Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tag Archives: buhay pinoy

Sleep Walking 3

Ang karugtong ng Sleep Walking...1 at 2

****

<Magsiwalaan ang mga uma. Mga palayan ay mapapalitan ng mga bahay ng kumikintab na mga kotse. Mga talampas, mga lambak at mga burol ay gagawing lona na pleygrawnd ng pamamalo ng maliliit na puting bola. Papaluin ang bola, hahabulin din at ‘pag naabutan, papaluin ulit at isyot sa maliit na butas. At, eureka! Mahuhugot ang pinakaaasam na flag na tanda ng paghimlay ng bola sa mababaw na hukay.>

Segsegenmo na maigi, ‘at ng magkalasa din. Si Lakay.

‘la na’ng katas. Binuhusanko na ng mainit na tubig, kahapon pa! Si Baket.

<Kuwento na rin ang bagoong dahil magmahalan ang asin. May royalty na kasi ang processo ng pagsasana. Mahihiya na ang hintuturo na maitatarget sa asin. Pati ang ‘pagsegseg’ sa bagoong ay may patent na rin at pinatente ng magmamay-ari ng pinakbet.com.>

Habulinmo at matagal na tayong di nakatikim ng ganyan.

Ano pa’t puro na lang selopin ang mga nandito e. ‘ala na ‘pre. Sayang, extinct na ata ang mga talangka, e.

<Mabibili na rin kasi ang mga dalampasigan at tatayo doon ang mga maraming kubo. Matatakot na ang mga talangka sa mga milyong-milyong paa ng mga tao na nagtatampisaw sa brownish ng dagat.>

O, ito ang mga pictures. I-scanmo.

Pagalawinko. ‘lagyanko nga ng animations para maging parang totoo.

<Hanggang sa screen savers na lang ang mga bagoong, ang mga talangka at ang mga asul na tubig ng dalampasigan. Mapapasama na sila sa bilyong screen savers sa loob ng malaking kompyuter na may kontrol sa utak at damdamin ng tao. Ang pahinga lang ay ‘Stand by Mode’ at bawal na ang ‘Sleep Mode’ sa panahong ito.

Beep tit tit tit… at unti-unting mahihila ang malay.

<BABALA: Bawal managinip! Breaching the line of sleep mode…>

*****

Bigla! Mapapahid ang muta na namahay sa mata at magugusot ang mga pilik-mata. Kakawala ang nakakulong na hikab…

*****

<Halu-halo ang mga nakabarong mula sa naprocesong balat ng saging. Pati nga puno ng saging ay may patent rights na rin. May nagmamay-ari na!. Lakatan, mayron. Tundal, mayron. Dippig, mayron. Balayang, mayroon na rin. Pati na nga dahon ng saba, may tagna.>

Magkakasalungat naman ang data na mga ito. Nakakahilo. Sambit ng isa na nakabarong ng lakatan.

Huwag ka nang maingay dyan at may nakikinig. Bilin ni Boss, e di ‘yan. Sagot naman ng isang nakabarong ng tundal.

Hindi naman totoo ang mga ito, e! Sabad naman ng nakabarong ng dippig.

Tama o hindi, pare-pareho din yan. Di rin nila maiintindihan. Singhal naman ng isang nakabarong ng balayang.

<Abala ang mga nakabarong na sumusuma sa mga detalyeng nakapaloob sa pangakong tuwid na daan. Makailang beses na nilang inulit. Pauli-ulit na. Lilipad na ang mga kotse pero di pa rin nagkakatugma ang mga detalye at probabiliti ng pangako.>

Kotse! Sabi ng isa. Ang lumilipad.

Hindi  jiplin sabi naman ng isang nasa likuran.

<Mayroon pang gadget na panghuli ng kidlat. Lintek na ang magchacharge ng mga sasakyan….huuaaah!>

*****

Baliktad na ang panahon at nagpafastforward na…

Rewind….

*********************************

Nanginig ako at hinilako ang kumot. Naitalukbong sa uloko ngunit sumilip din ang mga paako na kaagad namang nilapa ng mga lamok na nahihilo na sa pagkagutom.

Anak ng Lintek! Bumubulong na ako habang ako’y pinandilatan ng larawan sa kuwadradong dingding. NakaLCD pa at bawat sagi ay nag-iiba ang pictures. Touch Screen. Syet! Biglang lumabo. Napapairap pa ako. Sepia na. Naaagnasna ang larawan sa dingding. Anim sila. Ang Tatay, ako. Ang Nanay. Ang panganay na si Iskwat. Si Eman. Si Anib. At, si Ania.

Namaluktot ako. At dalawang kamay kong pinisel ang aking sikmura. Humilam…at parang kumulog. Hay…

Tapos na siguro ang pangatlong tilaok ng mga manok. Magliliwanagna. Unti-unting kumakalma ang aking paghilik at namamalayanko na ang tunog. Umunat ang aking kamay mula sa sikmura at pinunasko ang tumutulo ko pang laway. Hinanap ng aking paa ang tsinelas at unti-unti itong tumunog patungong CR. Giya ang isang kamay bumulusok ang panghi sa panghing naiwan noong hating gabi. Natauhan na ang aking mga daliri at hinagap ang gripo. Tinungo ng tubig ang kanina’y namahayan ng panis na laway kong bunganga. Kumawala ang aking mga mata mula sa pagkabighani ng muta. Lumakas ang aking pang-amoy at umabot sa akin ang samyo ng nalalagang sinangag na bigas.

Wow! Blend Forty Rice!

‘la ng bigas. Ito na lang ang ating almusal. Ang asawako.

Napapiket ako.

Ang mga bata? Ako.

Mga tulog pa…

Nananaginip din sila. At liningonko ang mga bata at sana masasarap na pagkain ang panginip nila.

Alam kong marami akong panaginip ngunit naeris na lahat. At ngayon, hihipanko ang kape mula sa sinangag na bigas at ang gabatong kaning-lamig mula sa NFA na papalambutin naman ng mainit na kapeng blend forty rice. Masaya pa din ako na maghihintay sa aliw na dulot ng aking pagtotbras at pagligo sa apat na tabong tubig.

Ngayong umuga, ang umaga pagkatapos ng isa na namang kahapon, iiponinko lahat na mga papel, dyaryo, bote, plastik at bakal sa kalsada na tulad din ng pag-iponko sa mga naglaho na ring pangarap, ang aking mga panaginip. Oo, doon sa puwestoko na kung saan nandoon ang lahat na kayamanan: Ang Commonwealth Avenue. Ang daan na kung saan nandoon ang kayaman ng lahat. Ang komonal na kayamanan!

Pagtitiyagahanko ang mga basura. Aabot na ring 18.25 ang naipon kong tig25 sentabo.

Para sa isang kilong bigas.

Mamayang gabi, oo, mamayang gabi, ako’y pipikit na naman at magpafastfoward…..

<NATAPOS DIN>…hay!

***

Pahabol:

Ang Kuwentong Basurero na ito ay orihinal na nalathala sa isang karitonko sa internet at may pamagat na TARIMBANGON, sa Tagalog ay ALIMPUNGAT. Lahat na pangyayari ay sadyang kathang isip lamang at kung may kahawig sa totoong buhay o sa mga nalathala na ay hindi sinasadya.

Ang tanging layuninko lang ay ang pageksperimento sa ‘mimises’ ni Arestoteles at pilit na isalin sa isang katha ang mga pangyayari sa loob ng isang panaginip. Hindi ko rin alam kung saan ito mapapaloob sa larangan ng pagkuwento.

Advertisements

Uso Pa Ba Ang Dengue Fever Ngayon?

Hay, naku! Laman na naman ng dyaryo na napulotko ang tungkol sa dengue na sakit na yan. Ilang taon na bang laman ito ng mga balita?

Ano ang mga ginagawa upang mapuksa ito?

Kung ang mga ginagawang katakot-takot na balita ay panghimok sana na gawan ito ng paraan upang maging kasaysayan na, e, di okey sana ang tanongko:

Uso Pa Ba Ang Dengue Ngayon?

Aasa pa ba tayo na maging bakla lahat na lamok? Oooopppssss! Hindi ito pasaring sa mga katotoko. Ang lamok yata na salarin ay mga babae. Ika nga, harmless ang mga lalaki. Hindi naman talaga nangangagat ang lalaki maliban kung aso ito. Yay!

Aha! Si Tyson pala noon…kinagat si Holifield… kaya pala ang pangalan ng aso ng kapitbahay namin ay Tyson.

Balik tayo sa dengue.

Dadami lang ang lamok kung umuulan. Hindi!

Dadami ang lamok kung may naimbak na tubig na puwede nilang pangitlogan. Yan ang totoo. Nagiging balita lang ang dengue kapag umuulan. Isa rin yan na totoo.

Tuwing umuulan ding naaalala na solusyonan ang sakit na ‘yan. Para baga: hindi naman tumutulo ang bubong kung hindi umuulan, di ba?

Mayroon akong alam na solusyon diyan. Basurero ako e. Napakadali lang sundan ang mga ito:

  1. Iwasang magkaroon ng basura. Gumamit ng PR. (Plis, Resaykel)
  2. Iwasang magkahalu-halo ang mga basura. Gumamit ng PS (Plis, Segregeyt)
  3. Lahat na nabubulok, bulokin at gawing pataba. Re-Use.
  4. Lahat na di nabubulok, huwag piliting bulukin. (Pinipilit bulukin kasi itinatapon kung saan-saan hanggang kainin ito ng kalawang.)
  5. Ipunin lahat na maaring ibenta at ibenta kay basurerong pinoy.
  6. Maging malinis sa pamumuhay. Iwasan ang instant. Lahat kasi na instant kaakibat ng lata at supot na selopin. Sige, mag-isip nga ng mga bagay na instant na walang lata o selopin, maliban siguro sa instant anak at instant asawa.
  7. Gawing simple ang pamumuhay. Huwag magsumiksik sa mga urban areas. Huwag kang magyabang na tagasyudadka, iskuwaterka naman!
  8. Sundin ang batas. Huwag gumawa ng bahay sa daanan ng tubig (estero), playa, o bungaran ng ilog. May kalayaan din ang tubig. Hayaan itong dumaloy! Gets mo?!
  9. Kumain ng sagana sa bitamina (hindi muti-vitamins!) tulad ng dahon ng malunggay at talbos ng kamote. Kung wala kang lupa, nabubuhay ang mga ito sa paso o sako.
  10. Iwasan ang mga babae (na lamok!).

Ano?! Laban ka?

May payo rin ang mga katoto kong TAMBAY.

Kung tinamaan na ang kamag-anakmo, humanap ng papaya. (Babala: Wala pa itong sayantipik na patotoo. Hango lang ito sa tambayan ngunit hindi rin nakamamatay na subukan.) Dahon ng papaya. Yung greenish pa. Hugasan ito at alisin ang matigas na tangkay pati iyong parang ugat sa dahon. Dikdikin ito. Kumuha ng malinis na tela at pigain ang dinikdik na dawan. Ang katas (pyur dapat) ay ipainom sa pasyente.

Paalala lang: Yung green pa na dahon ng papaya, hindi iyong tuyot na.

Kung hindi maiwasang pansinin ang tuyong dahon ng papaya, hindi ito mabisa sa dengue. Gamot sa kaadikan, puwede. Maaari ring gawing tabako ang ang tuyong dahon 😀 at pagtripang hititin para malayoka sa bilibid, rehab o sa nitso.

Efectiv daw, ayon sa mga katambayanko sa pisbuk at ng mga tambay sa kanto.

Ito pa. Sigurado ako na longlasting ang efek.

Gumawa ng plakard. Isulat ang mga ito:

PANATILIING MALINIS ANG BAKURAN. DITO SA AMIN MALINIS NA! SANA SA SUSUNOD NA MAY MADENGUE, HINDI KAYO ANG BIKTIMA.

Ilagay ito sa geyt at takpan ang plakard na: BEWARE OF DOGS!

Bakit aso ba ang nakatira sa loob ng bakuran na may geyt? Nagtatanong lang po. Napansinko kasi sa pangangalapko ng basura, karamihan na nakasabit sa geyt ay BEWARE OF DOGS.

Sabiko sa sariliko:

A, walang basura dyan, pati nga tae o buto pinapatos pa e….

Balik ulit tayo sa dengue.

Hindi dapat panandaliang lunas lang ang gawin. Dapat preventiv at paghuhulma ng kaisipan (mindsets) na ang dengue fever prevention ay isang komonal na gawain ng buong ‘tambay-anang’ Pilipino.

Sana po may natamaan sa ibinato kong kamatis!

Dagdag Gawain:

1. May bakla bang lamok?

2. May alam ka bang dahon na nakakagamot ng dengue?

3. May plakard ba kayong BEWARE OF DOGS? Huwag, i-deny…

%d bloggers like this: