Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Mumog


Minsan sa kantong tambayan, nadatnanko ang mga istambay na kulang pa ang nainom at inaatupag pa ang mga sari-saring dikusyon tulad ng pagkasari-sari ng laman ng istor ni Aling Belen kung saan ayaw magpagamit ng lighter sa pagsisindi ng sigarilyo. Humihingi na lang siya sa akin ng lumang diaryo  na siyang ginugupit niya na siya ring isinisindi ng mga maninigarilyo sa lamparang 24/7 atang may apoy.

At, ang maangas pa dito ay nagagalit si Aling Belen kung ang gapirasong papel na isinindi ay mauubos. Dapat patayin pa kaagad ang apoy at isubi ang natirang piraso ng papel sa isang boteng sadyang nakabitin na garapon sa gilid. Sabi niya: resaykol, boys, resaykol!

Kaya, tuloy, para makaiwas sa bulyaw kung sakaling hindi mapatay kaagad ang apoy sa isininding gapirasong papel, sa upos na rin sumisindi ang mga tambay. Hayan, naturingan silang sunog-baga!

Hindi ‘yan ang ikukuwento ko ngayon. Alam kong malayo ‘yan sa mumog.

Napagtripan palang tumambay ang mga mokong sa bungaran ng simbahan ng mga katoliko noong Linggo. At, tsamba! Nakita nila sina Virgie (di tunay na pangalan) na bagong prosti sa bayan. Kasabay ni Virgie si Angie (di rin niya tunay na pangalan) na isa ring GRO. Unang pasok lang pala nila sa simbahan ng katoliko at nangangapa (oopppsss, mali ata) kung ano ang mga ritwal.

E, kunwari daw mga banal ang mga mokong, pumasok na rin sila sa simbahan na nakabuntot sa dalawang GRO.

At, ito ang tinatawanan.

Sa bungaran, may nakalagay na parang lababo kung saan isinasawsaw ng mga deboto ang kanilang kamay at nagtatanda ng krus. Puno pa daw ito ng tubig.

Nauna si Virgie kaysa kay Angie sa pila. Ginaya daw ni Virgie ang matandang sinundan niya. Isinawsaw din daw ni Virgie ang kamay at ihinilamos sa pisngi. (Hindi niya nakita ang ginawa ng matanda dahil nasa likod si Virgie, kaya ‘yun, ihinilamos!)

Biglang hinila daw ni Angie si Virgie dahil hindi siya sure sa gagawin.

Angie:  Ba’t mo isinasaw ang kamaymo do’n?! (Pabulong, ngunit dahil pa-cute ang isang mokong na dumidikit kay Virgie, narinig niya daw)

Virgie: Tangi! ‘di mo ba narinig ang sabi ng pare? Maghugas kayo ng inyong mga kasalanan! Yan ang sabi niya. (Pabulong din pero tulad ng kay Angie, narinig din ito ng pa-cute na mokong…hindiko ‘to uuliting i-explain)  Kagabi kamay lang ang ginamitko sa…(anas…anas…masyadong mahina kaya hindi daw narinig) kaya hinugasanko…

Ngumiti lang daw si Angie at taas-noong lumapit sa sawsawan na may lamang Holy Water.

Bigla! Itinabo daw ni Angie ang kaniyang dalawang palad sa sawsawan at biglang NAGMUMOG!

***

Mga Dapat Gawin:

1. Ilang beses ka na bang napabuntunhininga tuwing maglalaglagka ng 5 pisos sa supot ng donasyon?

2. Dala-dala mo pa ba ang selfon mo sa loob ng lugal sambahan? Bakit?

3. Napanood mo na ba ang pelikulang ‘Swiss Family Robinson’?

2 responses to “Mumog

  1. duking January 27, 2011 at 4:30 pm

    mahilig siguro mag mura si angie!hahaha!!!

    yung 1 at 2…pass ako sa tanong dahil hindi ako nagsisimba.

    yung 3…..errr…showing pa ba yan?

    • Ka Loren January 28, 2011 at 12:15 am

      ha ha ha… ‘yan nga tinatawanan ka duking kasin kaniya-kaniyang interpretasyon ang mga mokong na kapwako tambay…

      ok lang ang 1 & 2, parehas pala tayo…

      he he…1960 pa daw itong ipinalabas😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: