Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Monthly Archives: Disyembre 2010

Class Reunion

Hindi na makasabay ang aking kamay sa kumpas ng kanta sa car stereo. Itinitipako kasi ang aking mga daliri sa manobela ng aming kotse. Manhidna sa sobrang lamig na dulot ng kanina pang todo-lakas na buga ng aircon. Di ko man lang kasi ramdam ang lamig nito kanina. Nakatuon na lang ang aking isip, o sabihin na lang natin, na damdamin sa tabing dagat mga dalawang kilometro siguro ang layo mula sa aking kinaroroonan ngayon.

Mahigit dalawang oras na pala akong nakatambay sa loob ng kotse habang nakatanod sa dagat. Sobra sa kalahati pa kasi ang buwan at malakas pa rin ang sinag nito sa mga bumubulang alon ng dagat na tanaw na tanaw mula sa gilid ng kalsada kung saan ako naka park. Patay man ang ilaw ng awtoko, may sapat pa namang liwanag sa lampas 3 AM ng madaling-araw.

Hindiko man dinig ang lagapak ng alon sa dalampasigan, alam kong damadagundong ang mga ito. Ayaw kong marinig! Magkakasya na lang ako sa vibrations ng makina ng aking sasakyan.

“Ihatidmo lang ako sandali…” Yan ang pakiusap sa akin ni Soraya kaninang 7 PM. Nakakahiya daw sa mga ka-batch niya na hindi siya dadalo sa kanilang class reunion. Last year kasi ay hindi na naman siya umattend. Nang tinanongko siya noon kung bakit di siya dumalo, e, ang sagot ba naman ay: “nahihiya kasi ako sa iyong magpaalam, e.”

Kaya ngayon, ako na ang nagtanong kung anong oras ko siya susunduin. Mga 1 AM daw.

“Hi!” Sigaw kanina ni Marko nang ihatidko si Soraya, kahihintoko pa lang noon ang aming Sorento. Alam kong hindi ako ang binati niya kasi sabay patakbong salubong niya kay Soraya. Kitang-kita ko ang kislap ng kaniyang mga mata habang hinagap ng mga kamay niya ang kamay ng aking mahal na asawa sabay akap at beso-beso. Nakalimutan pa nga ni Soraya ang nakagawian na niyang paghalik sa akin!

Oo, labin-dalawang taon na ang nakalipas pero hindi siguro tumatanda ang damdamin o nagbababago man lang. Kasi hanggang ngayon, nandoon pa rin ang kimi at hiyako tuwing niyayakap ako ni Soraya. Ganon din siguro sa kanila.

Oo, labin-dalawang taon na ring natatakot ako sa class re-union. Oo, tuwing Desyembre, nagdadasal ako na sana walang class re-union.

Humugot ako ng mahabang buntunhininga. Oo, lampas na ako kanina sa oras nang sunduinko si Soraya. Pero, 30 minutes lang naman akong late. Wala na si Soraya. Wala na rin si Marko. Hindi man lang ako pinansin o napansin ng mga nagpa-iwan pa nilang kaklase.

Ngayon, dalawang kilometro lang ang layoko sa mga cottages kung saan sila may mga reservations. Oo, sa loob ng kotse kung saan manhid na ang aking mga daliri upang sumabay tumipa sa kumpas ng kanta mula sa car stereo.

Uuwina lang ako. At, umaasang may magbubukas ng pinto para sa akin.

Bukas, yayayahinko ang aking 12 years old na binatilyo upang samahan akong humingi ng tawad sa kaniyang ina.

Ilang beses ko na rin kasing sinambit ang mga katagang panghingiko ng tawad ngunit parang kulang pa rin.

“Sana patawarinmo ako sa aking kapangahasan…Ayaw ko kasing matalo ako noon kay Marko….”

Mga Pasko sa Buhay ni Anib-4

Mga Pasko sa Buhay ni Anib-1, 2, 3

***

Desyembre 24, 7:00 ng gabi, dalawang taon na ang nakalipas.

“Nang! Ania! Si Tatang!” Malayo pa sa pintuan ng bahay nila si Anib todo na ang kaniyang sigaw. Garalgal na ang kaniyang boses. Namamaosna. Ipinunas niya ang kaniyang braso sa tumutulong pawis mula sa kaniyang pisngi. Tumulo na rin ang kaniyang sipon. Sininghot na lang niya ito. Umiiyak na siya!

“Nang, si Tatang…” Inulit ni Anib. Garalgal ang matinis niyang boses.

“Bakit? Bakit si Tatangmo?” Hawak pa rin ni Nanang Magda ang balot ng knorr cube at sinalubong ang humahangos niyang panganay.

“Ano? Napaano si Tatang?” Tanong naman ni Ania habang isinusubo ang huling tatlong butil ng mais mula sa kanina’y isang supot ng kornik. Tumayo na siya mula sa kanilang bintana. Kitang-kita niya kanina ang kaniyang kuya na kumakaripas ng takbo. Lumapit na rin siya sa kuya niya.

“Hinuli daw ng mga pulis. Sabi ng mga kasama niya diyan sa Commonwealth.” Singhot ni Anib at sumalampak na lang siya sa ikalawang baitang ng kanilang hagdanan na may tatlong baitang.

Hindi nakarating ang kanilang Tatang sa gabi ng Pasko. Unang gabi sa malay nilang magkapatid na wala ang Tatang nila. Unang pasko din na kahit pansit man lang, e, wala silang handa.

Nakasanayan na rin kasi ni Tatang Delfin na may pansit na pasalubong. Pasko man o Biyernes Santo, pansit pa rin ang dala. Nagkasiya na lang ang adobong kangkong na noche buena nila. Hindi na sila naghapunan sa kahihintay kanina sa kanilang Tatang. Nagbabakasakali silang baka inimbitahan lang ito sa presento at papauwiin din.

Ito ang unang pasko sa buhay nina Anib at Ania na hindi nila nayakap at nahalikan ang kanilang ama.

***

Desyembre 24, 7:30 ng gabi, ngayong taon.

Pinapanood ni Anib ang mga batang nagsisindi ng mga lusis. Grupo-grupo ang mga ito. Pagarahan at kantiyawan ng mga laruan. Ang rarangya ang kanilang damit! Maingay silang lahat! Malayo sa itsura ni Anib at singlayo ng tala ang saya nila sa lumbay na bumabalot kay Anib sa sulok ng ficus at sa dilim na dulot ng malayong street light.

Kapagdaka’y nagbabuzzer ang mga iba sa mga gate upang mamasko. At, kapag nakabukas na ang gate, sasabayan ito ng mga matitinis na jingle bells, felix navidad at whenever I see boys and girls selling lanterns on the street…

May isang grupo pa nga na napadaan sa kinasasandalan ni Anib. Hinagisan siya ng mga kendi at tinapay. Burger pa ‘ata ang isa. Hindi man lang ito nabuksan! ‘di tulad ng mga iniaamot sa kanila noon.

Hay, kaninang umaga pa lang sana, nagprapraktis na sila ni Ania. Peboreyt pa naman nilang kantahin ang whenever I see girls and boys selling lanterns in the street… Nakikipag-agawan na rin sana sila sa mga kapwa batang paslit ng makakantahang bahay. Bitbit na rin sana ni Ania ang pinitpit na tansan at hawak na rin sana niya ang lumang lata ng gatas bilang tambol nila. O, kaya, ang dalawang batong itinutuktok niya sa mga dingding. Masaya din sana sila. At, libre din sana silang gumala ngayon…

“Whenever there are people
Giving gifts, exchanging cards
I believe that Christmas
Is truly in their hearts…

Let’s light our Christmas trees
For a bright tomorrow
Where nations are at peace
And all are one in God…

Let’s sing Merry Christmas
And a happy holiday
This season , may we never forget
The love we have for Jesus

Let Him be the One to guide us
As another new year starts
And may the spirit of Christmas
Be always in our hearts…”

“Ganyan, ganyan din sana ang kanta namin ni Ania.” Naibulong na lang ni Anib sa sarili. Sinabayan niya na lang ang mga batang nagkekeroling sa tapat ng gate nina Ania. Kumalabog pa ang kaniyang didbdib nang magbukas ang gate. Tinitigan niya ito at inasam na si Ania na sana ang lalabas. Wala. Isang katulong siguro ang lumabas kasi nakauniporme ito. Nanghina pa si Anib.  Tumayo siya at diretsong tinakbo niya ang katapat na gate. Hinintay pa rin niya si Ania na lalabas. Dalangin niya, si Ania na sana ang lalabas na magbibigay ng pamasko sa mga kapwa bata.

Nang lumipas ang mahabang sandali na wala pa ring sumunod na nagkeroling, bumalik na rin siya sa dating puwesto. Mahirap na baka mapagkamalan pa siyang magnanakaw. Hinaplos na lang niya ang kaniyang hita na kinagat na ata ng lamok habang linilingon niya ang mga batang tuloy pa rin sa pagsasaya sa kalsada. Muli, binato ng tingin niya ang nakapinid pa ring gate ng katapat na bungalow. Sana, nagkekeroling din sila ni Ania ngayon. Oo, ganitong -ganito sana sila ngayon. Tulad ng mga ibang bata, nagsasaya din sana sila.

Kailan pa kaya mangyayari ‘yon? Oo, kailan pa kaya?

“Sana, ngayong taon na…” at napapikit na lang siya at nagdasal ng taimtim habang patuloy pa rin ang mga halakhak at hagikgikan sa palibot niya…

Itutuloy…

%d bloggers like this: