Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Ayawko na sa FB!


Ito ay emailko kay G. Pilosopong Tacio. Tignanko lang kung sasagutin niya. Di na ata makakonek ang lappy niya sa libreng wi-free, ooppps…wifi pala.

***

Kuya Tacio,

Syet, nahihiya ako…(pumupunas sa kilikili)

Ayawko na sana ang FB, pero pilit pa rin akong ni-rerequest na kami’y maging friends ng mga di ko naman dating friends…napupuno na nga ang inbox sa na hacked na email add ko e…ang mga iba, e, mga ‘di nagpakopya sa akin noong hayskul kaya ako’y bumagsak sa values, tapos, ngayon, ipapakita nila lahat pati niluluto nilang talong.

ang mga iba naman, parang drama sa radyo na may paetsing pa na ganito: sasapukinko kaya ng ganito…um! blag!bog! sabay greet sa akin ng happy weekends…syaking.

ang mga iba naman, dahil nakita nilang birthdayko sa gilid ng FB dahil January 1 ang nalagayko na kaarawan noong tanga pa akong nag-signed up, e, kung totoong friends ko sila ba’t di nila alam na ang birthdayko ay February 29?

At mga mafiako, lagi na lang nagpapatulong…help! ‘yan ang sigaw (shout) nila sa sa kanilang pader (wall). ba’t nga ba sigaw pa ang gamitin sa pader? ipinta na lang kaya nila o idikit ang mga inilalagay nila. paano ko ba sasabihin na ako’y nabibingi na sa mga shouts na ‘yan?

At, saka, ayaw ko lang silang i-block, basta, gustoko, ayawko silang kaibigan, hay friends ba naman ang turing, e, ne pandesal na ipasubi sana sa aking kariton, e, wala! Pa’no ko ba sasabihin sa kanila na di kami friends?

Gone offline na ako, may pa PM PM pa sila…i-deletko na sana ang accountko e, itong si misisko naman, andaming friends tapos namalayan ko isang madaling araw, nakikichat sa FB gamit ang laptopko. Basaginko na ba ang laptopko? OK lang ba na silipinko rin ang mga friends niya?

ano ba ang pampaalis sa naaadik ko ng isip upang malilimutan nang lubusan ‘yang FB na yan?

Paano ko ba sasabihin na huwag pakiaalaman ang aking sakahan? dinidiligan ba naman na walang pasabi. Tres Pasing na sila. isigawko rin ba? o, iposteko na lang?

buwisit din ako sa kalabaw na maangas at pati pepsi pinagkadiskitahan…alaga mo ata, yun? pakitali naman plis. nagagasgas ang paderko sa kaniyang sungay? (joke)

ano ba ang dapat kong inumin para mawala ang pagka-adikko sa FB? kapeng nescafe? kapeng great taste, barako? o blend forte rice na galing sa philrice? ano ang ihahaloko? muscovados?

sana sagutin mo din sa isang postmo ang mga tanongko para may maiblog ka na rin…

sumasainyo,

basurerongpinoy

 

8 responses to “Ayawko na sa FB!

  1. Pong October 23, 2010 at 7:12 am

    ako din nung maipost ko yung Perfect Picture ko sa PEBA dahil kwentong FB ito ay medyo nahilig na din akong magFB, nakapag uplaod na din ako ng pics hehehe

    ayus lang naman ang FB sir basta drink moderately lang hihihi

    be blessed sir

    ako pwede mo bang i-add? pong_lc@yahoo.com
    sana pwede? para makita ko ang nagtutulak ng kariton dito. =)

  2. mimi November 10, 2010 at 3:58 am

    anu ba yan? ba’t ayaw mo nang mag-fb?
    kakatuwa kaya…
    part na kasi ng trabaho ko mag-fb!
    parang kape ang epek sakin-nawawala ang antok ko!

    ang saya makialam sa buhay ng iba eh, (mahilig mag-comment)
    natatawa naman akong yung iba- feeling celeb kasi lahat ng nangyayari sa layf nila, pinopost! kahit yung simpleng “excited ako!”

    masasanay ka rin!

    • Ka Loren November 10, 2010 at 4:31 am

      nyak! parang kape talaga ha, mimi?

      ang isang bwusit dyan, e, di pwedeng magdislike kung hindi na like…e, sa ayawko nga e he he…

      social network daw, e…ewanko lang pero hindi ko pa rin ma-off FB accountko ha ha ha…pangmarketing lang…opppsss…diko pa pala na-add ang bahaymo…teka…

  3. mimi November 15, 2010 at 8:12 am

    nga pala…nag-iba na kasi yung pangalan ng virtual paper ko…
    http://kuris-kurisnimimi.blogspot.com/

    baka kasi hanapin mo at di makita! :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: