Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Ang Mga Pasko sa Buhay ni Anib-1


Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the streets
I remember the Child
In the manger as He sleeps…

Nakakabingi ang alingangaw na galing sa basag na yatang trumpa na nakakabit sa radyo ng trak.

Simula na naman ang paghakot ng basura.

***

Desyembre 24, 5:00 ng hapon, ngayong taon.

“Tata, baba muna po ako. Tinatamad akong maglibot ngayon sa village.” Sabi ni Anib ng tanungin ng matandang tsuper. Parang anak na rin kasi ang turing sa kaniya. Umaga’t hapon na sumasabit siya sa trak simula noong nag-umpisa ng kanilang christmas break. Napansin kasi kanina ng matandang na panay ang iling niya at matamlay na nakasabit sa bintana ng trak sa tabi ng drayber.

Bisperas ngayon ng pasko. Mahigit isang linggo na ang lumipas na araw-araw siyang sumasabit sa paghahakot ng basura pero kahit anino man lang ni Ania ay di niya nasilayan. Susubukan niya ngayong matyagan ang gate ng bahay at magbabakasakaling lalabas si Ania.

“Bukas, Tata, paskona at marami-rami din siguro ang basura, mag-aalas singko po ba tayo?”

“Oo, Barok. Marami ang mga basura bukas.” Sagot naman ng drayber. Saglit na tinitigan nito si Anib. Humugot din ng buntunghininga.  “Sige, at meri krismas na lang, a. Sana matanggapmo na masaya ang asam mong regalo. Ingatka lang baka mapagkadisketahanka ng mga guwardiya diyan.” At ininguso pa ng drayber ang gawi ng entrance ng subdivsion. Nararamdaman at natatantona ng matanda na hindi sasabay si Anib paglabas nila.

Pinampag ni Anib ang tagiliran ng trak sabay kindat sa dalawang pahinanteng kanina pa’y nakamasid lang sa kaniya. Pinandilatan siya kasabay ang puno ng pag-asang mga ngiti. Inapakan na rin ng matandang drayber ang akseletor kasabay ng pagtalon ni Anib.

Sabay-sabay na nahugot ang mga buntunghininga mula sa apat na nagbabasura.

“Meri krismas!” Ang sabay-sabay ding nabigkas.

***

Nandito ang karugtong…

10 responses to “Ang Mga Pasko sa Buhay ni Anib-1

  1. Yesika December 13, 2010 at 9:39 pm

    Medyo bitin ‘yung kuwento…okay, part 1 palang naman🙂

  2. WildCat December 13, 2010 at 9:41 pm

    Hukay basura kahit pasko? Haha, makatagpo sana siya ng ginto.

  3. p3k December 14, 2010 at 9:49 am

    hindi ba sila nag abot ng envelope sa mga bahay bahay??? sigurado masisipag mangolekta ng basura ngayon mga kaibigan dyan….. next time tinot, wak bitin pak bitin kaw titigpasin ha!!!!!

    • Ka Loren December 14, 2010 at 2:52 pm

      huminahonka p3k, lasing ako ngayon kaya di kita masagot ng matino, abanganmo na lng parekoy. syanga pala ‘kalako nagmaktolka na sa basurerngpinoy he he…sige lang tagay parekoy, meri krismas!

  4. Pingback: Mga Pasko sa Buhay ni Anib-3 « Basurerong Pinoy

  5. Pingback: Mga Pasko sa Buhay ni Anib-4 « Basurerong Pinoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: