Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tag Archives: dyaryo

Major, Major I Am Sick!

Waaaa! Sumasakit na ang uloko!

Lumang Dyaryo

Dyaryo Kayo D'yan!

Ano ba naman ang mga laman ng mga napupulot kong dyaryo?

Bonggang-Bongga! Lalaki Nagbati sa Mall, Kalabuso.

Mga sampol ng mga headliners ng tabloyd ‘yan. Hay, naku. Mga ganitong klase pa naman ng mga dyaryo ang karamihan at kadalasang nasasama sa mga basurang napupulotko. Bakit kaya?

Bakit nga kaya? Subukan nga nating sagutin.

Ako na ang mauna: Dahil kaya sa karamihan ay sa Tagalog nasulat at marami ang nakakaintindi ng Tagalog.

Hayan ha may sagot na ako.

Teka, teka hindi iyan ang gusto kong tumbukin sa poste na ito. Pasadahan muna natin ang laman ng gutay-gutay nang libro na minsan napulotko rin. Nagkadikit-dikit na nga ang mga pahina, kulang-kulang pa!

Lahat na problema, gusot, suliranin at mga ded ends na kinalulugmokan ng ating buhay ay para bagang wala ng solusyon sa isang kahon ng pagtingin o pananaw. Subukang palakihin ang kahon, gumawa ng panibagong pagtingin at tanawin sa ibang anggulo, at lahat na suliranin ay mawawala, habang may mga bagong oportunidad o pagkakataon na bubulagta.

May dagdag pa ‘yan sa ibang pahina nga lang.

Kunsabagay, lahat ay gawa-gawa lamang ang mga iyan (kuwentong basurero), gawa na rin tayo ng kuwento o frameworks ng mga kahulugan upang maging makulay ang ating buhay at ng mga buhay sa paligid natin.

Hayan. Isinalinko lang ‘yan sa pinakamalapit na pagkaunawako (he he). Ingles, e. Ang ganda pala ng aklat na ito na sinulat nina Ben at Roz Zanders, The Art of Possibility. Bilib ako sa nagmamay-ari nito noon. Siguro, kuha na niya lahat ng mga aral na napapaloob. Kaya’t itinapon na lang. Sayang…

Major, major! Sikat pala ito ngayon, a? Oo naman, pinagtiyagahan kong binasa ang bonggang-bongga ngunit di ko na pinansin ang balita sa lalaking nagbati.

Bilib ako kay Venus Raj. Sayang nga lang kasi biktima siya ng basurang sistema na pa-ingles-ingles, ang basura na noon pa man din ay ipinagsisiksikan na sa ating kukuti na ang bigkas sa “A” ay “ey” kaya’t ito ay “eypol”. Kaya’t ang gusto nating kantahin ay “May Wey” at nakalimutan na natin ang “Ang Bayan Ko”.

Subukan kaya nating bigyan ng ┬ábagong pagtanaw ang eksampol na ito. Bakit ‘di natin paglinangin ang sariling lengguwahe natin? Kung Taga-ilog, magtagalog ka. No ilokana ka, agiluko ka. No pangasinan ka, man pangasinan ka. Kun Bikolano ka, magbikol ka. Kung bisaya ka, magbisayaka.

May nakikita ba kayong problema kung gawin natin ang suhestyonko? Kung mayroon, ilahad lahat ito sa mga komento nyo.

Opps, bago ko makalimutan, may tanong pa ako sa unahan…he he he.

Isang karagdagang pahiwatig kung paano sagutin ang mga tanongko. Basahin ang Langweds is Aydentiti sa Inquirer.

Naku! Kaya pala sumasakit ang ulo sobrang seryoso itong naiposte ko. (arayyy!)

Dagdag Gawain:

1. Ano ang paborito mong libro? Nabasamo na ba ito?

2. Bisitahin ang mga ikinarton mong libro, gumawa ng talaan kung kailan mo ito babasahin?

3. Kaya mo bang sagutin ang tanong kay Venus Raj sa loob ng isang minuto? Walang dayaan. Ngayon na!

Kumpul-kumpol na Basura

Marami ang mga nagkalat d’yan. Pansinin ninyo.

Basura sa tabi ng kalan

Karamihan ay mga nagkakalat na tuladko.

Kayo, ‘di ba kayo nagtatapon ng kung anu-ano? Sa tabi ba ng upuanmo noong ‘lementarika, malinis? Kunwarika pa? Alamko, hindi. Ganyan kasi ako noon. Kitam?!

Karamihan kasi sa atin, ang sarili ang basehan ng panghuhusga–dahil ginagawako, alamko, ginagawamo rin. O, kaya karamihan may aydol at ikukumpara ang sarili sa aydol n’ya. Tuloy, walang magawa kasi palagi na lang may kumparahan. Ang resulta: basura ang mga nagawa. Nagkalat na basura. Sayang.

Parang naghalu-halong papel, bote’t dyaryo ang laman nitong sitio na ito. Kaya’t magtiiska at matutong masegregeyt ng alin sa gusto mong tama. Basta ako, maghain ng maghain ng halu-halong balat at tinalupan. Kunwari’y may mga malinis na bote na pwedeng pag-aksayahan ng tingin at ang mga iba, wala lang talaga kundi nasama lang sa walang kwentang katha.

Kapakapakinabang o Walang Pakinabang

Upang ‘di tayo malito at maiwasan ng hindi pagkakaunawaan, gagawa tayo ng segregasion.

Ang Bakal

Lahat na usapin tungkol at patungkol sa pulitika, pamumulitika, politiko at lahat na usapin patungkol sa politiks ay ilagay natin sa katergoryang bakal. Isama na rin natin dito ang lahat na usapin tungkol at patungkol sa relihion, pananampalataya sa Diyos o lahat na metapisikal na ideya. Ibasura na rin natin dito ang lahat na usapin na patungkol sa pilosopiya kung mayroon man.

Ang Bote

Lahat na usapin at pag-uusap tungkol at patungkol sa pinansial, ekonomiya, pangangalakal at pamamahala sa negosyo ay isilid natin sa katergoryang bote.

Ang Dyaryo

Mga bagay-bagay na patungkol at tungkol naman sa mga literatura, arte, at kaartehan, syobiz, isports, tsismis, fityur at mga tao at pagkatao ay ilagay natin sa katergoryang dyaryo.

At Iba Pa

At lahat na kathang isip– totoo o hindi totoo, kababalaghan, kahibangan–ay isupot natin sa ibaba ng katergoryang at iba pa.

Hayan. May kaayusan na! ‘di ba masaya kung maayos ang paligid?

Mga walang kwentang mga tao, bagay, lugal, pangyayari ay ilagay na lang natin sa nabubulok (sige tawa!) na basurahan at hayaan na lang nating mabulok sila doon tulad ng mga bulok na pulitiko at bulok na sistema. Kung kailangang pagtuonan sila ng pansin, e, di ilagay natin sa kanilang kinalalagyang katergoya.

Maligayang pangangalkal sa inyong lahat!

Pagsasanay:

1. Bumili ng di-mamahaling notbuk at gawin itong listahan ng mga aral na napupulotmo araw-araw. I-segregeyt ang mga ito sa maayos na kategorya.

2. Subukanmo, walang mawawala sa iyo.

%d bloggers like this: