakay, para pautangin pa rin nila ako sa susunod… Nagmamakaawa ang aking ina sa magaling kong ama. At, ibinayad nga ang pambili sana namin ng noodles.

Sino pa sa inyo ang makapagbibigay ng isa pang ‘verse’? Si Ma’am na naman.

Walang umimik. Lahat busy sa pagbasa kung anong mga nakasulat sa notbuk nila. O, kaya, tinititigan lang. Ewanko kung nagbabasa talaga ang mga mokong. Ang siguradong alamko, nagrerebolusyon na ang sikmurako!

Riiinnnnnggg!!!!

Hay, tapos na rin ang kalbaryo kong nakikinig sa slang na English ni Madam hikain. Ugali kasi nitong si Ma’am Ada na basahan kami ng mga poetic verses na hango sa kaniyang mga old english books. Dinampot ni Ma’am ang mga aklat niyang namumula na ang mga pahina dahil sa kalumaan. Dumabog sa platform at diretso sa pintuan. Naging parang tambol tuloy ang tunog ng kaniyang sapatos na nahalukay niya siguro sa mga ukay-ukay.

Dito sa amin, maraming ukay-ukay. Mga Relief Goods na ibinibinta. E, ano? Magagara pa naman! At, mura. Ewanko nga lang kung patayna ang nagmamay-ari noon o di kaya saksakan ng power ang kaniyang kili-kili. Pero, imported from Hongkong naman. O, laban kayo?

Ha! Sana, Liwayway na lang ang mga libro namin. Andami namang magagaling na writers na Pilipino, a.

Ayoska, bok! May tumapis na naman sa aking ulo.

Sikatka na naman kay madam. Di biro ang linyang: Ay, Baliw ako! Kalabit naman ng isa pang mokong.

Ang gara ng banatmo, pre!

At, humalaklak na naman ng aking mga kaklase!

Kung bakit kasi para ring makina  ng hotdogs ang utakko kung ganitong gutom ako? Maalalako.

At di ko na namang mapigilan na maalala ang guroko noon sa History. A, mali. Araling Panlipunan, pala.

Sinu-sino ang mga bundok sa Pilipinas?

Hayun, ganyan noon ang banat!

E, di sinagotko!

Si Apo, si Pulag, si Makiling at si Arayat!

Mayroon pa Ma’am. Si Kanlaon, si Bulosan at si Sablan! Idinagdagko pa.

Oops! Natulala pa ako. Bakit ko ba naman isinali ang Sablan? A, basta, bundok din ‘yon sa baba ng Baguio.

Ba’t mo naman ginawang parang mga tao ang mga bundok, barok? Si Madam Miling noon.

Kuuu! Sinu-sino ang mga bundok ang sabi ninyo kasi madam! Hiyaw ng mga kaklaseko.

Oo nga ano? Bulongko sa sariliko at napakamot na naman ako sa batok.

Hinaplos rin ni guro Miling ang kaniyang mamamasa-masang kili-kili na bakat na bakat sa kaniyang blusa. Tapos, sinabunotan niya ang sarili niya at bigla, itinaas ang muntik nang mahulog na ante-ojos.

E, ‘yung mga anyong lupa? Maliban sa bundok. Si Ma’am na naman.

Ma’am, tikbalang, tiyanak at mga duwende. Pilosopo’t pabalang na sagot noon ng aking mga mokong na kaklase.

Nilingonko si Ma’am Miling at saktong nanliit ang kaniyang mga mata. Tumatama sa akin ang tingin niya!

Ba’t pa kasi kailangan pang tanungin kung anu-ano ang mga bundok sa Pilipinas? Kung ano ang mga anyong lupa?

Andami naman kasing puwedeng ituro, e, mga ‘yan pa ang pinagkakadisketahan? Nandiyan ang Alamat ni Lam-ang. Yung bakat ng yapak ni Angalo sa Ilokos. Yung kuwento sa Tirad Pass kung saan namatay si Heneral Goyo.

O, di kaya, sabihin na lang na: Mga bata, paglaki nyo, malulublob din kayo sa utang! Maniwala pa ako… at ‘yan ang totoo.

Ito ang masaya. Ipinagmamalaki pa niya na siya daw ay lahing castila. Kesyo, castila daw ang lolo ng lolo ng lolo niya. Isa daw itong lolo ng lolo ng lolo niya na sumupil sa mga nag-alborotong mga ilokano dahil ipinagbawal sa kanila ang pag-inom ng basi. ‘yan tuloy nagkaroon ng basi revolt. Sana, pinag-aralan na lang namin kung may iba pang rebolusyon na ang sanhi ay ang pag-inom ng alak.

Parang ipinagmamalaki niya na isa ang kaniyang ninuno ang nagmasaker sa mga Ilokanong nag-alburoto dahil hindi makainom ng basi.

Anak ng… Ipangalandakanko sana na ang mga castilang itinapon sa Pilipinas ay ang mga kriminal sa Espanya. Imbes na problemahin sa bansa nila, e, di itinapon na lang sa De Las Islas Filipinas. Noon, hari sila sa ‘pinas! Doon sa Spain, mga patapon. Hay, ang sarap sanang ipamukha sa kaniya!

Ha! Andami pa atang castila na an-lalaki ang mga bayag na dahil sa laki, e, nagawang magsuot ng sotana? At, ang rason, e, dapat binyagan ang mga nakabahag lang na pinoy!

Naku, madam! Dihins na…

Hay, naku. Nabasako lang ito sa Noli na ipinagbabawal sa catholic school.

Buwisit! Ay, caramba! Palanggana! Kalabasa!

Alam kaya ito ni Madam?

Hay, ang buhay nga naman nakakabaliw!

Kung ganito lang ang naiisipko, sa mental ang kalalagyanko!

Gutom na ako. Gutom?

Tapyas pa rin ang buhokko! E, ano kung wala sa ayos? Ba’t pa kasi kailangan guntingin pa ng ‘nimal na CAT officer?!

E, sa wala na nga akong pambili ng lollipop? Tapos, problemahin pa nila ang tabas ng aking gupit? Buwisit!

Ano ako PMAer na parang buhok lang ng sisiw sa balot ang maiiwan sa tuktok?

Ang haba ng buhok ni Axle Rose, sikat naman. Si Bon Jovi? Si Einstein? Si Beethoven? Si Jesus? Di ba ang hahaba ng buhok nila? E,lahat sila sikat?

E, ako? ‘di sikat, kaya’t pinagkakadiskitahan? No way!

E, sa wala nga akong pampagupit, e?

Ha! Kahit tres na! Basta ‘di pakiaalaman ang buhokko!

Cheating, class, lessens your personality…Honesty is the best policy! Parang kulog na umalingawngaw! Ne! Values Education na pala ang subject namin?

Nakatulog ba ako? O, nahilo lang kaya sa gutom?

Ha! Kung nakakabusog sana ang personality? Ang honesty, e, di busog na sana ako.[ Arrrb!] Hindi naman ako artista at kailanganko ang  personality. At, di naman ako congressman para malaman ang policy.

Ne, sandali…

Hindi ba’t mga guro ang nangunguna sa eleksyon? Di ba sabi nila bawal magcheat? Shit!

E, ba’t tuwing may matatalong kandidato, e, nadaya ako! Yan ang sabi?

Asan ang honesty?

Gutom na ako!

Lalabas na ako!

Punyetang values ‘yan…

Alas dose na.

May samba kaya?

Ha, sana mayr’ong samba.

Gutom na ako!

Mapagdiskitahan nga  ang ostiya…

Oppps! Sandali! Puwede atang magsumbong kay Hesus… O, kay Santa Maria? O, kay San Camilo na patron ng mga mahihirap? Aysus! Pipikit na ako!

Di ba’t napako sa krus si Hesus na walang kasaplot-saplot? E, ba’t may tapis na ginto? At may korona pang gintong tinik? Asus! Sobra na ang gutomko!

Si Maria? Di ba’t asawa lang ng hamak na karpentero? Ba’t kumikislap ang kaniyang suot na terno?!

Wala na! Dinadaya na ako ng aking paningin.

Gutom lang ‘to…

Isusulatko sana na…na dito sa Ilokos, e, talamak pa ang hueteng. Na kahit tatlong beses pa ang bola, iisa lang naman ang nananalo. Ang bangka!

Ha! Sa daming nagsusumamo kay Hesus o sa presidente… ala ata akong mapagdaingan!

Ano kaya’t isulatko na lang sa pader na ako’y gutom?!

Ala na ring espasyo… The Future is in your Hand… Makibaka!

Puno na ang pader. Sa CR, puno na rin, shit!

Shit!Shit!Shit!

Sandali! Gutom na ako…

Magbigti na lang ako! Pero…sandali.

Iihi muna ako!

Hu! Dayo…dayo…haaaaaaaa!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: