Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Pot of Gold


I’ve been searching for a pot of gold like the kind you find at the end of the rainbow…

Fleetwood Mac, As Long as You Follow

Nakakalungkot isipin na araw-araw maraming mga kababayan, kaibigan at kamag-anak na nangingibang bansa dahil sa ‘paghahanap ng isang luntiang pastolan’, o di kaya’y ang makasaysayang ‘pot of gold’ sa dulo ng bahaghari.

Natanongko tuloy at idinikitko pa sa facebook kung ‘lahat ba ng dulo ng bahaghari ay nasa ibang bansa?

Marahil nga, nasa ibang bansa ang banga ng kaginhawaan… at unti-unting ipinapadala sa atin dito sa ‘pinas ng ating mga mahal na kamag-anak, kaibigan, kababayan habang sinisikil nila ang paghulagpos ng pangungulila sa kinagisnang samyo at gayak kung ganyang tinitingala nila noon ang nakakabighaning bahaghari.

Marahil, kalakip nito ang mga tuyong luha, mga piping hikbi at ang isang dipang pagsusumamo na sana ang gintong nakalkal sa disyerto, sa nyebe, sa indayog ng barko, sa mga kisameng nilinis ng agiw, o mula sa mga takatak ng keyboard o pagpindot ng mouse, ay makagagawa ng mga bahaghari na ang dulo nito’y nakatusok sa bayan kong Pilipinas. Na sana sa tuwing pagsapit ng kulimlim at pagpatak ng mga ambon sa buhay, na sana tuwing lalabas ang matalinhagang bahaghari, masasabi na nating: dito ang dulo ng bahaghari at dito sa lupang ito nakabaon ang banga ng kaginhawaan.

Kailan kayo ito mangyayari?

Kailan hihinto ang pag-ikot ng baggage counter sa airport?

Kailan kaya mawawala ang mga musmos na kumakaway ng paalam sa ina o tatay habang nilalamon ito ng aircon sa airport at nag-iiwan ng malungkot ngunit puno ng pag-asang flying kiss?

Pero sabi nga nila:

I want to live, I want to give, I crossed the ocean…, so I keep on searching for a heart (maybe pot) of gold…

Neil Young, Heart of Gold

Sa oras na ito, marami na naman ang mag-fa-fasten your seatbelt, we are approaching…_____________airport in a few minutes…

At sa paglapag ng eroplano, isang nag-aatubiling hakbang ang siyang simula ng bagong paglalakbay patungo sa banga ng kaginhawaan na minsan tiningala at pinangarap na matagpuan sa dulo ng bahaghari.

Sa basura na lang ba ako mangangarap ng isang banga na punumpuno ng ginto?

2 responses to “Pot of Gold

  1. Pong November 10, 2010 at 4:44 am

    ilang beses na nating napagusapan ito ka loren
    sinabi ko sa sarili ko dati kailanman di ako mangingibang bansa
    the so idealistic of me, kinain ko lang yun.
    being an activist sa skul namin at people minded person like me ay naitulak ko pa rin ang sarili ko dito sa disyerto,
    iba’t-iba ang mukha ng OFWs may mga nag-for good na sa mga bansang pumapayag ng citizenship, may mga successful at nakahanap ng maraming ginto sa diaspora at meron namang di gaanong pinalad. Pero alam ko sa lahat ng mukha ng OFWs sa puso nila nais nilang umuwi at mamalagi na lang diyan sa atin. Nangangarap pa rin ako ng gising na balang araw madaming pipila sa mga embahada natin sa iba’t ibang panig ng mundo para kuha ng working visas at sa Pilipinas sila magtrabaho. Kung tutuusin kung titingnan ang tracj record ng Pilipinas matagal na dapat nangyari iyon, na tayo ang kumukuha ng trabahador. Sadly, tayo pa rin ang isa sa mga bansang kinukuhanan nila ng manpower, utak, talino, kalidad, galing, skills at serbisyo. Sa susunod na 10 taon mangyyari nawa sana ito.

    • Ka Loren November 10, 2010 at 5:10 am

      bukas ako sa usaping ito, Sir Pong…noon, at magpahanggang ngayon, pilitko pa ring hinahanap dito sa ‘pinas ang banga ng ginto…maraming beses na akong nagkaroon ng pagkakataon na mangibang bansa, sana okey na ang buhay namin ngayon, pero, pinili kong hindi umalis…o, kaya takot lang ako!

      maraming OFWs na naging mapalad, ngunit marami din ang may mga mapait na karanasan…sa lahat, at kasama ka doon, Sir Pong , ako’y nagpapasalamat sa mga inflows na dumadating dito sa ‘pinas na siyang nagtatawid ng malabnaw na ekonomiya ng perlas ng silangan…

      nakalulungkot ngang isipin o pansinin na sa runong natin sa lahat ng antas, mali pa rin ang sistemang umiiral sa bayan natin…nagiging apektado na ang kamalayan…nakondisyon na ito, na ang banga ng kaginhawaan ay wala dito, nasa ibang bansa at ang masama nagiging bagay na lang ang mga ‘Pinoy’ dahil Human Resources na ang number one na export product ng bayan natin…

      ang punto kong palabasin sa posteng ito, sana pangalagaan naman ang mga perang nagmumula sa luha ng OFWs at ilagay sa tamang sistema para darating din ang panahon, na pangarap natin, na dito na mismo sa ating bayan matatagpuan ang banga ng ginto…in ten years, I doubt…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: