Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tag Archives: abroad

T.A.M.B.A.Y: Tay, Ako’y Mag-aabroad Baka Ako’y Yayaman

Istambay by Keith Bacongco on FlickrNakakatuwa dahil ako’y basurero ngunit ang pinagtutuonanko ngayon ng pansin ay mga tambay. Sila kasi yung mga lagi kong nakikita tuwing nagtutulak ako ng kariton. (Liwanaginko lang ha, kariton).

Ngunit, hindi iyan ang ihahainko ngayon.

Habang ako’y nagtutulak, masaya naman akong nakikinig ng mga myusik sa ibinenta sa akin na parang walkman. Siyempre, kasama na doon ang erpon. So, nakikinig nga ako sa isang FM na palaging bumabanggit ng kanilang sponsors (kainis!). Ililipatko na sana e nang marinigko ang patalastas tungkol sa nursing review center.

Hanep sa marketing sabi nga ni Bob Ong. Imbes na ang value ng pag-aaruga ang sabihin e, halina’t magrevyu dito sa ___________ at sigurado ang trabaho nyo sa abroad. ‘yan ang punch line. ‘di ba nakakatuwa at nakakainis!

Pero ano pa nga ba ang asahanko. Lahat na ata ng ambisyon ay makapunta sa abroad.

Sabi nga ng kinder kong anak: Paglakiko, mag-aabroad din ako! Kitam…

Hayan…kaya ang nakikitang solusyon na lang sa mga tambay ay itapon sa mga lisensyadong agency at makapunta na nga sa abroad.

Tay, Ako’y Mag-aabroad Baka Ako’y Yayaman!

‘yan na lang kaya ang solusyon?

Dagdag Gawain:

1. Marami ka bang kakilala na nasa abroad?

2. Ano ang alam mong dahilan ba’t sila nag-abroad?

3. Ilista sa papel ang mga gawain ng mga tambay. Idikit sa waiting shed.

Advertisements
%d bloggers like this: