Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Kung Sana Lata Na Lang Ito…


Noong binabasako ang poste ni Sir Pong sa Mizpah, natanongko sa aking isip: Saan kaya maaring maglagay ng lata sa karitonko?

Sa isang masipag na basurerong pinoy, ang lata ay isa na ring ginto para sa kanya. Lalo pa’t ang lata na ito ay puno ng tig-25 sintimo na pagmamahal.

Noon, nagawa na naming nag-ikot sa mga bahay-bahay upang humingi ng mga bote, lata at dyaro o mga kapirasong bakal upang ibenta namin para sa aming pamaskong handog sa mga kabataang kapuspalad na tulad namin.

Opo, isang dakilang adhikain ang pagpansin sa mga batang Anak-Basurero na pinangungunahan ng ating mga kapatid sa Dagupan City sa pamamagitan ng kanilang PASA LOVE Project.

Kaya, mahigit labinlimang taon na din ang lumipas nang ako’y nanghingi ng mga basura, muli ako’y naantig sa mga ganitong adhikain at ako’y taos-pusong nagsusumamo sa inyong mga pusong dakila na kung mayroon po kayong mga lata, bote, dyaryo o mga pira-pirasong bakal, ipunin ninyo sana at ibenta at ilaan ito bilang tulong sa PASA LOVE.

PASA LOVE

Anak Basurero

Kung sana lata na lang itong poste na ito at puno ng tig-25 sintimo…

Disclaimer:

Hindi po ako kasali sa organisasyong ito ngunit bilib ako sa kanilang dakilang adhikain.


Advertisements

11 responses to “Kung Sana Lata Na Lang Ito…

  1. Pong Nobyembre 18, 2010 bandang 10:53 umaga

    mahigit pa sa lata ng tig 25 sentimos ka loren.
    God bless

    • Ka Loren Nobyembre 18, 2010 bandang 11:08 umaga

      sana darating ang araw na makadaupang palad ko kayong lahat at gagawa ng konseptong tuloy-tuloy ang impact sa mga Anak-Basurero tulad ng pagkakaroon ng mga leader sa bawat barangay na magiging imbakan ng mga patapong bagay ngunit naipagpapalit pa rin sa kunting halaga…sana darating ang araw na makaipon ako ng sapat na tula at gawing pdf at ibenta ito at may porsyentong papunta sa mga ganitong adhikain…

      Ang Kapayapaan ng Panginoon ay Sumasainyo rin…

  2. ysae Nobyembre 19, 2010 bandang 1:16 umaga

    kasama ka at kabahagi ka sa gawaing ito Ka Loren. Salamat sa pag-promote nito. simple lang naman ang pagtulong…. basta galing sa puso….. salamat ulit

  3. Ka Loren Nobyembre 19, 2010 bandang 3:52 umaga

    sa puso at sa isip, kasama nyo ako dito Ysae…

  4. busyok Nobyembre 25, 2010 bandang 8:19 umaga

    ka loren,
    musta?long time mo luk! hehe

    hanga talaga ako sa mga nag-organize ng programang ito.

  5. Pong Disyembre 12, 2010 bandang 10:03 umaga

    ka loren saan ka na?
    maligayang pasko po!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: