Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Ano (daw) Ang Gawain ng mga Tambay?


Istambay

 

 

Wala lang.

Tamad lang akong magposte ngayon ng mga basura.

Pero…

May nagtatanong sa akin kung tambay nga ako: Ano daw ang mga Gawain ng mga Tambay?

Depende sa alam mong tambay? Kung ang tambay sa paninginmo ay tulad ng mga tambay sa akin ay okey lang, masasagot kita he he.

Di ako pwedeng tumambay kasi mangangamoy ang kapaligiran ng mahal kong barangay.

Ganito…kung tama ang hinalako na ang tambay sa paninginmo ay mga stand by…e, madaling sagutin ‘yan.

Una, walang ginagawa ang isang tambay maliban sa nagpapalipas lang ng oras kung saan man ‘yan, e, depende sa trip.

Ang mga nakikita mong kalat sa kanto, tambay din ‘yan. Palipas oras kaya nagdadama, naglalaro ng chess o kaya nang-aasar lang sa mga dumadaan.

May mga tambay din na ang palipasan ng oras ay ang pagtagay ng softdrinks, paghitit ng sigarilyo o pag-inom ng alak.

May mga tambay din na akala mo mga dispatser ng dyip o traysikol.

May mga tambay din na kahit bansot, marunong (daw) magbasketbol.

May mga nagsusugal ng tong-its pero sabi nila, laro lang daw.

Ito pa ang maganda, ginagawang lucky nine ang plaka ng mga sasaksayan. Sa waiting shed, tumataya ang mga damuhong katotoko. Salit-salitan silang tumitingin sa dadaan na sasakyan at pataasan ang huling numero sa plaka ng sasakyan.

Ito pa. Kapag may humintong sasakyan sa tapat ng waiting shed, tatawagin na ‘pinsan’ ang dumudungaw sa bintana kahit hindi naman nila kakilala.

Ang maganda, dahil libre sa kanila ang oras at tanso lang ito kumpara sa ‘Time is Gold’ ng mga empleyadong masungit ang amo, matulungin din sila. Tumutulong kung mayroon kang binubuhat na mabigat. Naghahatid sa mga matakutin sa dilim kung ganyang ginagabika.

Nagiging pison din sila. Dahil sa naglalagalag sila, tumitigas ang kalye kung ito’y binabaha. Sila rin ang nandiyan kung aabutanka ng disgrasya sa kalye.

Ang masarap dito, lahat ng tsismis, alam nila. Pati labas sa bola ng jueteng.

Sa kanila mo rin  maririnig ang mga reklamo na hurakot ang gobyerno o tiwali ang mga nasa katungkulan.

Isa pa. Sa kanilaka makakatagay ng alak kung wala ka nang pambili. Sa kanila ka rin makikisindi ng sigarilyo.

Ito pa. Sila rin ang may kayang manghingi sa iyo ng isang boteng gin kapag nasiraanka ng sasakyan.

Kadalasan, sila ang makakapansin na seksi ka o tamang artista ang suotmo. At, sila ang papalakpak sa kapalpakanmo o pipito kung may ginawa kang kakaiba.

Ikaw? Ano ang palipasanmo ng oras?

May alam ka bang iba pang ginagawa nila maliban sa pagtetext o pamamasyal sa mall kahit wala naman silang dapat bilhin?

Sige nga, i-sharemo sa komentomo kung talagang mapagmasidka? Challenge?


4 responses to “Ano (daw) Ang Gawain ng mga Tambay?

  1. Pong November 8, 2010 at 9:19 am

    very true
    ako tambay sa opisina
    hindi lang plaka ang pinaglalalucky 9 ka loren pati din mga perang papel yung kanilang serial numbers
    parang ayoko ng maging tambay.
    kamusta po kayo? be blessed po

  2. Ka Loren November 8, 2010 at 9:26 am

    he he ayos ‘yan ha…sir pong…bago sa akin… ‘yan…okey lang po…busy sa 5-8 work kasi he he he…kaya matumal ang posts…san lagi rin kayong nasa mabuting kalagayan po dyan

  3. free_angie November 9, 2010 at 12:16 pm

    Nanibago ako sa blog mo Kuya Loren…..Ikaw ba talaga yang about the author or kathang isip lamang?

  4. Ka Loren November 9, 2010 at 1:29 pm

    hi angie, maluwalhating pagdating sa aking blog…he he he…mga kaubanko dito ay diri na iba sa imo…..dating uabn na nimo sa blogospero….

    ha ha..nanibago ka ba? ano ‘yong nawala, ang pagiging seryoso o pagiging seryoso pa din?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: