Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tag Archives: hacker

Ayawko Nang MAg-EmAiL

Para itong kanta: Ayawko nang magswimming!

Nabasura ang mga iposteko sana dito noong makalawa…anak ng pating!

Paging hacker, please…ibalikmo ang laman ng emailko!

Hayan, sumisigaw ako ulit. Nangako pa naman ako sa isang blog na ang baguhinko sa sariliko ay ang pagiging bugnutin. Letse! Basurero lang ako, pinagdisketahan pa ng hacker…

Kunwari lang ako. Wala talagang nakaiskedyul ngayon na maposte, he he he.. ngunit dahil sa pramisko, pipilitin kong ikuwento ang nangyari sa email-addko.

PM sa FB: PsssT….nahacked ata yung email addmo…

Pagbasako: Owwssss, siyanga? <Taka>

Biglang nagring ang peke kong cp na pinalitanko ng gulong ng trak. Riiiiing!!!

Helo!

Nakabili ka ba talaga ng apple?

Anong apple? Mansanas…

Hindi. Sabimo, maganda yung nabilimo at may promocode ka pa para sa 50% discount. Nag-isip ako. <tig 20 pesos na mansanas less 50% discount at may promocode pa? Sang kanto kaya ako nakabili?>

Wow! Ganun?! Sanmo nabalitaan yan…

Sa emailmo.

Wala, di ako bumili ng mansanas…bakal, bote, dyaryo lang ang binibiliko.

Spam! Spunk! Scam! Junk! Mga basurang sulat!

Nabuwisit talaga ako. Ang email-addko, nagmamagic. Gamit ang pangalanko, sumusulat ng kung anu-ano at pa-ingles-ingles pa, mali mali naman ang grammar…syaking!

Emailanko kaya lahat na contacts ko?

Pagtinginko sa kontak, naglahong parang ET!

Unread messages? May nagwalis…sinamahan akong naglinis sa nakakalat na 5000 messages unread pero naka flagged…

Unsent messages? Wala rin…. Hay, mga pinaghirapanko pa naman na sulat sa mahalko na di nakayanan ng powersko na i-send… may poems pa doon na pakering-kering…naloko na!

Spam? Trash? Wala ring laman…may nauna sa akin na namulot ng basura, mas maagap pa kaysa sa kuwago!

Napangiti pa rin ako: Oy, mukhang bago na naman ang emailko <na realized ko)***Tanging Yaman, rock version****


****

Anunsyo

Sa mga kaibigan at kaaway kong nakatanggap at tumatanggap pa ng sulat mula sa mail addressko na ha*^(*^(*(^*(^^(@%&%&7(dot)com, i-black list nyo na at i-filter na papuntang spam kaagad.

Hindi ko na alam ang mga tirahan ninyo, gamit ang form sa ugnayan, ibigay ninyo ulit ang mga address ninyo…marami pong salamat.

Dagdag Gawain:

1. Sumulat ng artikulo na “Hacking the Hacker” .

2. Bobo ba talaga si Albert Einstein?

3. Kung ikaw ay barbero, anong gupit ang bagay sa kanya (kay Einstein).

Advertisements

Nay, Pabilan ng Laptop

Sinaunang Laptop

Ancient Laptop

O, hayan, kung isa ka nang Nanay o Tatay o Naytay, huwag kang magalit sa anak mong tambay. Kung hindi mo pa sila naiintindihan, balikan mo ang napulot kung ipinoste kahapon. Tinanongko: Madali bang maging TAMBAY?

Nasa saiyo lang kung paano maging productivo ang anakmo. Bilhanmo ng laptop!

Isama mo na rin ang smartbro o kaya, globe tattoo.

Samahan mo pa kaya ng konting abuloy sa simbahan at magdasal na gawing hacker ang anakmo at nang hindi na manghingi ng pangload dahil kaya na niyang i-reconfigure ang broadband na walang gastos.

Sasaya ka pa dahil alam kong adik ka rin sa net!

Kung ikaw naman yung anak, pagawa mo sa Nanaymo o Tataymo ang kababasa mo lang. Sabihin mo:

Gusto kong maging hacker!

Kung magagalit dahil hinusgahan ka na niya bago ka pa nakagalaw, sabihinmo:

Magda-download ka lang ng torrent files ng mga e-books ni Dan Brown at ni Kafka.

Kung kulang pa rin ang sales talks mo, sabihin mo:

Gusto kong matuto ng Nippongo.

Siguro, papayag na niyan. Tapos, i-downloadmo ang torrent file ng pelikulang Letters from Iwo Jima. Di ba astig?

Kung kulang pa rin ang powers mo, siguro may DVD player naman kayo? Kalimutan mo nalang yang laptop. Pabili ka ng pekeng DVD rip ng pelikulang Letters from Iwo Jima. Yayahin mo nalang na manood ang mga parents mo.

Hayan, may family bonding time na kayo.

I-slow motion mo ngayon ang movie at palutangin ang sub-title na ingles. At, sabay-sabay ninyong basahin ito na may kalakasan.

Ayos ba?

Dagdag Gawain:

1. Ilistamo lahat na pinabilimo sa mga magulangmo na hindi binili.

2. Pag natapos mo na, puntahan sila at tanungin kung bakit?

3. Ilista mo lahat na sagot nila at ipaskil sa pintuan ng kuwarto mo.

%d bloggers like this: