Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tag Archives: bakal

Kumpul-kumpol na Basura

Marami ang mga nagkalat d’yan. Pansinin ninyo.

Basura sa tabi ng kalan

Karamihan ay mga nagkakalat na tuladko.

Kayo, ‘di ba kayo nagtatapon ng kung anu-ano? Sa tabi ba ng upuanmo noong ‘lementarika, malinis? Kunwarika pa? Alamko, hindi. Ganyan kasi ako noon. Kitam?!

Karamihan kasi sa atin, ang sarili ang basehan ng panghuhusga–dahil ginagawako, alamko, ginagawamo rin. O, kaya karamihan may aydol at ikukumpara ang sarili sa aydol n’ya. Tuloy, walang magawa kasi palagi na lang may kumparahan. Ang resulta: basura ang mga nagawa. Nagkalat na basura. Sayang.

Parang naghalu-halong papel, bote’t dyaryo ang laman nitong sitio na ito. Kaya’t magtiiska at matutong masegregeyt ng alin sa gusto mong tama. Basta ako, maghain ng maghain ng halu-halong balat at tinalupan. Kunwari’y may mga malinis na bote na pwedeng pag-aksayahan ng tingin at ang mga iba, wala lang talaga kundi nasama lang sa walang kwentang katha.

Kapakapakinabang o Walang Pakinabang

Upang ‘di tayo malito at maiwasan ng hindi pagkakaunawaan, gagawa tayo ng segregasion.

Ang Bakal

Lahat na usapin tungkol at patungkol sa pulitika, pamumulitika, politiko at lahat na usapin patungkol sa politiks ay ilagay natin sa katergoryang bakal. Isama na rin natin dito ang lahat na usapin tungkol at patungkol sa relihion, pananampalataya sa Diyos o lahat na metapisikal na ideya. Ibasura na rin natin dito ang lahat na usapin na patungkol sa pilosopiya kung mayroon man.

Ang Bote

Lahat na usapin at pag-uusap tungkol at patungkol sa pinansial, ekonomiya, pangangalakal at pamamahala sa negosyo ay isilid natin sa katergoryang bote.

Ang Dyaryo

Mga bagay-bagay na patungkol at tungkol naman sa mga literatura, arte, at kaartehan, syobiz, isports, tsismis, fityur at mga tao at pagkatao ay ilagay natin sa katergoryang dyaryo.

At Iba Pa

At lahat na kathang isip– totoo o hindi totoo, kababalaghan, kahibangan–ay isupot natin sa ibaba ng katergoryang at iba pa.

Hayan. May kaayusan na! ‘di ba masaya kung maayos ang paligid?

Mga walang kwentang mga tao, bagay, lugal, pangyayari ay ilagay na lang natin sa nabubulok (sige tawa!) na basurahan at hayaan na lang nating mabulok sila doon tulad ng mga bulok na pulitiko at bulok na sistema. Kung kailangang pagtuonan sila ng pansin, e, di ilagay natin sa kanilang kinalalagyang katergoya.

Maligayang pangangalkal sa inyong lahat!

Pagsasanay:

1. Bumili ng di-mamahaling notbuk at gawin itong listahan ng mga aral na napupulotmo araw-araw. I-segregeyt ang mga ito sa maayos na kategorya.

2. Subukanmo, walang mawawala sa iyo.

Advertisements

Tuloy, Sige, Tuloy!

Naks! Ingat kayo sa pagdaan…

Alam n’yo na ngang basurahan e…dumaan pa kayo.

newey, ‘di ako nagkukunwaring sumulat at magsusulat sa Filipino dahil hindi naman ako bihasa talaga sa salitang ‘to maliban na lang sa mga natutunanko sa iskul na puro kulang-kulang (mga pahina ng libro) at dahil na rin sa kahiligan kong magresis at maglaro ng jolins at tsaynis garter naging kulang din siguro ang tym ko noon, ha!

Hindin naman kasi ako Tagalog. Ibig sabihin hindi ito ang likas na salita na  namumutawi mula sa aking bibig at isipan.

Tuloy, sige, tuloy lang…

Iwasan n’yo lang ang mga bote’t dyaryo d’yan sa tabi…ipapakiloko pa ang mga ‘yan bukas pagkataposko itong ipablis.

Hay, buhay…(hinga).

Nabuisit kasi ako sa kasusulat ng ingles sa mga ibang blogko na wala rin lang patutungohan, kaya ito, mag-ipon na lang ako ng mga basura: bote, bakal, dyaryo at iba pa.

Wala kayong makukuha dito kundi mga kinakalawang na mga ideya, opinion, komento at samu’t-saring palipad hangin, este, palipad pala sa kawalan ng kumunoy ng internet…at mga walang silbing karanasan sa buhay ng isang Basurero, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan.

Sige, tawagin n’yo na lang akong Basur (parang Indian pana ano?), o kaya AnakBu (o parang lahi naman nito ni Lapu-lapu), o di kaya Alip Kahib (parang pamilya ng damo ata ito). A, basta tawagin n’yo ako sa gusto ninyong tawag, kahit ano basta huwag lang pupu o kaya pekpek.

Ayawko ‘yong doble-doble tulad ng Bobo, Jojo, Wangwang, Kiki, Pokpok, Tete, Bongbong, Noynoy, Junjun, Cheche (tse ka rin!).

Tuloy, oo, naman. Tuloy.

Ang masama dito ay mayroon tayong kategoriya na at iba pa (atbp). Ano kaya ang magiging laman noon? Abangan…

Basta, sa ngayon, pasalamat ako at mabibitiwanko ang grammar tseking at ‘di na ako punahin ng titserkong masungit. Sa mga ispeling dito, basta hindi lang jejemon oki na rin.

Sana patuloy ang inyong pagsubaybay sa paghahainko ng mga putaheng bakal, bote, dyaryo at iba pa.

%d bloggers like this: