Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

May Botante Po Ba Kayo D’yan?


Dito sa ‘pinas kung mahal at perlas ng silangan, sa lunes Oktobre 25, botohan sa barangay. Opo, sa barangay na Barangay Ginebra.

At, wala man akong ebidensya (factual), alam kong may mga taong handang ipagpalit ang kinabukasan ng anak sa isang boteng GSM Blue o kay problemadong si Ninoy. Mahal na ngayon lahat na bilihin, pati boto tumaas na rin ang presyo!

Malamang sasabihin ninyong hindiko kayo naiintindihan, na elitista ang aking pananaw! Oo, hindiko kayo naiintidihan kung bakit ninyo ipinagbibili ang karapatan ninyong mamiling malaya sa gusto ninyong lider. Hindi! Hindi ako elitista kasi hamak lang akong basurerong nanghahalungkat sa mga basura ninyong itinatapon na walang pakundangan.

Isa ito sa mga basura ninyong kasuklam-suklam!

Isang araw nga sa kooperatiba namin, may nagwithdraw ng pera. Tinanongko: Ba’t po puro barya, 50 o 20 ang gusto ninyong pera?

Gagamitinko sa eleksyon. Pangangampanyako!

Kung botante ako sa barangay n’yon, ‘di ko iboboto. Bawal na empluwensiyahan ang pagpili ng iboboto, ayun sa saligang batas, ata. At ang putris na ito, na gustong maging tserman, e, sasalungat sa saligang batas ng mahal kong ‘pinas! Paano niya ipapatupad ang simpleng ordinansa na Anti-Littering? Nabasa na niya kaya at naintindihan ang Local Government Code? O, yung Philippine Constitution? Kapag pinabigkasko kaya sa kaniya ang Preamble, alam niya?

Ganyan na ba kababa ang pagtingin ninyo sa amin? Ha?

Pera lang ba ang katapat ang kinabukasan ng aming mga anak?

Sa isang kantong tambayanko nga, parang magbobote ang mga damuhong kandidato. Kahit sa pinakamalayong bahay, inaabot upang makipagkamay lang.

Pagkatapos kaya ng eleksyon, kakamayan pa ba ako habang nanghahalungkat ng basura sa dram? Tatapikin pa kaya si Mang Kadio na bulag sa bungaran ng simbahan? Papansinin pa ba nila si Manang Celia na labandera sa ibayo? Mamimigay pa kaya sila ng noodles? Magpapainum pa kaya ng GSM Blue?

Malamang oo. Kadalasan, hindi na! Kasi, mga honorable na sila pagkatapos manalo sa halalan.

Minsan, habang ako’y nagtutulak ng kariton, ganito ang eksena:

Kandidato: May botante po ba kayo d’yan?

Maybahay: Mayro’n po…

Kanditato: Ilan?

Maybahay: Lima po.

Kandidato: Eto po manang…pang merienda. (Sabay bigay ang polietos)

Napakamot ako. Ano ba ang meron sa polietos? Discount card?

Naintriga ako. Manang,magkano?

Manang: Isang libu…

Ba’t n’yo kinuha?

‘bigay, e.

Hay! Sabi ko nga lagi:

We are democratizing our Poverty!


Dagdag Gawain:

1. Alam n’yo ba kung saan ang puntod ni Andres Bonifacio?

2. Kapag pinunit ba lahat ng Pilipino ang kanilang cedula, magkakarebolusyon?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: