Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tag Archives: istambay

Lab is in da er…

Kahapon, araw ng mga puso. Buti pa ang mga puso(n) may araw…araw ng balentayms. Ako? Di ko alam kung ano ang kuwento sa likod ng balentayms na ito.

Ha, basta! Maraming nagsuot ng mga pulang gamit, damit man yan o lipstick. O kaya, pulang bakat ng lipstick sa damit? Di ko rin alam. Maraming isinabit na hugis puso o idinikit kaya sa salamin, dingding o kung saan-saan. Marami din ang puso ng saging sa palengke. Araw ni balentayms kaya lab is in da er…

Sa mga tambay na tuladko, kantiyaw lang ang aabutinmo kung mabalitaan na de-deytka sa araw na ito.

At sa salat sa yaman na tuladko ring basurero, ordinaryong araw na lang ito na tulad din ng bertdey, biyernes santo at krismas. Kailangang  kong mangalahig para itawid sa gutom ang aking pamilya sa araw ni balentayms. At, ok na rin na aabutanko ang aking mahal ng mga nabugkos na diyaryo at ilang piraso ng bote para sa iniipon naming pera para sa isang bagong kariton.

Kaya, ang lab is in da er ay isang utot lang sa akin at puno ng carbon monoxide.

Kung totoo ang mga nabasako sa lumang diyaryo na napulotko na pati Pari ay sumasawsaw sa usaping balentayms na gamit ang condom na siya ring dahilan na magsermon sa diyaryo at tv, hindi ko na maintindihan ang araw ni balentayms.

Tapos, sasawsaw din ang patalastas na ‘proteksyon muna ‘tol bago aksiyon’, mas tatatag ang tiwalako na ang katorse pala ay isang pagdonselya. Happy V-day nga!

Ang maliwanag sa akin ay ang Pebrero katorse ay isang pautot lang ng lahat na may kaba(g) sa didbdib at ng mga may maraming pagkukulang sa sinasabing nagmamahal at minamahal.

Eto ang sure, pati pala bulaklak naging mahal, e.

Gayunpaman, uuso rin ako. HApi balentayms na rin sa inyong lahat! At, happy V-day na rin!

Advertisements

Sari-sari Store, Sari-saring Kuwento

Aling Belen, pabilan po ng noodles…

Ilan? Dalawa?

Isa lang po…

O, sukli mo.

Praaak!!

Oo, nga pala… Mahirap daw ang magtrabaho dyan sa bahay nina Soraya. Balitako lang, oy…

Putris! Kung lasing ka na, umuwi ka na!

Shinong…lashing? Akho? ‘tang ina, shambaluuushin phaa kita, eh.

Anong labas kanina sa hueteng?

A, pompiyang na duling.

Sabiko na e, yan ang lalabas. Sayang, iba ang natayahanko.

Ungas! Alam mo na palang lalabas, ba’t di mo tinayahan? Gago!

Sige, tira na! Magtagalka na lang sa suso, huwag sa baso. Tagaymo na.

Ha ha ha! Anong tawag sa maliit na palaka?

Butiti!

Ungas, isda naman ‘yan.

E, ano nga?

E, di palaka rin.

Palakarin mo yang baso, buwisit.

Check!

Tanga, ipapakainmo ba ang reynamo? Kakaininko.

Teka, horse na lang…

Aling Belen, sindihan niyo nga po ang ilaw, di ko na makita ang ititira ko e.

Hoy, magdala kayo ng lampara nyo.

Asin nga po.

Limang manteka nga po.

Redhorse pa?

Pasindi pare…

Namatay na pala si Aling Melchora…

Matagal na. Noong panahon pa ng kastila.

Ang alin?

Yan po. Tuna, ata.

Ilan ba ang namatay?

Saan?

Talk n text pala nanalo kagabi…

San Miguel, yung pilsen po.

GSM po.

Bawal.

Pabili ni tatay…

May utang pa, magbayad muna.

Magkano?

Sampu.

Ang utang?

Yung namatay…

Dalawang GSM.

Nakapagsaingka na ba, Tino?

Magkano lahat?

Hindi pa!

Sige, mabusogka sana sa kakakain ng reyna!

Check mate ka, pare.

Uwi na ako.

Hoy, ‘yang bote!

Bukas na lang…

Ililistako?

Sige, trese trese.

Hindi ito mauubos. Sa susunod ulit…

 

Dapat Gawin:

1. Kumuha ng calculator at sumahin kung magkano ang ‘di mo pa nabayarang utang?

2. Nasubukanmo na bang nasunog ang isinaing?

3. May lampara pa ba sa bahay nyo?

 

Photo Credit:

Ang Pulutan ay Pamatay Lasa, Hindi Pantawid Gutom! Facebook Fan Page

%d bloggers like this: