Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Unfinished Business


Sa mga nakaraang buwan, naging magulo ang aking buhay tambay at pagiging basurerong pinoy…

Mahirap pala ang tambay…masasabihanka na patay gutom! AMP!

Walang silbi!

Pison ng kalsada!

Sayang ang bigas pati darak na ibininta ng magulang para makatuntong sa kolehyo kuno…

Inaamag na diploma (kung mayroon man)!

Sunog baga, palamunin!

Akalamo marunong magbasketbol kasi lagi sa basketball court, pandakekoks naman!

O, kaya, nagmamalinis na may work (sa pagbabasurero), ang dumi naman!

*****

Syete! Hayan… Maatim mo ba na hahainan kita ngayon ng ‘unfinished business’?

Sinong may paki sa pili kong propesyon na TAMBAY at pagiging basurero?

O,  alam mo ba na sa parliamentary procedures ay may tinanatawag na Order of Business at isang parte nito ay ang Unfinished Business? At, ini-overruled din ang motion na Question of Privilege…?

Wala lang…hindi ako nang-iinsulto! Nagpapaliwanag lang na sa blog na ito mayroon pa pala akong hindi natapos na kuwento pero hindi na puwedeng tapusin kasi lampas na ang krismas…

Sa Disyembre na lang ang karugtong… ng

Ang mga Pasko sa Buhay ni Anib…

Advertisements

14 responses to “Unfinished Business

  1. mikkimao Enero 19, 2011 bandang 12:53 hapon

    Kamusta kaibigan?
    Mukhang masam ang iyong pinagdadaan…
    Magrelax-relax ka lang para naman hindi agad masiraan… 😀

    Tagal naman ng karugtong mong kwento…
    Labing isang buwan pa ang aking hihintayin…

    Chillax lang…

    \m/

    😀

  2. Ka Loren Enero 19, 2011 bandang 11:52 hapon

    oks lang po ako pare mao, ha ha…hindi naman sa akin lahat ang lait…narinigko lang na patutsada sa kanto ‘yan…

    la na akong magawa e, seasonal yung kuwento…naghabol kasi ako ng target parekoy…

  3. duking Enero 23, 2011 bandang 3:47 hapon

    sa lahat ng tambay, ikaw pa rin ang may sense of responsibility para sa isang kwentong nabitin.

  4. mimi Enero 25, 2011 bandang 3:52 umaga

    hehe… ang galing! yan na yan ang naramdaman ko noong tambay din ako pwera lang sa tungkol sa pagbabasketbol.

    • Ka Loren Enero 25, 2011 bandang 5:27 umaga

      at naging masaya pa si mareng mimi ha ha… ganyan ba talaga? parehas pala tayo! yehee! salamat ha, may kasama pa pala ako na nasabihan din ng ganyan…

      • mimi Enero 28, 2011 bandang 12:58 umaga

        wala namang ibang nagsabi sakin nun, ang sarili ko mismo ang nagsabi sa akin…ipinaramdam ng sarili kong parang wala na kong silbi…so naghanap na ko ng pagkakaabalahan…

        tambay ka pa rin ba hanggang ngayon? me business ako, gusto mong sumali? para me gawin ka bukod sa pagsusulat, hehe….

        • Ka Loren Enero 28, 2011 bandang 2:41 umaga

          ok a…anong business ‘yan… he he… sayang din nga ang oras na nawawala ha ha…

          well, di naman talaga ako tambay…sa blagospero lang…isa akong namamahala sa isang kooperatiba, ang hawakko ngayong branch ay may 3000 na miembro at may 16M na assets he he…9 to 5 din ako at monday to sat din na alipin he he he…huwag mo lang ipagkalat ha…

          • mimi Enero 28, 2011 bandang 7:06 umaga

            ah, ganun ba? napaniwala mo ako ah, masyado akong nadadala sa mga sinusulat mo… hmmm… ako kasi hindi ko kayang isulat ang mga bagay bagay na hindi ko pa napagdaanan, napansin, narinig o nakita…. hehe.

            business? punta ka sa link na ito: http://firstvitaplus.net/
            yan yung produkto… pakisabi na lang kung interesado ka! hahaha

  5. sphere Enero 26, 2011 bandang 10:23 umaga

    musta kpo? musta ang tambayan natin?

  6. MARC LOPEZ Pebrero 14, 2011 bandang 9:05 umaga

    Sana isa din akong magaling na makata na gaya mo. nagagwang ilarawan ang mundong nilalakbayan gamit ang third eye.

    • Ka Loren Pebrero 15, 2011 bandang 3:54 umaga

      Mark,

      sa’n mo ba nakita na makata po ako? he he…salamat ha, ikaw lang ang may atim na nagsabi na makata ako, yehey! terd ay, may ganun? siguro, pinapabagalko lang ang ikot ng aking buhay, slomo kumbaga kaya, napapansinko ang ilang bagay na di pansin ng mga iba….salamat sa pagbisita…happibalentayms…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: