Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Category Archives: Bote

Pot of Gold

I’ve been searching for a pot of gold like the kind you find at the end of the rainbow…

Fleetwood Mac, As Long as You Follow

Nakakalungkot isipin na araw-araw maraming mga kababayan, kaibigan at kamag-anak na nangingibang bansa dahil sa ‘paghahanap ng isang luntiang pastolan’, o di kaya’y ang makasaysayang ‘pot of gold’ sa dulo ng bahaghari.

Natanongko tuloy at idinikitko pa sa facebook kung ‘lahat ba ng dulo ng bahaghari ay nasa ibang bansa?

Marahil nga, nasa ibang bansa ang banga ng kaginhawaan… at unti-unting ipinapadala sa atin dito sa ‘pinas ng ating mga mahal na kamag-anak, kaibigan, kababayan habang sinisikil nila ang paghulagpos ng pangungulila sa kinagisnang samyo at gayak kung ganyang tinitingala nila noon ang nakakabighaning bahaghari.

Marahil, kalakip nito ang mga tuyong luha, mga piping hikbi at ang isang dipang pagsusumamo na sana ang gintong nakalkal sa disyerto, sa nyebe, sa indayog ng barko, sa mga kisameng nilinis ng agiw, o mula sa mga takatak ng keyboard o pagpindot ng mouse, ay makagagawa ng mga bahaghari na ang dulo nito’y nakatusok sa bayan kong Pilipinas. Na sana sa tuwing pagsapit ng kulimlim at pagpatak ng mga ambon sa buhay, na sana tuwing lalabas ang matalinhagang bahaghari, masasabi na nating: dito ang dulo ng bahaghari at dito sa lupang ito nakabaon ang banga ng kaginhawaan.

Kailan kayo ito mangyayari?

Kailan hihinto ang pag-ikot ng baggage counter sa airport?

Kailan kaya mawawala ang mga musmos na kumakaway ng paalam sa ina o tatay habang nilalamon ito ng aircon sa airport at nag-iiwan ng malungkot ngunit puno ng pag-asang flying kiss?

Pero sabi nga nila:

I want to live, I want to give, I crossed the ocean…, so I keep on searching for a heart (maybe pot) of gold…

Neil Young, Heart of Gold

Sa oras na ito, marami na naman ang mag-fa-fasten your seatbelt, we are approaching…_____________airport in a few minutes…

At sa paglapag ng eroplano, isang nag-aatubiling hakbang ang siyang simula ng bagong paglalakbay patungo sa banga ng kaginhawaan na minsan tiningala at pinangarap na matagpuan sa dulo ng bahaghari.

Sa basura na lang ba ako mangangarap ng isang banga na punumpuno ng ginto?

Advertisements

Yes! Late Po Ako…

<Nasira ang arawko! > Humaba pa ang nguso ng kakilala kong bebot. Sinipa pa nga niya ‘yong batong– sa palagay niya na– nakatisod daw sa kanya kaninang umaga.

6 pm…magkasalubong kami.

Parang nagsalubong nga ang mga kilayko na tira ng apoy noong nagsindi ako ng yosi sa kanto. PI! Cricket na lighter na gadangkal ang apuy!

<Bawal ba akong sumalubong sa’yo?!> Astang singhal din ang banatko. Umaagos pa kasi ang pawisko kasi nahabol ako ng aso dyan sa labasan. Inalis na kasi ang signboard na: Beware of Dogs, at dahil sa kaangasanko, sige lang ako ng sige sa pamumulot ng basura kahit may kaagaw pala akong aso sa isang dram. PI! na naman.

<Nasira din ang arawko!> Ibinalibagko na rin ang sama ng loobko. Kailangan minsan magbasura ng damdamin…kailangan nang kalusin ‘pag puno na ang salop, sabi nga ni FPJ.

<Dahil ba sa ako’y nasalubongmo?!> Naghahanap talaga ako ng away ngayon, e. Sinong superman d’yan at salubungin ang initko? Ilalabasko na. Hindi ko na mahintay ang sabi-sabi: Init ng Magdamag.

Sasabunutanko na sana nang maalalako yung napulot kong aklat–konting dekorum ata ang nasambit doon. At, baka pagtawanan ako na pumatol sa babaeng ubod ng ganda ngunit masungit.

Basurerong Pinoy Nakipagsabunutan! Ha, ayaw ko ng ganyang publisidad. Buti pa eto: Basurero Nagsampa ng Kaso, Ibinasura.

<E, bakit nga…> Hayan, pakering konti at pinalabasko na ang totoo na palekerong pinoy din ako.

<Pinagalitan ako ng Bossko…Naleyt ako kaninang umaga!> Nilampasan ako at nawalan ng powers ang pakering-kering kong kindat, tumama ito sa pader at bumalik sa akin na parang boomerang. May karma nga talaga…. he he he… (nag-eecho pa ang amoy ng basura sa karitonko) .

Hay, buhay…parang layf. Sobra. Para ganun lang masisira ang araw na bigay ng iyong panginoon…ssyaking!

Tignan kaya natin sa ibang anggulo, ulit.

Hindi yung balakang ng babaeng kumkimbot na nasira ang araw dahil napagalitang leyt. Yung pagiging ‘late’ ang gusto kong sabihin.

Kung ikaw ang boss, marami pa namang pamamaraan para ipamukha sa mga tauhan na ‘late’ na naman sila na hindi nakakasira ng araw. (Iwasang magkasala, huwag sirain ang araw: Remember, God made night and day.)

Una, daanin sa pakering-kering:

May problema ka ba sa bahay ninyo? Handa akong makinig…

Kailangan na sigurong ipatinginmo ang sasakyanmo para di ka niya itinitirik sa daan…baka, madesgrasiya ka pa…

Kapag, nagtaka ang tauhanmo, sabayanmo ng ganito:

Lagi ka kasing late….nowadays…

Pangalawa, maari ka ring gumawa ng kakaiba. Parang truth or consequence. Maglagay ng note sa lamisa ng tauhan na may:

Pabilan mo nga ako ng siopao…(posted: 8am), your boss..(pangalanmo)

Kapag wa epek pa rin, araw-arawinmo na ang maglagay ng iba’t-ibang kababalaghang notes, paaga nang paaga ang posting time. Kung hindi pa makahalata, magdasal ka na at go, bombahinmo na ang araw! at nang matunaw na.

May ikatlong paraan pa. Maghintay sa log-in booth, tapos kapag dumating ang late na tauhan, sabihin mo:

Nalogged na kita. Alam kong pagodka sa kahahabol ng 8AM, e. Sabihinmo lang kung i-time in kita ulit bukas…

(Hindi ito oobra kung sa biometrics, unless, ikaw ang admin ng system, he he he…)

Kapag hindi mo na talaga matiis ang kamanhidan nila. Magpa late ka rin lalong lalo na kung pirmahan na ng payroll. O, kaya, matuto sa link na eto.

Iwanko kung may late dyan sa oras na ‘yan. Baka ikaw na lang. Pag payday na.

***

Kung ikaw naman si tauhan at napapagalitang late dahil ikaw ang natsambahang napagtripan ng bossmo, ito ang magandang dahilan.

Bago ka pa punahin ng bossmo, banatanmo na:

Marami pa po pala ang mga batang magagalang sa ngayon, madam/sir…biruin ninyo, halos lahat na nakasalubongko na bata ngayon, e, nagbless sa akin…hayan tuloy, late po ako.

Eto pa:

3% ang nabawas sa carbon emission ngayon! Naglakad ako!

Kung di mo trip ang mga basura na payoko o iniismol mo ako dahil basurero (lang) ako, ito basahim mo at nang matauhanka naman.

Kung ikaw naman ay ang taong marunong sumunod sa galaw ng orasan, may magagawa ka rin sa mga late-late tan na iyan, ito bisitahinmo rin at maibsan ang inyong sama ng loob sa mga kasamang PAL.

O, hayan, kung ganyan ang approaches, wala sanang basurang araw.

%d bloggers like this: