Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Alay Kay Ka Villa


Reblog lang ito…kaya’t pagtiyagan n’yo na po…

****

“…when the beautiful were in the contradictions we saw, in the conflicted lives we lived, in the poems of radicalism we wrote, and when salvaging was common in the hills of that seminary you studied, remember. The guns fired against the helpless would signal the crack of dawn, and would crack the dark silence of the hills” (parte ng komento noon sa tulang ito)

-Dr. Aurelio S. Agcaoili

****

Noon, may mga professor ako na ang tawagko sa kanila ay Agca at Villa. Sa kanila rin galing ang bansag kong Loren, he he he…

Itong tula  na ito ay alayko sa isang guro na humubog sa aking pananaw at pagkatao. Na mula ng siya’y lumisan sa silid-aralan namin, ‘di ko na rin nakita magpahanggang ngayon…

At sa palagayko, makabuluhan pa rin hanggang sa kasalukyan…

Alay kay Ka Villa

(isang seminarista, guro, aktivista, 1992)

ang pagkaputol ng iyong pakikibaka
ay isang simula rin;
isang tuldok sa pagtatapos
ng ilang berso at simula
ng talata ng mas mahaba at matagal pang
pagpipinta sa tula ng buhay
sa silid-aralan na buhay–
aralin na naisilid
sa pangako ng mga limot na mga santo.

Ang pagtatapos ay pagsisimula rin.

Ang paghinto ay isang hakbang
sa mas malawakang paglalakbay
ng ating panaginip,
ang ating dahilan,
ang dahilan ng bayan,
ang dahilan ng lahat.

Ang iyong paghinto ay isang tulak
sa ating pagsulong
na pinapainit ng mga pihit
at hakbang ng panahon.

Di ba buhay ay ganyan?
Ba’t ka nagmumura?
Shit! ay alay sa bayan.

26 Set 1992

4 responses to “Alay Kay Ka Villa

  1. Sphere October 26, 2010 at 12:06 pm

    Ang pagtatapos ay pagsisimula rin.isang nakagandang part ng tula.:-)

    kamusta ka po?

    • Ka Loren October 26, 2010 at 12:54 pm

      ok lang po ka sphere…malapit na ang kaarawanmo, wala po ata akong maiposte na gift a…pero may naka-sched na akong post sa oct 29, malungkot nga lang…

      happy birthday na lang…😀

  2. pilosopobasyo October 27, 2010 at 1:20 pm

    ang ganda nga ng tula mo katoto. agree ako kay sphere. ang pagtatapos ay talagang laging pagsisimula muli. at malungkot man sa karaniwan ang pagtatapos, magiging malungkot lalo siguro kung hindi tayo maaari o marunong magsimula muli.

    cheers!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: