Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Dapat Mong Alamin

Ano naman ito?

‘yan ang karaniwang tanong. Bagong blog na naman, kainissss! Ano naman ang mayroon dito na wala sa iba? Depende sa hinahanapmo…

Dito, tulad ng nasa header, mga samut-saring katha na makabuluhan o wala lang talagang patutungohan, mga basurang nagkahalu-halo at umaalingasaw.

Ngunit, hintay, ayun sa hermeneutica ni Gadammer, ang lahat ay texto–basura, basurahan, nagbabasura o basurero man ‘yan– lahat may kahulugan. Ang ‘meaning’ ay napapaloob sa pagsanib ng texto at ang bumabasa o bumasa. Kaya, lahat mayroong kahulugan–kahunghangan man ito o kahibangan o nakakadagdag buhay o pangkabuhayan, o kaalaman kaya o nakakabawas ng alam (sana mga maling kaalaman ang mabawas).

Ang mga nilalaman dito ay maaring totoo, kathang isip lamang, komento o mga pinaghalong walang silbi. Naisin sana nating bigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay na ordinaryona sa ating pantasa. Ikanga, bigyan ng ibang perspektivo o pagtanaw o pagtingin sa mga bagay-bagay na may silbi o walang silbi.

Dito ang mga bagay, kahit sa pagbabasura ay maaring malagyan ng kaayusan. Segregeyt, sabi nga nila. At ang ating gawain dito ay pinagsama-sama sa supot ng mga katergoryang bakal, bote, dyaryo at iba pa.

Wala rin tayong iisang paksa tulad din ng pamumulot ng basura, walang pinipili basta kinakikitaan ito ng halaga o gamit, inilalagay sa supot o sa kariton. Tulad din ng kariton, asahan din natin na lahat ay kapakapakinabang–simple man ito o supestikado. Kung wala mang silbi sa iba, maaring may silbi ito sa iba o sa mga susunod na araw.

Tulad din ng pagtatapon ng walang pakundangan, inihahayagko rin dito ang mga iba’t-ibang basurako sa araw-araw. Maari lamang sumunod tayo sa mga babala: Be Aware. No Important Matters Here.

O kaya: Controlled Dumpsite. Lead is Everywhere!

Maari ring: Be Environmentally Friendly. Put Your Waste Here.

Puwede ring: Clean Air Act: Don’t Burn!

Hayan, alam n’yo na siguro ang kahihinatnan ninyo dito: Contaminated.

Para sa karagdagang impormasyon, maari lamang dumulog sa una kong poste: Tuloy, Sige, Tuloy!

Napaka-etsing kasi natin, feeling global kaya puro ingles. Tuloy, walang nangyayari.

Basura n’yo, itapon-tapon n’yo! Basura n’yo, iiponinko!

(PS means: Plis, segregeyt…)

PS: Mag-subscribe kayo sa blog natin, para ‘di kayo maiwanan ng kariton.

9 responses to “Dapat Mong Alamin

  1. Nortehanon September 15, 2010 at 6:47 am

    Dahil sa pagbanggit mo ng hermeneutica ay bigla kong naalala ang isang mabait kong propesor noong kolehiyo. Salamat sa pagpapaalala.

    • Ka Loren September 15, 2010 at 7:55 am

      πŸ˜€ salamat sa pagbisita…kaibigang Nortehanon…welkam po sa muting karitonko..

      opo, maganda, gagiliwgiliw, tsalenging and pilosopiya ng lenggwahe po ata e…wew!
      sa karanasanko, mabait talaga ata ang mga pilosopo e…maari ko po ba kayong i-add sa karitonko?

      Godbless po.

  2. aninipot September 30, 2010 at 8:39 am

    hmmm, interesante..sige, manghahalungkat ako ng mga basura dito.

    • Ka Loren September 30, 2010 at 9:25 am

      salamat po…sa pagdaan. ingat lang po kayo sa paghahalungkat, may mga basag na bote po dyan at mga bakal na may kalawang…mga naiwang dyaryo po mga parteng krusword na lang…πŸ˜€

      namasyal na po ako sa kagubatan nyo…mabunga po ang mga puno…babalikbalikanko po.. salamat ulit…ingat lang kayo sa sprayer…

  3. J. Kulisap October 15, 2010 at 1:00 am

    Ang magugustuhan ko siguro dito ay “puro english”. Bagama’t magiging ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako nag-eenglish, dahil kailangan, dahil hinihingi pero isasama ko sa basurahan mo na mahalin natin ang ating wika. Baka may makapulot na Pinoy lalo na ang ating mga kabataan.

    Maraming salamat.

    Dumaan ako, naintriga ako Ka Loren. Kamusta ka?

  4. Ka Loren October 15, 2010 at 2:54 am

    :d ikinagagalak ng hamak na basurerong pinoy ang pagdaan na isang mahiwagang J.Kul. Salamat sa pagdaan po.

    Tungkol naman po sa ingles, hay, di talaga maiwasan din ang pag-iingles dahil ito na rin ang pilit na isinaksak sa kukuti natin ng sistemang edukasyon na pinapairal sa ngayon at ang masaklap pa ay ang mapagkunwaring national language na Filipino na kung tutuusin e tagalog din naman…kung saan nagiging second class ang mga taal na wika sa mga rehiyon…

    salamat po ulit Ginoong Jkul. Sana balik po kayo ulit… magpaalam na rin po ako na idagdag kita sa karitonko…

    • mikaellapagud August 5, 2012 at 12:39 pm

      ang pagbabasura ay malinis na trabaho at nakakatulong rin ng kaunti para sa kabuhayan pero marami rin itong naidudulot na hindi maganda sa lahat gaya ng kapg natapn ka ng basura sa ilog o dagat,maaaring mamatay ang mga isda o kayay ang pagkapekto ng isda kpg nakuha ng mga mangingisda ay maaaring magdudulot ito ng sakit o anumng inpeksyon sa katawan ninumang kakain ng isdang ito .. kaya dapat na mg ingat para sa kaligtasan ng lahat ..
      kapag nagtapon ka ng basuara sa likod ng iyong bahay:–> kapag umuln maaanud ito at pupunta ulit ito sa loob ng inyong bahay ..
      kapag nagsunog ka ng plastic at mga metaloids ngdudulot din ito ng pagkakasira ng ozone layer na nggng dahilan kng bkt napakainit ng panahon ..
      paalala po sa laht upang makatulong sa pag iwas pagkacra ng ating ozone layer::: “”
      ipunin ang mga nabubulok gaya ng dahon,ilagay ito sa lupang nabungkal at doon ibaon hayaang mabulok pgkataps maaari ka ng mag tanim ng halaman at magccilbi itong fertiliser at mamumunga ng masustansyang pagkain.

  5. purplebrightsummer April 27, 2011 at 1:07 pm

    ganda ng konsepto. galing!πŸ˜‰ hindi pa ho tapos sa pagbabasa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: