Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Happy Birthday, Ma…


Sa langit ba may bumi-birthday rin?

May isang kaibigan na bi-birthday sa Ten Twenty Nine Ten. Nakakuwentuhanko lang siya sa blagospero. Humiling ng isang greetings! Sabiko, sige, gagawa po ako kahit na anong poste.

Tapos, biglang gumana ang utakko. Nakapulot na ako! Yehee!

Birthday rin pala ito ng nanayko. Ang mahal kong ina.

Ngayon pa lang, ipinapaalamko na. Malungot na birthday greetings ‘to.

****

Minsan sa buhayko, nakalimutanko rin na birthdayko. Bigla na lang ipinakita sa akin ang kalendaryo. Hayun! Gabi na nang malaman kong kaarawanko pala sa araw na ‘yon.

Dahil sa kasalatan namin sa buhay, ang kaarawan ay parang ordinaryong araw lang sa amin. Wala ang pansit. Walang nakakaibang kaganapan. Minsan, wala man lang mag-greet. Sanayan lang ‘yan.

Kaya, iniisipko ngayon kung ilang besesko bang hinalikan ang inako tuwing kaarawan niya? May naibigay na ba akong regalo sa kaniya? Sa senior citizen na niyang edad, malamang sobra pa ang daliri sa kanang kamayko kung bibilanginko ang halik ko sa kaniya tuwing siya’y bumibertdey. Hindi dahil sa hindiko mahal ang inako, kundi, ang kaarawan niya ay ginugugol sa gawain sa bukid, sa bahay, sa amin.

Ngayon ko lang natanto na siguro hinintay din niya ako na batiin siya noon…

Na regaluhanko din siya noon…

Na halikanko din siya noon…

Na ipaghandako rin siya noon…

Na samahanko din siyang magsamba…

Kaso, ‘di ko na siya matanong?

Last year, dahil 60 na siya. Nandoon kaming magkakapatid, kasama, of course ang mga mahal namin sa buhay. Masaya siya. Ganun sana siya kasaya kung ipinaghanda namin siya noon taon-taon.

Ito na lang po ang regalo namin sa inyo…

Dear Mama:

Greetings in Christ sana ang sasabihinko e, nandiyan ka sa piling ni Christ, di ba?

‘di ko na rin i-wish kong nasa mabuti kang kalagayan dahil nasa kaharian ka ni Lord.

Kung may internet diyan o  ano, sana basahinmo rin itong post na ito at pati na rin itong munting sulatko sa iyo.

Hindi ko po nakayanang bigyanka ng maginhawang buhay. Nahihiya tuloy ako po sa inyo. Hindi dahil gusto kong magbayad ng utang na loob dahil sa buong buhayko, di ko po mababayaran ang sakripisyo at pagmamahal n’yo po sa akin at ng aking mga kapatid kundi gusto ko rin sanang kayo ay makaranas man lang ng kunting ginhawa.

Alamko pong hindi n’yo hanap ang maginhawang buhay. Ako po ay naiinggit lamang po para sa inyo. Sana dahil mahigit 40 years ninyong ibinuhos ang sarili sa paggawa. Mahigit 30 years din ang ginugol ninyo para kami’y gabayan at itungo sa tamang landas.

Opo. Kayo po ang tumulong sa pagtulak ng kariton namin upang itawid ang aming sari-sariling buhay. At, napabayaan ninyo ang inyong sarili. Masaya po kayo kahit kinukutya na kayong ‘habang buhay na nagbubuhat ng bayong’ para kami’y mapagtapos lamang. Hindi n’yo rin ipinaskil ang mga diploma namin sa bahay dahil sa puso ninyo po nakamarka ang inyong tagumpay.

Kung hindi sana sa sobrang pagmamahal po ninyo sa amin, nandito po pa kayo sa piling namin. Hindi po ako seloso at nagseselos kay Christ, ngunit, parang unfair kung minsan ang buhay, di ba?

Alam kong naramdaman ninyo noon ang inyong sakit o karamdaman pero dahil ayaw po ninyong mag-alala po kami, tiniis ninyo ang inyong nararamdaman.

Paano pa namin ito susuklihan?

Kahit barya-barya man lang sanang pagmamahal ang maisukli namin. Ngayon, mga taimtim na lang na dasal (sa bawat pagtirik namin ng kandila upang umasang dalhin ng usok lahat ng aming pagsusumamo) ang aming nagagawa.

Kung, tatanungin n’yo po si Papa. Malungkot pa rin siya ngunit natuto na rin siyang mamuhay na nag-iisa na.

Ngayon, birthday mo, 61 years old ka na. Alam kong hindi ka na naman maghahanda. Sana ipaghanda ka rin ng mga anghel at kasalo ninyo d’yan si Kuya Anthony, si Apong Lakay at ni Uncle Ninoy.

Happy Birthday, MAMA. (ngiti naman d’yan, o.)

😀

Nagmamal ninyong anak,

 

Ka Loren

****

Ang aral na napulotko sa buhay ng aking ina ay “ang kaarawan ay araw ng pagbibigay buhay at pagmamahal sa mga mahal sa buhay na walang hinihintay na kapalit o regalo.”

Tuwing birthday ng aking Ina, ang buhay namin ang kaniyang isini-celebrate.

Sa kaibiganko na bi-birhtday rin ngayon October 29, HAPPY BIRTHDAY NA LANG…

8 responses to “Happy Birthday, Ma…

  1. Rose October 30, 2010 at 6:44 am

    ang isang ina ay laging handa magsakripisyo sa kanilang anak. pag nakikita ng isang ina na gumanda ang buhay ng anak isang mgandang regalo na yun para sa kanila ksi nakita na nila na may bunga ang mga sakripisyo nila pra sa knyang anak.

    • Ka Loren November 3, 2010 at 12:49 pm

      nagpapasalamat nga po ako sa aking ina sa buhyako ngayon…kahit salat man ang buhay namin, naitulak nila ang aming kariton.

      sensya na sa late na reply, nag-enjoy sa bakasyon e…

  2. Sphere October 30, 2010 at 12:42 pm

    MARAMING MARAMING SALAMAT KA LOREN SA PAGBATI.:-)

    Cguro astig si nanay mo nong nabubuhay pa noh! kasi sabi nila ang mga pinanganak daw ng 29 of October eh mga astig, mabait pero wag na wag mong gagaguhin kung hindi yari kang tunay ahahaha matiisin at mapagmahal.

    salamat ulit!

    • Ka Loren November 3, 2010 at 12:58 pm

      astig po noon ang nanayko, ewan ko lang kung dahil sa 29 he he…ngunit sabi ng iba kapag may 9, hirap daw ang buhay, maniwalaka kaya dyan?

      si nanay, di ko masabing hirap lang ang dinanas, kasi karaniwan na lang sa dukha nag naghihirap, di ba? salamat sa suporta at walang anuman kung ako’y nakabati sa iyo…kayo po ay isan ko ng kaibigan…sana nagkaroon kayo ng maluwalhating kapanganakan.,..

  3. WildCat October 31, 2010 at 9:33 am

    Sana binigyan mo nalang siya ng ninakaw mong bulaklak na mula sa bakod n’yo noon. Haha ^_^ joke lang.

    Normal lang naman sa ating mahihirap ang makalimutan ang sariling kaarawan. Ako rin maraming beses nang nakalimutan ang b-day ko. Tulad kasi ng nabanggit mo ni pansit wala.

    • Ka Loren November 3, 2010 at 1:07 pm

      ha ha ha…sana nga WC, kaso lang puro bulaklak ng kalabasa at kamote ang nga bulaklak sa bakuran namin, maliban sa makahiya he he…opps may mga kakawati pala…

      oo, normal sa atin na mahihirap pero sa iba hindi he he he(oopsss. dito pasaring ha, nagpakatotoo lang po ako) salamat kaibigan…

  4. Pong November 1, 2010 at 10:21 am

    hindi na ako babati ng birthday mo ka loren,
    nais ko lang pasalamatan ang aral na nakuha namin sa mama mo
    ang pagsisikap, pagsasakripisyo at pagmamahal ng isang ina
    at higit sa lahat ang pagpapahalaga sa mga magulang, lalo na sa mga may nanay at tatay pang pisikal dito sa lupa.

    be blessed po!

    • Ka Loren November 3, 2010 at 1:09 pm

      opps, di ko birthday sir pong ha ha… ang nanay…

      salamat naman at may natutunan tayo sa inako… oo, marahil, sa iba, selebrasyon ang birthday pero sa amin na salat sa pamumuhay, selebrasyon din na madugtongan ang aming buhay ng isang araw ha ha ha… tnx parekoy…sensya na sa late na reply, inenjoyko kasi ang bakasyon e….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: