Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Sorry, Rusty Lopez!


Mainit ang uloko! Biruin n’yo naman panay ang teks ng misisko kung nasa’n na ako.

“‘asanka na? Kaninaka pa nakasakay, a.” Yan! Iyan ang kaniyang pangalawang teks.

At, ito naman ang kanina: “Nakasakayka na?”

Of crse… sinagotko kaagad ang txt n’ya baka tatawag na naman, e, ako naman ang tagabayad ng bill n’ya.

Ha! Kumander na nga lang ang itatawagko sa misisko. Pati kuntador ng kuryente, nakapangalan sa kaniya. Ang bahay, sa pangalan n’ya. Ang kotse, sa kaniya!

Pero..

Lahat na utang sa akin! Pumirma lang siya sa Spouse Consent, ngiting aso na siya.

Oooppps…tamana. Baka mabasa ito. Maa-outside de kulambo na naman ako. Uso pa naman ang dengue fever sa ngayon. Laging online, ‘yon.

Bumili ba naman ng laptop at smartbro tapos uutosan n’ya akong humanap ng libreng wifi o proxy server. Nyaks!

Ito ang masaklap, dahil kumanderko nga siya. Nakakita ako ng sayt na may bayad din buwan-buwan ngunit kung malakas ang signal ng broadband, wantosawa kang nakaonline kahit walang load ang smartmo o tattoomo.

At dalawang besesko na siyang nahuli na nakikipagchat tuwing madaling araw. Naku, grrr!

Balikan natin ang init ng uloko…

Kabababako lang kung tutuusin sa Partas, may txt na naman: ‘sankana?

d2 n me.

‘nimal! Dahil sa katiteksko sa tabi ng haywey, nasabuyan pa ako ng masansang tubig na pinadaanan ng isang drayber ng trak na singbigat ng mundo ang pag-apak sa selenyador.

“Mabangga ka na sana…” Pinahabulanko ng singbilis ng kidlat na tingin at dahil sa tindi ng titigko, ewanko lang kung di maflat ang gulong ng trak.

mulan b jan?

Syet! Ipinunasko na lang ang manggas ng poloko sa mukha kong sinapak ng tubig na nangangamoy goma.

bsana me.

800 metro lang ang layo niya sa akin, tatanungin ba naman kung umuulan? Ay, lestsi, late na pala ang txt…

Ito ang nakukuhako sa japeks na selpon. Pati txt nalileyt na rin. Puwede bang txtsan ang txt kung nasan na?

Dagli-dagling kinapa ng sapatosko ang madilim na ring iskinita.

“Daan ka muna, pre…” Niyayaya pa ako ng mga kaibiganko sa kanto pero parang di ko na rin narinig. Kuwentado ni kumander kung ilang minuto ang bubunuinko sa iskinitang ito.

“Kaplas! Malas talaga, tsong.”

Lumubog ang mahal kong sapatos sa nagtutubig na parte ng kalye. Ito ang matagal nang ipinangako ng mga politiko na ipapaayos. Puputi na ang buhokko, di pa nasimulan.

Basa na ang sapatos kong Rusty, ‘ninana!

Sumisigaw na naman ang japeks na selpon: antgl mo nman?!

Pipindutinko na sana ang send, e, tumunog na naman.

2log na bta…ba’t wla k na

Ha! 10 pm na!

Syete…alam kong gabina.

Meron na naman.

nkligo na q blisanmo, mis q n ikw

Aysus, ano pa, e, di sing bilis ng last trip na biniyahe ko ang natitira pang distansiya.

Sorry ka, Rusty Lopez!

4 responses to “Sorry, Rusty Lopez!

  1. Pong October 24, 2010 at 1:36 pm

    wahhhhhhhhhhhhhhhhhhh
    yun o hindi naman pala outside de kulambo sir hihihihi
    okay lang yan mapapalitan naman ang rusty na yan

  2. Rose October 24, 2010 at 1:57 pm

    hahahha… ok lng khit nabasa si rusty.. at lest hnd ka outside the julambo…hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: