Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Lab is in da er…


Kahapon, araw ng mga puso. Buti pa ang mga puso(n) may araw…araw ng balentayms. Ako? Di ko alam kung ano ang kuwento sa likod ng balentayms na ito.

Ha, basta! Maraming nagsuot ng mga pulang gamit, damit man yan o lipstick. O kaya, pulang bakat ng lipstick sa damit? Di ko rin alam. Maraming isinabit na hugis puso o idinikit kaya sa salamin, dingding o kung saan-saan. Marami din ang puso ng saging sa palengke. Araw ni balentayms kaya lab is in da er…

Sa mga tambay na tuladko, kantiyaw lang ang aabutinmo kung mabalitaan na de-deytka sa araw na ito.

At sa salat sa yaman na tuladko ring basurero, ordinaryong araw na lang ito na tulad din ng bertdey, biyernes santo at krismas. Kailangang  kong mangalahig para itawid sa gutom ang aking pamilya sa araw ni balentayms. At, ok na rin na aabutanko ang aking mahal ng mga nabugkos na diyaryo at ilang piraso ng bote para sa iniipon naming pera para sa isang bagong kariton.

Kaya, ang lab is in da er ay isang utot lang sa akin at puno ng carbon monoxide.

Kung totoo ang mga nabasako sa lumang diyaryo na napulotko na pati Pari ay sumasawsaw sa usaping balentayms na gamit ang condom na siya ring dahilan na magsermon sa diyaryo at tv, hindi ko na maintindihan ang araw ni balentayms.

Tapos, sasawsaw din ang patalastas na ‘proteksyon muna ‘tol bago aksiyon’, mas tatatag ang tiwalako na ang katorse pala ay isang pagdonselya. Happy V-day nga!

Ang maliwanag sa akin ay ang Pebrero katorse ay isang pautot lang ng lahat na may kaba(g) sa didbdib at ng mga may maraming pagkukulang sa sinasabing nagmamahal at minamahal.

Eto ang sure, pati pala bulaklak naging mahal, e.

Gayunpaman, uuso rin ako. HApi balentayms na rin sa inyong lahat! At, happy V-day na rin!

6 responses to “Lab is in da er…

  1. jfi7811 February 15, 2011 at 1:27 pm

    tulad ng ibang mga okasyon.

    sabi nga nila “lilipas din ‘yan”!

    • Ka Loren February 15, 2011 at 1:57 pm

      oi…kakang…buti lumabaska😀

      inalismo na ata ako sa listahan ng mga asungotmo sa FB? musta na ang PHL made mo?

      parang kabag lang ka jake, i-utot lang at lilipas na kusa. Gayunpaman, happy V-day rin… as in Vagina Monologue (LOL!)

  2. jfi7811 February 17, 2011 at 8:54 am

    FB? tuluyan ko ng linisan…hehe!

  3. Monik August 27, 2011 at 4:00 am

    Totoo yan, sa isang dukhang tulad ko normal nalang samin ang Bertdey at belentayms. . .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: