Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Sari-sari Store, Sari-saring Kuwento


Aling Belen, pabilan po ng noodles…

Ilan? Dalawa?

Isa lang po…

O, sukli mo.

Praaak!!

Oo, nga pala… Mahirap daw ang magtrabaho dyan sa bahay nina Soraya. Balitako lang, oy…

Putris! Kung lasing ka na, umuwi ka na!

Shinong…lashing? Akho? ‘tang ina, shambaluuushin phaa kita, eh.

Anong labas kanina sa hueteng?

A, pompiyang na duling.

Sabiko na e, yan ang lalabas. Sayang, iba ang natayahanko.

Ungas! Alam mo na palang lalabas, ba’t di mo tinayahan? Gago!

Sige, tira na! Magtagalka na lang sa suso, huwag sa baso. Tagaymo na.

Ha ha ha! Anong tawag sa maliit na palaka?

Butiti!

Ungas, isda naman ‘yan.

E, ano nga?

E, di palaka rin.

Palakarin mo yang baso, buwisit.

Check!

Tanga, ipapakainmo ba ang reynamo? Kakaininko.

Teka, horse na lang…

Aling Belen, sindihan niyo nga po ang ilaw, di ko na makita ang ititira ko e.

Hoy, magdala kayo ng lampara nyo.

Asin nga po.

Limang manteka nga po.

Redhorse pa?

Pasindi pare…

Namatay na pala si Aling Melchora…

Matagal na. Noong panahon pa ng kastila.

Ang alin?

Yan po. Tuna, ata.

Ilan ba ang namatay?

Saan?

Talk n text pala nanalo kagabi…

San Miguel, yung pilsen po.

GSM po.

Bawal.

Pabili ni tatay…

May utang pa, magbayad muna.

Magkano?

Sampu.

Ang utang?

Yung namatay…

Dalawang GSM.

Nakapagsaingka na ba, Tino?

Magkano lahat?

Hindi pa!

Sige, mabusogka sana sa kakakain ng reyna!

Check mate ka, pare.

Uwi na ako.

Hoy, ‘yang bote!

Bukas na lang…

Ililistako?

Sige, trese trese.

Hindi ito mauubos. Sa susunod ulit…

 

Dapat Gawin:

1. Kumuha ng calculator at sumahin kung magkano ang ‘di mo pa nabayarang utang?

2. Nasubukanmo na bang nasunog ang isinaing?

3. May lampara pa ba sa bahay nyo?

 

Photo Credit:

Ang Pulutan ay Pamatay Lasa, Hindi Pantawid Gutom! Facebook Fan Page

2 responses to “Sari-sari Store, Sari-saring Kuwento

  1. duking January 29, 2011 at 11:31 am

    malaya’t malikhaing pagsubaybay sa eksena ng sari sari store ito ah? ang galing!

    kulang na yata ang digit ng calculator sa utang ko.hahaha! nasunugan na ako ng sinaing, nahilawan, nabantilawan, na lugawan…lahat halos! at may ilaw pa rin kami ng tahanan!

  2. Ka Loren January 31, 2011 at 8:12 am

    salamat sa mga sagot ka duking… parang recorder lang ang nangyari e he he he…di ko alam kasing isulat na tuluyan pero pwede sigurong isulat bilang script ng stage play he he… o monologue, ha! walang talaga, magulo…hay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: