Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tag Archives: arte sa gulong

Gulong, Gamitin sa Kaartehan

WoW! War on Waste..

Pwede na palang pinturahan ng bulaklakin ang gulong?! Galiiing!

O, di kaya…pink na gulong? Nakakita na ba kayo ng pink na gulong?

Gulong sa Kaartehan

Gulong sa Kaartehan, uha!

Sa kalilibutko sa paligidligid, nagagalugadko ang mga ibang lugar na sinusunog ang wala ng silbing gulong. Sayang…may pera pa sana dyan.

Uso daw ang dengue fever kaya ayan, geninocide ang mga gulong at lata.

Oppppsss….

Yan kasi ang hirap sa mas mabilis na isip keysa sa paningin. Hayan, tuloy palaging basura ang kahihinatnan ng ating paligid kasi nababaliwala…parang walang importansya.

Hayaan mo munang daanan ng paningin ang mga bagay-bagay tulad nitong katha kong walang silbi na sadyang maganda sa aking pantasa (sa akin lang ha? di ko alam sa iba) bago sana kalkalin ng isip ang lahat na pakahulugan na nakahibla sa mga kataga.

Teka! Alamko na rin yang read between the lines na iyan…

Sige, subukanmo mo nga. Ituro mo nga sa amin ang mga layns na yan at isulat ang reyd mo sa betwin nila.

Buti pa ito: Totoo. Titsers ar betwin da layns. May dala pa ngang istik at handang mangpingot!

Basa muna sa mga kataga at tapusin ito hanggang sa dulo. Pagkatapos, basahinmo ulit at gamitinmo ang galing mo sa reyd betwin da layns.

Maari talagang gamitin ang gulong sa kaartehan–sa sining–depende lang sa pagtinginmo at kung saanka nakatanod.

Basahin mo ito...Creative Used Tires Sculptures Around the World…at kung hindi ka pa mamangha at sabihin sa akin na totoo pala na ang gulong ay magamit sa kaartehan. Babala: Ingles yan!

Dagdag Gawain:

1. Kung nagmamadalika sa paglalakad at natisodka, maituturo mo ba ang kriminal na bato?

2. Maliban sa ginawa mong duyan o hamps ang gulong, ano pa ang pwede mong gawin sa mga ito. Bawal mangopya.

3. Sa palagaymo, basurero ba ako?

Advertisements
%d bloggers like this: