Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Class Reunion


Hindi na makasabay ang aking kamay sa kumpas ng kanta sa car stereo. Itinitipako kasi ang aking mga daliri sa manobela ng aming kotse. Manhidna sa sobrang lamig na dulot ng kanina pang todo-lakas na buga ng aircon. Di ko man lang kasi ramdam ang lamig nito kanina. Nakatuon na lang ang aking isip, o sabihin na lang natin, na damdamin sa tabing dagat mga dalawang kilometro siguro ang layo mula sa aking kinaroroonan ngayon.

Mahigit dalawang oras na pala akong nakatambay sa loob ng kotse habang nakatanod sa dagat. Sobra sa kalahati pa kasi ang buwan at malakas pa rin ang sinag nito sa mga bumubulang alon ng dagat na tanaw na tanaw mula sa gilid ng kalsada kung saan ako naka park. Patay man ang ilaw ng awtoko, may sapat pa namang liwanag sa lampas 3 AM ng madaling-araw.

Hindiko man dinig ang lagapak ng alon sa dalampasigan, alam kong damadagundong ang mga ito. Ayaw kong marinig! Magkakasya na lang ako sa vibrations ng makina ng aking sasakyan.

“Ihatidmo lang ako sandali…” Yan ang pakiusap sa akin ni Soraya kaninang 7 PM. Nakakahiya daw sa mga ka-batch niya na hindi siya dadalo sa kanilang class reunion. Last year kasi ay hindi na naman siya umattend. Nang tinanongko siya noon kung bakit di siya dumalo, e, ang sagot ba naman ay: “nahihiya kasi ako sa iyong magpaalam, e.”

Kaya ngayon, ako na ang nagtanong kung anong oras ko siya susunduin. Mga 1 AM daw.

“Hi!” Sigaw kanina ni Marko nang ihatidko si Soraya, kahihintoko pa lang noon ang aming Sorento. Alam kong hindi ako ang binati niya kasi sabay patakbong salubong niya kay Soraya. Kitang-kita ko ang kislap ng kaniyang mga mata habang hinagap ng mga kamay niya ang kamay ng aking mahal na asawa sabay akap at beso-beso. Nakalimutan pa nga ni Soraya ang nakagawian na niyang paghalik sa akin!

Oo, labin-dalawang taon na ang nakalipas pero hindi siguro tumatanda ang damdamin o nagbababago man lang. Kasi hanggang ngayon, nandoon pa rin ang kimi at hiyako tuwing niyayakap ako ni Soraya. Ganon din siguro sa kanila.

Oo, labin-dalawang taon na ring natatakot ako sa class re-union. Oo, tuwing Desyembre, nagdadasal ako na sana walang class re-union.

Humugot ako ng mahabang buntunhininga. Oo, lampas na ako kanina sa oras nang sunduinko si Soraya. Pero, 30 minutes lang naman akong late. Wala na si Soraya. Wala na rin si Marko. Hindi man lang ako pinansin o napansin ng mga nagpa-iwan pa nilang kaklase.

Ngayon, dalawang kilometro lang ang layoko sa mga cottages kung saan sila may mga reservations. Oo, sa loob ng kotse kung saan manhid na ang aking mga daliri upang sumabay tumipa sa kumpas ng kanta mula sa car stereo.

Uuwina lang ako. At, umaasang may magbubukas ng pinto para sa akin.

Bukas, yayayahinko ang aking 12 years old na binatilyo upang samahan akong humingi ng tawad sa kaniyang ina.

Ilang beses ko na rin kasing sinambit ang mga katagang panghingiko ng tawad ngunit parang kulang pa rin.

“Sana patawarinmo ako sa aking kapangahasan…Ayaw ko kasing matalo ako noon kay Marko….”

10 responses to “Class Reunion

  1. myfilthyroom December 30, 2010 at 3:53 am

    Aba kwento mode si brad.

  2. Daniel P. Yuson Jr January 2, 2011 at 1:27 am

    @ Ka Loren..!
    happy new year..!😉

  3. Pong January 8, 2011 at 4:18 am

    blessed new year ka loren, ngayon lang ulit ako nakadalaw, dinadigest ko ang kwento mong ito, malamang pag natyempuhan kita sa chat pagkwentuhan po natin. God bless po!

  4. WildCat January 10, 2011 at 12:33 pm

    Nakalimot ako ng promise kong batiin ka ng Christmas! *bows in apology*
    Happy new Year nalang😀

  5. duking January 11, 2011 at 2:04 pm

    happy new year….

    mali ba ako na isang tapyas ito ng buhay pag-ibig mo noon at ngayon?

    magandang araw at happy new year ulit!

    • Ka Loren January 19, 2011 at 11:40 am

      ka duking, napadaan po kayo! salamat…

      opppsss! parang sinabimo din na lahat na mga likhang isip nyo din ay halaw sa personal na buhay? we he he… joke!

      may pagkahawig lang… po, at ‘yan ang totoo…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: