Multo? Ano ‘yon?


Tuwing palapit ang araw ng undas, maraming nagsusulputang mga kuwento ng kababalaghan, totoo man o hindi, basta maraming kuwentong lumalabas.

Multo daw

Hindi lang mga kuwento, may kasama pang larawan o video.

 

At tulad ng mga kuwentong ito, minsan pinapansin. Minsan din, dedma lang.

Ano ba ang nasa likod ng mga kuwentong ito?

Hindi ako paranormal para gawinko itong parang normal, he he he. Naguguluhan lang ako kung bakit may mga karanasang abnormal at nagsusulputan lang ito kung papalapit ang undas.

Noong bata pa ako, isa sa pinakahihintay kong parte ng isang araw ay ang drama sa radyo na: Mga Kuwento ni Uncle Pete. Of course, ilokano ang mga kuwento. Ngunit, hindi ito mga kababalaghan kundi mga kuwentong pambata.

Kasunod nito ay ang mga oras na ginugugugolko (hindi google, he he) sa tabi ng aking Lolo Sixto. Hindi kuwentong multo, ngunit kuwentong agimat naman.

Nakakarinig lang naman ako ng mga kuwentong multo kung kami’y ginagabi sa aming paglalaro. O, di kaya’y hindi kami noon mapapatulog at papatayin ang petromax tapos sisindi ng gasera (hindi pa noon umabot ang Barangay Electrification Program ng gobyern sa aming baryo).

Sa mga oras na ‘yon, lalabas ang mga tikbalang, kapre, aswang, tiyanak, nuno sa punso at halos lahat na lamang lupa. Dahil, bata pa ako noon, lahat sa akin ay totoo.

Sasamahan pa nito ng mga imahinasyon kong nalulong sa komiks ni Carlo Caparas, planet op de eps, tikya at kenkoy, e, di tatalukbong na lang ako noon kahit nagpapawis ako hanggang singit.

E, ang kuwentong multo ng mga patay?

Hayan, lalabas tuwing may namatay o malapit sa Piesta ng mga Patay. Na si ganito, sumanib siya kay ganito. Na si aling ____ nasalubong sa daan kaninang dapit-hapon habang umaambon.

O, kaya, dahil sa natakotka kung sa anu-ano, hayan gagawa ka na lang ng kuwentong multo.

Tulad ng nangyari sa akin noong nagbakasyon ako galing kolehiyo. Hating gabi ako umuwi at ala na akong masakyan (nabibilang pa noon ang tricycle sa amin) at nilakadko ang mahigit 3.5 km na layo ng haywey sa bahay namin. Mag-isa lang ako noon at masukal ang gilid ng barangay road. Walang street light. Walang katao-tao. Bilog pa naman ang buwan.

Mula sa haywey, lalampasanko ang sementeryo. Wala ring mga bahay. Kung bibilanginko nga ang bahay noon e, mga lima lang na bahay bago ang aming bahay. ‘yan ang setting.

At, dahil sa mga kuwentong multo na natatak sa utakko at binigyan pa ng powers ng mga komiks at ang palabas na ‘mula sa balitataw’ at ng ‘shake, rattle and roll’, nanginig ang aking apdo sa takot.

Ano pa, e, kumaripas ako ng takbo. Buwisit lang kasi kinabukasan, may kuwento sa kantong tambayan namin na ibinahagko daw ang buntotko kagabi. Para makalusot, gumawa ako ng kuwentong multo. :D

Syet! Sumang-ayon naman ang mga nakarinig. Sabi nila: totoo ‘yan, dahil doon.., doon.., doon… Ha! Andaming kuwentong lumabas mula sa scripted kong kuwentong multo.

Naniniwala naman ako sa tinatawag na Third Element pero kung lalapatan ng takot ang mga metaphysical na elemento, diyan na ako umaayaw.

Bakit kung magpapakita ngayon ang nanayko, yung bang tamang naagnas na siya? Hindi! Kung magpapakita nga siya, alam ko na iyong kanais-nais ang hitsura niya dahil ayaw niya akong matakot sa kaniya.

Sabihin na nating ang mga ibang kaluluwa ang magpapakita sa akin at hihingi ng tulong, ano ang lohika na magpapakita siya sa akin na gutay-gutay ang damit kung magpapatulong sana siya para mabigyan ng hustisya. (Tamang pocketbook ang tema…ha ha). Kung nanakot siya, sino ang tutulong?

E, kung tanungin niyo ako kung ano ang mga puting sumusulpot sa paningin ninyo sa mga madilim na lugar na may kuwentong kababalaghan na? Hindi ko alam.  Ang alamko lang ay ang dilim ay kawalan ng liwanag at sa dilim madaling mapansin ang liwanag.

Lahat na kuwentong multo sa dilim ay maliwanag o maputi. Wala pa akong narinig o nabasa na kuwentong multo sa dilim na ang nakita’y madilim rin he he he. At, kung maliwanag naman ay maitim ang multo, hay.

Ito ang sure: sa mga buhay ka lang matakot kasi sila ang may puwersa na pipinsala sa iyo.

Ano ngayon ang multo?

Totoo ba o kathang isip lamang?

Pssst! Ano ang nasa dakong paroon..bunga ng malikot na pag-iisip, likha ng balitataw o halaw sa isang gabi ng kababalaghan…di kayang ipaliwanag ngunit alam mong nagaganap…awooooooooooooooooo!

About these ads

15 Responses to Multo? Ano ‘yon?

  1. Rose says:

    korek… naalala ko rin yuloy nung kabataan ko dahil sa article….

    • Ka Loren says:

      ano yung korek, ate rose? :D

      nagtataka lang kasi ako kung bakit maraming kuwentong nakakatakot sa panahon ng undas… para bang iniuugnay natin ang ating mga patay nang mahal sa buhay sa mga kahindikhindik na mga bagay… at nagpapakita ito ng kawalan ng ating pananampalataya sa Diyos kung saan sinabi Niya na sa kaniyang kaharian manahan ang mga taong pinagpala…

      musta na po?

  2. Sphere says:

    hindi ako masyadong bilib sa multo diba ito yung galing sa patay? ahahaha lamang lupa pwede pa.

    • Ka Loren says:

      he he…lamang lupa? mga fungus, bacteria at virus, takot ako…pero kung kuwentong pang-wansapantaym, hindi…

      bilib ako sa mga taong gumagawa ng kuwentong multo–mabunga ang kanilang isip– sa multo, hindi po ako bilib…sana huwag akong multuhin ngayon… :D

  3. Pong says:

    di din ako naniniwala sa multo, pero madami akong nakikita, deceiving actually, madami ding instances na yung so called third eye ko ay open, hindi na mabilang kung ilan pero wala talagang multo hihihihi

    mga elementong sinasabi nila totoo yun, likha ni taning
    minsan nga maganda ang multo eh, likha din ni taning

    kidding aside, greater is the Lord than what’s in the world.

    be blessed po ka loren, salamat po sa add sa fb.

    • Ka Loren says:

      a, sa FB, oks lang ‘yun Sir…kaso, silipmo na doon kung sino si basurerong pinoy (peace) :D Salamat din sa iyo, kaibigan.

      Ayawko din sanang bigyan ng amoy ng ‘faith’ itong kuwentong multo pero sang-ayon ako sa iyo ngayon na gawa nga ni pareng taning ang mga ito… he he he…para karagdagan info ng aking pagkatao at kung saan ako nakatayo sa larangan ng pananampalataya, bisitahinmo ang blogko na Tales of the Hill at http://talesofthehill.blogspot.com

      wala lang updates doon…salamat ulit Sir and keep that Faith lagi

  4. mikkimao says:

    gabi ng lagim ‘yan parekoy! hehehe… ang multo malamang eh kalahating tunay kalahating kathang isip… bunga lang ‘yan ng malikot na imahinasyon at maitim na pagnanasa… :-D

    • Ka Loren says:

      may maitim na pagnanasa talaga ha, pareng mao..? :D

      ‘Gabi ng Lagim’ ba ang pamagat ng palabas sa TV noon? Pinoy Thriller? Late na ata yung Kakaba-kaba he he he… malamang totoo ang 1/4, kathang isip ang 1/4 at ang 1/2 ay mga dagdag na lang katulad sa tsismis awoooooooo ho ho….salamat sa pagbisita

  5. anata ga misu mariz-sama says:

    oh,i don’t want to believe in ghost but it does actually exist…i can say it coz na-experience q na…
    hahaaaaaiiii,auko na “SILANG” pansinin baka magparamdam ulit..hehe..di pa nmn kami friends..:)

    • Ka Loren says:

      ha ha…nadiyan sa likodmo Mariz, ang multo…may ulo, may paa, may FB account…ha ha…umaaligid sa iyo…ingat baka dakmain ka niya…tnx…

  6. jossa says:

    is this a kind of edited picture?? is this real??

  7. renard says:

    wlang kuwenta pngit d maintindihan bobo e.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: